I dedicate this chapter to my ever supporting friend. Thank you so so so much! Kaya guys, if you want me to dedicate my next chapters to you, simple lang ang gagawin niyo. Just follow me. ^___^
Enjoy reading.
---
Chapter 5.
“Sir, here’s your coffee and your banana cake.”
“On my table, please.” Utos niya without even a glance. Siya na ang busy. If I know, porn na naman ang pinagkakaabalahan nito. Pektusan ko na kaya?
“Okay lang ba Sir na magmerienda na rin ako?” Patweetums kong tanong. Hindi ko matarayan kahit pa ganyan siya e. Wala e, boss siya e. Baka pagalitan pa ako if I do it in the harsh way.
“Bahala ka.” He answered lazily. Suplado! Hmp! Mukhang mahihirapan ako paamuhin ang isang to ah. Ang damuhong to. Deym! Anong oras pa lang? Gusto ko na makauwi para naman makapagconcentrate na ko sa pag-iisip ng paraan kung paano ko mapapa-fall sa akin ang letseng lalaki na to.
“Sir, meeting with the board starts in fiteen minutes.” Medyo may galang na sabi ko sa kanya. Syempre, pakitang tao din minsan. Kailangan ko magtimpi.
Walang imik naman niyang isinara ang laptop niya at nagpunta sa dining area. I think he’s not in the mood. Kaya siguro medyo nagsusuplado. I have nothing to do with it. Hindi ko siya kailangan problemahin sa ngayon. Saka na kapag nakapagdesisyon na ako. Hahaha!
Pinanood ko lang siya na pabalik balik. Wala akong magawa e. Hindi naman niya ako inuutusan kaya wala talaga akong gagawin.In fairness to him, gwapo siya kapag seryoso. Parang nagiging more masculine ang features niya. Maganda ang mata niya. Ang fierce kapag seryoso, at ang cute kapag ngumingiti or tumatawa siya. His nose na proud na proud sa katangusan kaya mahahalatang hindi siya pure Pinoy. His thin lips. I wonder, marami na kaya siyang nahalikan na babae? Well, sabi nga ni Mr. Morris, palagi siyang nakikita sa mga bar na ka-date ang iba’t ibang babae. What do I expect from him.
But wait. Why am I bothered kung marami na siyang nahalikan? As if naman gusto kong mahalikan din niya ako. Of course you do. No! Of course not! Pasaway ka talagang brain ka ha. Ipapakain na kita sa zombies niyan e.
“Why are you staring like that? May gusto ko sa’kin no? Well, I can’t blame you.”
Naningkit naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Ang kapal ng mukha! Oo nga at gwapo ka pero kung kasing gwapo lang sana ng mukha mo ang ugali mo, possible pang magkagusto ako sa’yo. Kaso hindi e.
“Pag nakatingin, may gusto agad? Hindi ba pwedeng pinapatay lang kita sa isip ko?” Hindi niya ako kailangan mahuli na medyo pinagpapantasyahan ko nga siya.
“And why would you do that?” Naningkit din ang mata niya.
“Gusto ko lang. Bawal ba?” I said with one brow arched. Taray ng lola niyo! Sinasagad niya ko e. Okay na kasi ako kanina, nakakapgtimpi pa ako. Pero ininis niya na naman ako.
“You’re crazy.” He hissed at saka naglakad na palabas ng office. Well, I think I just won! I think I need a treat for myself.
Boredom strikes. Ano bang pwede kong gawin? Pwede kaya akong lumabas ng office? Kaso baka bumalik agad si Mr. Willem. Baka hanapin niya ako. E ano namang gagawin ko dito? Nakapaglinis na ako nitong opisina. Wala naman siyang pinapagawa. Bigti na lang, ganun?
E kung mag-iwan na lang ako ng note sa table niya na lumabas ako no? Tama. Pero san naman ako pupunta kung lalabas ako? Puntahan ko kaya yung master chef para malaman ko kung paano niya tinitimpla ang kape ng damuhong Willem na yun. I’m such a genius, beybe!
BINABASA MO ANG
Stand By You (On-Going)
RomanceNagsimula sa pagpapacute, napunta sa asaran at nauwi sa gantihan. Nakilala ni Monique Soriano si Willem Morris sa isang bus. Pero hindi niya inakala na ito rin pala ang boss niya. At first, natutuwa pa siya, pero hindi nagtagal nagsimula na siyang m...