Chapter 4.

43 2 2
                                        

Author's Note:

Hello dear readers! The 4th chapter of the story is now updated!

If you just want to, you may also read my other stories. On-going din po lahat ng to.

*I Just Love You

*The Snob Prince

*Hidden Agenda

Keep on reading my stories! Thanks! ^___^

---

Chapter 4.

“Mr. Morris. Pinapatawag niyo daw po ako?” Matapos ang lunch break ay agad na akong nagpunta dito sa kabilang office. Ano kaya ang ipapagawa sa akin ni Big Boss? In-demand yata ako sa mag-amang to ah. Haha! Kailangan ko na nga yatang maniwala na talagang malakas ang appeal ko. Chos!

“Yes. Please have your seat first.” Utos niya sa akin. Mukhang ayaw ni Mr. Morris na palaging nakatayo ang kausap niya ah. Ganito din kaya siya kay Ms. Eunice? Naku. Puro kalokohan na naiisip ko e. Nahawa na yata agad ako sa Willem na yun.

“Well, how was Willem for you?” Muli niyang sabi pagkatapos niyang isara ang laptop niya. Ano kayang ibig sabihin ng tanong niyang to? Parang aware siya sa mga kalokohan ng anak niya ah.

“What do you mean Sir?”

“I’ll be honest with you Ms. Soriano.” Napabuntong hininga naman siya. Mukhang tama nga ang iniisip ko ah. “My son, Willem, is a very playful guy. Sa totoo lang, walang tumatagal na secretary sa kanya. Do you think tatagal ka sa kanya, knowing it’s your first job.”

“I get it Sir. Honestly, he already started annoying me sa bus pa lang. Well, I didn’t expect that he’ll be my boss kaya pinalampas ko yung pang-aasar niya sa akin sa bus. But then, simula nang pumasok ako dito sa opisina ninyo kaninang umaga hanggang sa dumating ang lunch break ay hindi niya pa rin ako tinigilan.”

“I’m sorry about that hija. I really don’t know what to do with that young man.” Puno ng frustrations ang boses ni Mr. Morris. Kahit siguro ako mapu-frustrate kung magkakaroon ako ng anak na katulad ni Willem.

“If you don’t mind Sir, I just wanna ask kung bakit po ganun ang ugali ng anak niyo? Para po kasi siyang bata.”

“He actually doesn’t want to be part of this company. He wants to be on his own. He wants a normal life. But that’s too impossible. Kahit anong gawin niya, hindi niya matatakasan ang pagiging isang Morris. It’s like nagrerebelde siya kaya siya ganyan.”

“Sa palagay niyo po ba may pag-asa pang magbago ang anak niyo?” I think I’m crazy para itanong ang ganitong klaseng tanong sa kanya. Of course, tatay ito ni Mr. Willem, nakakahiya.

“Meron. But it will only happen if I let go of him. And that would be the last thing that I’ll do. As early as now, he should be preparing para maging successor ng companies ko. He’s my only child.”

“I understand Sir. If I could just help you with that matter, I would.”

“I think it sounds naïve, but I think kailangan niya ng isang tao, particularly a girl, na makakapagpabago sa kanya. You know, yung mga lovestories where in nagbabago yung lalaki para sa babaeng mahal niya.” Natatawa na naiiling na sabi naman ni Mr. Morris. Actually, nakakatuwa para sa isang may edad na lalaki ang maniwala sa power of love. Para kasing napaka-uncommon.

“You have a point Sir. But does your son have a girlfriend or someone special?” Pero sa itsura naman ni Willem, hindi malabong mawalan yun ng babae. Gwapo at mayaman. Imposibleng walang magkakagusto sa kanya. He’s very charismatic. Kahit nga ako di ba? He’s a jawdropper.

Stand By You (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon