A/N:
Wooooo! After ilang weeks may update na ulit ako! Kaso di ko sure kung kelan mauulit. Pasensya na kayo ha. Babawi talaga ako ng bonggang bongga pag may sufficient time na ko. Nag-eenjoy ba talaga kayo sa story na sinusulat ko? I need motivation guys! Vote vote and vote! Comment na din kayo! Wahaha! Nakakagana kasing magsulat pag alam kong may nakaka-appreciate ng mga stories ko e. O siya, baka maumay na kayo sa pinagsasasabi ko, eto na ang ikapitong kabanata! Enjoy!
---
Chapter 7.
-Willem Morris-
“This is bullsh*t!”
Badtrip! Ayoko na! Bakit ba kasi ganito? Ayoko na nga magtrabaho dito, sasabayan pa ng pagsulpot ng babaeng yun. Malas ba talaga akong tao?
“Sir, we’re about to leave. You want me to fix your things?”
Damn! Doesn’t she even know how to knock?
“No. Umalis ka na kung gusto mo.”
Isa to sa mga ayaw ko e. Yung may bigla bigla na lang susulpot kung kailan gusto kong mapag-isa. Ayoko kasi talaga na naiistorbo lalo na kapag ganitong badtrip ako. Bwiset!
Mabilis kong inubos ang kinakain ko. Ayoko na, uuwi na ako. Papunta na ako sa CR para mag-ayos ng sarili ko nang mahagip ng paningin ko si Monique na paalis na.
“Monique, can you clean the table before you leave?”
“What the hell?”
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. “What did you say?”
“Nothing SIR!”
Naglakad na siya papunta sa mini dining room ng office at nagdiretso na ako sa CR. Naisipan ko na din na ipaayos na lang din kay Monique ang mga gamit ko since nagvolunteer na rin naman siya kanina.
“Monique.” Papunta na sana ako sa mini dining room nang mapansin ko na naman siya sa may pinto at paalis na.
“Monique!!”
Badtrip yung babaeng yun ah! Takasan ba ako? Napahilamos na lang ako sa mukha ko sa inis. Tama bang gawin yun ng isang secretary? Walangya! Siya lang talaga ang naglakas loob na gaguhin ako ah.
Wala na kong nagawa kundi ayusin ang gamit ko. Kinuha ko na lang yung mga importante at pinabayaan yung ibang kalat. Bahala na ang mga janitors na mag-ayos dito. Trabaho naman nila yun e.
Lumabas na ako ng office at nagdiretso na pababa. Kailangan ko makaalis kaagad hangga’t hindi pa ulit sumusulpot ang babaeng yun. Ayoko na siya makita. Sukang-suka na ako sa pagmumukha niya!
Palabas na sana ako ng company kaso hindi ko na naituloy ang paghakbang ko dahil nakaabang siya sa pinto. Siguradong kinokorner niya ako. Pano ako lalabas nito ngayon? Wala namang ibang exit.
Si Kenneth!
Tama! Pwede ko siyang ipadistract kay Kenneth para makalabas ako. Wala lang naman kay Kenneth yun e. At naiintindihan niya rin naman ako pag dumadating ang ganitong mga pagkakataon na kailangan ko siyang gawing pain.
Kaya naman bago pa niya ako mapansin ay nagpunta na agad ako sa Cafeteria para tawagin si Kenneth.
“Where’s Kenneth?”
“Ay Sir, nakaalis na po si Chef e. Maaga po siya lumabas.”
“Okay, thanks.”

BINABASA MO ANG
Stand By You (On-Going)
RomanceNagsimula sa pagpapacute, napunta sa asaran at nauwi sa gantihan. Nakilala ni Monique Soriano si Willem Morris sa isang bus. Pero hindi niya inakala na ito rin pala ang boss niya. At first, natutuwa pa siya, pero hindi nagtagal nagsimula na siyang m...