Chapter 2.
“Po?!” hindi ko napigilang mapalakas ang boses ko dahil sa sinabing iyon ni Mr. Morris.
“Well, actually not my secretary. Para sa anak ko sana. He requested for a fresh one. Ayaw niya raw kasi ng secretary na marami ng alam na para bang mas magaling pa sa kanya. I hope you accept my offer hija.” Mahabang paliwanag naman niya. Hay, buti na lang hindi siya nagalit na medyo napasigaw ako. Mabait pala siya sa personal.
“Um, well Sir, if you think I will fit in the position, I think I have no right to decline that offer.”
“Well, hija, you are highly recommened to me by the HR department. So I guess, you arel definitely the one my son needs.” Sagot ni Mr. Morris sa sinabi ko. Speechless ako kaya nginitian ko na lamang siya. Pareho naman kaming napalingon sa may pintuan nang may kumatok. Hindi pa sumasagot si Mr. Morris ay bumukas na iyon. Magpapaalam na sana ako pero nagsalita muli si Mr. Morris.
“There you are son! Bakit ngayon ka lang? Narito na ang bago mong sekretarya.”
“IKAW?!/YOU?!” napatayo ako sa kinauupuan ko at sabay kaming napasigaw na dalawa. Si kuyang pogi sa bus kanina ang magiging boss ko?
What a coincidence! Baka niyan, pareho lang din pala kami ng company na pinagtatrabahuan? Pag nangyari yun, iisipin ko na siya ang soulmate ko.
Naalala ko bigla ang sinabi kong to kanina pagkababa ko ng bus. Magiging soulmate ko ba talaga siya? Waaaah! Pinipigilan ko lang pero talagang kinikilig ako deep inside me.
“So you two know each other?” basag ni Mr. Morris sa pagkabigla naming dalawa ni kuya pogi, este ni Mr. Younger Morris. Haha! Di ko pa alam pangalan niya e.
“Well, we just met a while ago. We took the same bus.” Sagot niya sa kanyang ama. Alangan namang ako pa yung sumagot di ba? Hamak na encoder lang naman ako na biglaang napromote bilang secretary.
“You took a bus? Where’s your car?” gulat na tanong ni Mr. Morris sa anak niya. Oo nga naman, nagmamay-ari sila ng ilang kumpanya tapos sa bus siya sumasakay. Well, that only means he’s not maarte or maselan. Di ba?
“Damn that car! Tumirik na naman sa gitna ng kalsada. Can I just get another one?” ahh, so that explains. May sasakyan naman pala, nasira lang.
“Oh, I see. Well son, she will be your new secretary. What can you say? Ni-recommend siya ng HR department natin.” Pagbabago ni Mr. Morris ng usapan. Mukhang ayaw niyang bigyan ng bagong sasakyan ang anak ah.
“Really? Then she must be good. Let’s see kung magugustuhan ko siya.” Ang sabi ni Mr. Young Morris kay Mr. Daddy Morris habang nakatingin sa akin. Ewan ko kung anong gusto niyang mangyari pero kakaiba kasi siyang tumingin. Parang may iba siyang balak, o baka imagination ko lang?
“Then you may want to formally introduce yourself to your new secretary, young man?”
“I guess so? Well, I’m Willem Morris and I will be your boss. Don’t call me Mr. Morris, okay? If you know what I mean.” pakilala niya sa kanyang sarili. I therefore conclude na kinuha yung pangalan niya mula sa pangalan ni Mr. Morris na William. Dahil ba sa dalawa silang magiging Mr. Morris kaya hindi ko siya dapat tawagin na ganoon din? Yun ang pagkakaintindi ko e.
“Okay, S-Sir. By the way, I’m Monique Soriano, Sir.” Medyo asiwang pakilala ko naman sa kanya. Nakakahiya naman kasi yung nangyari kanina sa bus e.
BINABASA MO ANG
Stand By You (On-Going)
RomansaNagsimula sa pagpapacute, napunta sa asaran at nauwi sa gantihan. Nakilala ni Monique Soriano si Willem Morris sa isang bus. Pero hindi niya inakala na ito rin pala ang boss niya. At first, natutuwa pa siya, pero hindi nagtagal nagsimula na siyang m...