Move to his House (Part 2)

13.1K 341 54
                                    

Nadine POV

umalis na ako sa opisina para ihanda ang mga gamit ko, eto kasing si Mr. Ram--- este James gusto agad akong magsimula. Di naman siya masyadong atat noh.

Sinabi ko kay Aina na natanggal na ako sa trabaho at alam niyo kung anong reaksyon niya...

Tumawa siya! As in tinawanan niya ako. Tama daw kasi yung hula niya. Hindi ko nga alam kung bestfriend ko ba talaga siya, imbes na malungkot siya, naging masaya pa siya. Mamimiss lang daw niya ako.

Pero nung nalaman niya na kaya ako natanggal dahil may bagong work ako at si Gwapong Masungit ang isa sa boss namin at siya yung nagbigay ng bagong work ko, aba! Nainggit naman sa akin. Hindi pa naman niya nakikita si Gwapong Masungit pero base daw sa mukha ni Alex at kwento ko, para daw ubod ng gwapo ung boss namin. hindi naman siya nagkamali dun..

Hindi ko nga sinabi kung anong work ko sa kanya eh kahit pinipilit niya ako, sesermonan na naman kasi ako ng magaling kong bestfriend pag sinabi ko ung kontrata namin ni Gwapong Masungit... 

Nandito na ako sa bahay, siguradong magtataka si Mom na tanghali pa lang umuwi na ako...

"Nadine?? ang aga mo ata." sabi na eh. aakyat na sana ako sa taas, kaya lang lumabas si Mom galing kusina. Nagluluto siguro siya, naka apron pa siya eh. Kahit kasi may katulong kami, gumagawa pa rin ng gawaing bahay si Mom pag wala siyang work sa company at hospital namin.

"Kailangan ko na po kasing umuwi ng maaga." sagot ko sa kanya.

"Bakit naman? pero tamang-tama at nagluluto ako, may makakasabay ako mag lunch." sabi niya sa akin, naku! paano ko ba sasabihin kay Mom yung kontrata namin ni Gwapong Masungit "Namimiss ko na yung Dad mo, wala masyadong nangungulit sa akin. Pati si Alex, namimiss ko din ang batang yun." 

"Kung sumunod na lang po ulit kayo kay Dad." suggestion ko kay Mom, aalis din naman kasi ako dito.

"Iniisip ko din yan, kaya lang may gagawin pa ako dito. At para na din hindi ka masyadong malungkot, ayaw mo bang samahan muna kita dito."

"Ahm! Mom, kasi ano.." 

"Bakit anak? May problema ba?" umiling ako. "eh bakit?"

"May new work na po ako."

"Ha? nagresign ka, ano naman yung work mo?"

sinabi ko kay Mom yung nangyari kaninang umaga at kontrata namin ni Gwapong Masungit. tahimik lang siyang nakinig sa akin.

"Okay lang po ba?" tanong ko kay Mom, na nakatingin lang sa akin at walang ekspresyon ang mukha. "Mom, galit po ba kayo? kung ayaw niyo po pwede ko naman pong sabihin na hindi ako tutuloy........" niyakap niya ako, bigla. "Mom! sorry" baka kasi galit siya dahil tinanggap ko.

Mommy na ako???!!! ( JADINE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon