Offer

15.7K 366 35
                                        

Nadine POV

Dahil nga naiwanan ko si Aina, nakatanggap ako ng malakas na sermon sa kanya. Kung saan saan niya daw kasi ako hinanap, akala niya daw nakidnap na ako. Pero nung nakwento ko sa kanya kung anong nangyari, aba! ang bruha! kinilig, eto na daw ang simula ng lovelife ko. Para naman magkakagusto sa akin yung Gwapong Nilalang slash Daddy Gwapo slash Gwapong Masungit na yun..

halata bang  Crush ko na siya??! sobrang gwapo niya kasi eh, parang ayaw niyang magshare sa iba ng kagwapuhan. pero Wag kayong maingay ha, that's our secret.

Yung apat naman na lalaking lumapit sa akin kanina, hindi na sila nakipag-usap sa akin nung bumalik ako ng party. Naniwala ata sila na anak ko si Alex.


hinatid ko muna si Aina sa bahay nila, then umuwi na din ako. Pagdating ko sa bahay, bukas pa yung mga ilaw, hindi pa natutulog si Mom? Si Mom lang kasi si Dad, umalis na siya for business trip again. Si Mom ata bukas pa aalis.

Pumasok na ako sa bahay, at totoo nga hinala ko, hinintay pa ako ni Mom.

"Mom, bakit po gising pa kayo?" nakaupo siya dun sa may sala, nagbabasa ng Magazines.

"Buti nandito ka na" nilapitan ko siya at hinalikan sa pisngi. "Where have you been, Nadine? Medyo ginabi ka na ah." oo nga pala, hindi ako nakapag paalam kanina na sinama ako ni Aina,kasi naman sanay na akong hindi nagpapaalam dahil palagi naman silang wala dito. "Wag mong sabihing, nakipagdate ka." sabi niya habang tinitingnan tingnan ang suot kong damit.

"Mom, hindi po ako nakipagdate." napataas naman ang kilay dun ni Mom. "Hindi nga po ako nakipagdate, sinama po ako ni Aina sa isang party. Promise! tsaka po, kung nakipagdate ako di ba dapat po okay lang yun kasi hindi na naman ako teenager." totoo naman eh, 25 na ako! nasa legal age na ako, i can do whatever i want.

"hahahahaha, tumatanda na talaga ako,hahaha, I'm just kidding you, Nadine. Okay lang naman na makipagdate ka eh, basta ba ipapakilala mo sa akin. At nag-aalala lang ako sayo." sabi niya sa akin. Maloko nga si Mom.

"Actually, Mom, nakipagdate talaga ako." nakita ko naman na nanlaki ang mata ni Mom. Parang nagulat pa siya, nakakagulat ba ng may nagdate sa akin kahit hindi totoo? 

"What?? akala ko ba hindi. sino naman yung kadate mo?" hahaha epic talaga ni Mom! lubos-lubusin ko na nga ito.

"Ahm.." siyempre kunwari nahihiya pa ako. "Yung Da-daddy po ni Alex, si James Ramsden." 


grabe mangarap,Nadine- UTAK

CHE! wag kang magulo diyan...

Grabe talaga tong utak ko, nagsasalita. pero mas grabe ang expression ni Mom! Priceless!

Mommy na ako???!!! ( JADINE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon