Chapter 3.

41 2 0
                                    

Chapter 3.

“Monique, pinapatawag ka ni Mr. Willem.” Sabi ni Ms. Eunice na ikinalingon ko. Ano naman kaya ang kailangan ng luko-lukong yun.

“Okay. I’ll go na ha. Thanks for the briefing.” Paalam ko na sa kanya habang bitbit ang mga gadgets.

“Just call me if you need something, alright?” Sagot naman niya sa akin. Umalis na ako para makabalik na sa opisina ni Willem. Bastusan lang e no? E basta, my atraso pa siya sa akin. Pinagtawanan niya ako kanina.

“Sir, may iuutos po ba kayo?” Tanong ko kaagad nang makapasok na ako sa opisina.

“Wala naman. I just want to see you.” Aba, teka. Sinusubukan yata talaga ako ng isang to ah. We’ll be playmates then. Yan ang gusto mo e. Pagbigyan!

“Maybe it would be better if I’ll put my framed picture on your table Sir so you won’t miss me.” Mas lalo naman siyang napangisi sa sinabi ko. Ano na kaya ang iniisip ng lalaking to. Hindi naman ako natinag sa pakikipagtitigan sa kanya. Hindi ako pwedeng magpaapekto sa kagwapuhan niya. Syet.

“That’s a good idea! But I think I’ll have two. One for here on my office table and another one for my bedside table.” Nakangisi niyang sabi. Balak ba niyang pagpantasayahan ako? Bastos pala ang isang to e. Naku, kukutusan kita e.

“What about a wallet-size one? Would you like to have as well?”

“That’s a nice idea. But how about instead of giving those damn pictures, you just stay by my side? I think that’s the most brilliant idea!” Lumapit siya sa akin at bigla akong hinila palapit sa kanya. Sobrang lapit ng mukha naming bdalawa sa isa’t isa. Konti na lang mahahalikan na niya ako. Mula sa pagtitig sa mga mata ko ay bumaba ang tingin niya sa labi ko. Napalunok naman ako sa ginawa niyang yon. Syet! Wrong move. Kaso di ko kayang pigilan ang kaba ko. Halos pigil na ang hininga ko. Dahan-dahang lumalapit pa ang mukha niya. Pipikit ba ako? Ay ano bang klaseng tanong yan! Wag kang pipikit! Baka pinapaasa ka lang niyan. Alam ko na din ang galawang ganyan.

Ramdam ko na ang init ng hininga niya. Pero hindi pa rin ako natinag. Hinding hindi ako pipikit. Nakitingin lang ako sa mga mata niyang nakatingin pa rin sa labi ko. Ay naku, ayaw pang humalik kung hahalik. Pinapatagal pa e. Napapaghalataan tuloy na nagpapasabik lang to. Ha! Akala mo yata magpapahuli ako sa bitag mo! No way!

“Matibay ka Ms. Soriano. Ikaw pa lang ang nakakagawa niyan sa akin.” Bigla naman niyang sabi. Well, sareeh! Di mo ako maloloko. At wag mo akong igagaya sa mga babae mo. Iba ako sa kanila. Oo nga at crush kita pero hindi ibig sabihin non ay magpapadala na ako sa mga kalokohan mo. Lalo pa at nalaman kong balak mo pa akong pahirapan at pagtripan. Pinagtawanan mo pa ako kanina.

“Well Sir, it’s just that I’m not just another girl in town. I’m way different from those pathetic girls of yours.” Depensa ko sa sarili ko. Binitawan na naman niya ako at tinitigan ako sa mata.

“I think I’m starting to like you more.” He said in a deep voice. It sounds like he’s seducing me. Sige maglokohan lang tayong dalawa. Papatulan talaga kita.

I gave him my seducing smile at iniwanan ko siyang nakatayo lang sa pwesto niya. Bumalik na ako sa table ko dahil mukha namang wala talaga siyang kailangan sa akin. Gusto niya lang yata talaga ako bwisitin. Sareeh Mister, pero marunong din ako mambwisit. Maling mali ka ng pinagtripan mo.

Bumalik na din siya sa table niya at itinuloy ang pagbabasa ng diyaryo. Seriously? Ito lang ba ang gagawin niya maghapon dito sa opisina? Napailing iling na lang ako. Gumawa na lang ako ng e-mail account ko. Nice, may free wifi yata sa buong building na to. At ang lakas ng signal ah. Mabilis akong nakagawa ng account ko.

Stand By You (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon