Nadine POV
"Ah...eh, ano po?..." bakit ngayon pa dumating ang magulang ko, sa dami ng araw na pwede silang dumating. Ngayon pa!!
"Mommy??!!" hala! nagising pa si Alex..
"Mommy??? Nadz,sino ang batang yan? Wag mong sabihin na...." si Mom ang nagsalita, kung makikita niyo yung mukha niya nakakatakot...
"Nadine! Meron ka bang hindi sinasabi sa amin??!" si Dad naman yan...
"Waaaaah! nagkakamali po kayo!!" sigaw ko sa kanila,eh kasi naman. alam kong magcoconclude na ang mga yan.
"Mommy, who are they?" ito naman si Alex, singit ng singit sa pagtatanong.
"Kung mali ang iniisip namin, Bakit Mommy ang tawag niya sayo?" sabi ni Dad. mukhang mahaba-habang paliwanagan ito ah.
****
sinabi ko na kina Dad yung nangyari kung bakit nandito at mommy ang tawag ni Alex sa akin. Akala daw nila nagpabuntis na lang ako kung kanino, naku! kung alam lang nila, sa edad na 25 wala pa akong naging boyfriend. Nakakatakot nga baka tumanda akong dalaga, wag naman sana..huhuhu.
"Nireport mo na ba sa police?" tanong ni Mommy.
"opo. kaya lang hindi pa rin sila tumatawag sa akin." iniisip ko, hinahanap ba si Alex ng magulang niya. "Dad, bakit nga pala napauwi po kayo ng maaga, akala ko po sa next month pa kayo uuwi." bigla-bigla na lang ba susulpot dito.
"Masama bang umuwi kami sa bahay namin, Nadine! Well, isusurprise ka sana namin, pero mukha kami ang nasurprise sa dala mong bata." hindi sila naniniwala sa akin??!!!
"Dad naman eh!! napagkamalan nga lang po niya ako."
"hahaha, ang niloloko ka lang namin. " ang lakas talaga ng trip ni Dad.
"Sige po, aakyat na po ako, baka magising at hanapin ako ni Alex." baka kung ano pang pang-aasar ang gawin nila. Hobby nila kasi na asarin ako, ako naman itong pikon.

BINABASA MO ANG
Mommy na ako???!!! ( JADINE )
Fanfictionbakit nga ba ganyan ang title ng story ko? paano nga ba nagsimula ang pag-iisip ko sa tanong na "mommy na ako??" seriously! kahit ako din, hindi ko alam kung anong sagot diyan... basta ang alam ko lang, nagsimula yan ng may lumapit na bata sa akin...