Nadine POV
Grabe! 1 week na rin ang nakalipas ng tumira ako dito kina GM, medyo nasasanay na ako. Hindi ko nga alam kung bakit hindi ako namamahay eh. Para lang ako nasa bahay namin.
Si Mom! Ayun, sinundan na si Dad. Miss na miss na daw niya eh. Wala daw siyang kaloving loving. Tsk! eh ako kaya kaylan? Tumatanda na din ako, pero wala pa akong boyfriend. ||_|| Sabi kasi ni Mom, wala naman daw akong pinakilala noon na boyfriend ko, so nagconclude akong walang bf since birth.
Tinatanong niyo kung anong ginagawa ko, eto naghihintay kay Alex na matapos siyang maligo. Nasa kwarto niya ko ngayon. Medyo naiinip na nga ako sa bahay na ito eh. hindi naman kasi ako nakakalabas,ang sabi kasi ni GM wag muna daw kaming lalabas ni Alex,hangga't wala pa yung bodyguard na nihire niya. Nagtataka nga ako dun, kung bakit may bodyguard pa kami, kasama AKO! okay lang sana si Alex, pero dinamay niya ako. Ang sabi lang niya for our safety daw! Pinabayaan ko na lang...
Si Andre naman, medyo okay na siya sa akin. Makulit kasi siya,nagsorry siya tungkol sa ginawa niya nung nandito si Mom. Di naman daw niya yun sinasadya, miss na lang daw niya ang bestfriend niya. Sinabihan ko na lang na wag kung ano-ano ang ituro niya kay Alex. Baby pa yung bata eh! Para sa akin XD
Ringgg.ringgg....
tiningnan ko kung sino yung caller...
Calling....
GM -__-
bakit na naman kaya ito tumatawag? Sa araw-araw kasi na umalis siya ng bahay,walang araw siyang hindi tumawag. Tatanong lang naman kung okay lang ba ang lahat, kumain na ba kami, anong ginagawa ni Alex. Kung asawa ko siya, i find it sweet. pero hindi naman eh. so sinagot ko na yung tawag.
"OH!" walang hello hello sa akin.
"Bakit ang tagal mong sumagot?" sabi niya, pero hindi naman siya galit.
"Tinatamad ako!" totoo naman eh! "Bakit ka tumawag?"
"tsk! i call..." alam ko na! ayun na naman ang itatanong niya.
"Alam ko na! Don't worry we're okay, we already eat our lunch. Naliligo lang si Alex. Mamaya manonood daw kami ng Adventure time." sinagot ko na! ayun lang din naman ang isasagot ko sa sasabihin niya eh.
"hahahaha!" tumawa siya. sa totoo lang naninibago ako diyan kay GM! di na kasi siya masungit sa akin. Gwapong Mabait na ata ang bagong meaning ng GM.
"Hoy! bakit ka diyan tumatawa?!"
"hahaha, bakit ba? gusto kong tumawa?" gwapong baliw na ata ito. "You always make me happy...." what? ano daw... tama ba yung narinig ko? lagi ko siyang pinapasaya?!!
"Hahaha" sarcastic kong tawa "Niloloko mo ba ako?"
"Bakit naman kita lolokohin. that's true!" hindi ko alam, pero biglang napangiti ako. "I call you because I want you to get ready,also Alex. I'll fetch you. We're going to the mall. Paalis na ako dito sa office" sa narinig ko, biglang nagningning ang aking mga mata! waaah! 1 week din akong hindi nakalabas noh!!
"Talaga! Waaaah!Sige, sige. Magreready na kami." at binaba ko na yung tawag. I'm excited!!! yiee! "BABY!!"
**********
Ayan, okay na siguro ito. Nagbihis na ako, si Alex andun sa baba. Binihisan ko muna siya bago ako nagbihis. Sabi ko sa kanya, antayin niya yung Daddy niya. Naglip gloss lang ako, at face powder. tama na yun. Para natural beauty di ba? hihi. Tapos nilugay ko lang ang buhok ko.
Bumaba na ako, nakita ko si GM na andun na, nakatalikod kaya hindi niya pa ako nakikita,may kausap sa phone. Work na naman sigurado yun.
"Baby!" tawag ko kay Alex.
"Wow! Mommy, you're so sexy and beautiful."
"Naman!" nakita kong humarap si GM sa amin, at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa. At ginawa na naman niya yung famous expression niya,kumunot yung noo niya.. Leche naman! Di ba ito nagagandahan sa akin?
"Okay, Bye" sabi ni GM dun sa kausap niya. Lumapit naman siya sa amin ni Alex. "Bakit ganyan ang suot mo?" ha? may mali ba sa suot ko. Nakashort tapos halter top at gladiators ako.
"Bakit? may mali ba sa suot ko?"
"I don't like it. Go! Change your clothes." balik na naman siya pagkamasungit.
"Eh kung ayoko?..."
"Just change your clothes."
"I don't want to change it. This is my style, if you don't like it! Well that's your problem!" hindi ko naman siya stylist, kaya wala siya karapatan na baguhin ang fashion style ko.
"We're going to the mall!"
"So??" nakita ko naman na parang naiinis na siya. Problema ba nito sa suot ko. Si Alex naman, nasa gitna namin, papaling paling ang ulo, titingin siya kay GM pag siya yung nagsasalita, tapos sa akin pag sumasagot ako.
"Just change your clothes, Now!" malumanay niyang pagkasabi pero maawtoridad.
"Ayoko nga! ganito talaga ang mga sinusuot ko kapag nagmomall ako. At sabi nga ni Alex, ang ganda at sexy ko daw. So anong problema??!!!"
"Bakit ba ang kulit mo?!!" shet! Galit na ito! pero hindi ako magpapatinag.
"Waah! Mommy, Daddy are you fighting?"
"No!" sabay namin na sagot ni GM.
"Eh bakit po kayo nagsisigawan?"
"Its normal, baby." sagot ko na lang. Talaga naman normal yun sa amin ni GM ang magsigawan. "Tara na, GM! Naiinip na yung bata oh!" sabi ko, pero bakas pa rin sa mukha niya ang pagkainis.
"We're not going to the mall unless....." Umiinit na ang ulo ko ha,
"ANO BANG PROBLEMA MO SA SUOT KO HA?" labas litid na sigaw ko, nakakainis na kasi eh.
"YOU'RE TOO SEXY WITH THAT F*CKING CLOTHES! I DON'T WANT ANY GUY TO SEE YOU WEARING THAT F*CKING CLOTHES!"
***********
A/N: Hala! Nagulat ako sa reads nito,votes at comments. Ngayon lang ulit ako nakapagbukas ng Wattpad.hihi. pasensya na sa naghihintay ng update. Hindi ko na sana ito itutuloy kaya lang..maraming nagmessage sa akin,hindi ko alam na magugustuhan niyo pala ang trip kong story! Hahaha. Pero sige na nga,magupdate na ulit ako :) Medyo mabagal akong mag update ha,ang busy ng life ko eh! Hahaha. Thank you sa lahat! Maikli lang ung update ko ngayon. Babush!!

BINABASA MO ANG
Mommy na ako???!!! ( JADINE )
Fanfictionbakit nga ba ganyan ang title ng story ko? paano nga ba nagsimula ang pag-iisip ko sa tanong na "mommy na ako??" seriously! kahit ako din, hindi ko alam kung anong sagot diyan... basta ang alam ko lang, nagsimula yan ng may lumapit na bata sa akin...