May event ang school ngayon. Pwede ang mga outsiders. Masaya ang araw na 'to kasi iba't-ibang kaganapan. Isa pa, may isa pang kaabang-abang na mangyayari sa buhay ko. Ang makita si Kira kasi sya ang gaganap na prince para sa cosplay namin sa Cafe. Imagine, a tall handsome prince and I'm the lucky princess.
"Hoy yung frog nasaan na?"
"Nandito ako!!!" Sa dinami-dami naman ng ipapasang costume sa akin eh talagang itong palakang kokak pa. Nakakainis talaga hindi ko tuloy mababantayan si Kira. Hindi rin kami magkakasama kasi sa iba ako nakatoka.
Hulaan nyo pa kung sino ang prinsesa, walang iba kundi ang bruhang si Seiya.
No choice pa ako dahil nagkasakit yung dapat may suot ng mascott. Dahil ako daw ang pinakamaliit sa klase hindi daw ako mahihirapang isuot 'yon. Kay gagaling na mga rason.
"Kira, goodluck!" sigaw ko pa bago sya lumabas ng dressing room. Grabe, ang gwapo nya talaga.
And HE GAVE ME A SMIRK.
Kahit smirk lang, okay na 'yon. Atleast napansin nya ako."Rika, si Kira iligtas mo." niyakap ko sa beywang si Rika habang inaayos ang buhok nya.
Natigil sya sa ginagawa nya, "Bakit? Anong nangyari?"
"Kasama nya si Seiya, kampon ni Santanas yon!"
Binatukan ako ni Rika, "Ikaw talaga puro ka kalokohan. Bilisan mo na dyan para pag naubos mo na ang mga flyers maililigtas mo na ang Kira mo."
Nagningning naman ang tenga ko sa sinabi ni Rika, "Ikaw, Talino mo talaga. Alis na ako!" Lumabas na ako't nagsimula ng umikot sa buong campus para naman maubos ang flyers.
Nasa 2nd floor na ako ng makita ko ang prince ko, "Kiraaaaa!" kaway ko sapat lang para malaman nya ang existence ko.
Hindi ko nagustuhan ang mga umaaligid sa prince ko at isa pang reyna ng mga frog ang nakapalupot sa prince ko. Ayokong nahihirapan ang prince ko. Sumimple ako sa likuran para mapalapit ako ng konti kay Kira, "ililigtas kita dito Kira." sabay bangga ko din kay Seiya na bahagya namang natumba.
Lumapit ako sa mga nagkukumpulang estudyante kay Kira ko. "Oh, tabi-tabi dadaan ang palaka ang humarang magiging si Fiona."
Success naman ang pagpapaikot-ikot ko dahil nahawi naman sila. Ngayon nakakahinga na ang Kira ko.
"Sabay tayo uuwi ha!" bulong ko pa ulit kay Kira. Patalon-talon akong lumabas ng room.
Lunch time. Dumarami na ang mga visitors kaya naubos na ang flyers na dala ko. Sa sobrang busy namin ay may napansin akong kulang, nasaan nga pala si Haru?
Lumabas muna ako ng Cafe. Tinanggal ko muna ang head costume ko kasi ang init na. Inikot ko ang floor ngunit hindi ko makita si Haru.
"Haru, Haru!" sumisigaw ako habang naglalakad baka sakaling marinig nya ako't sya na mismo ng lumapit sa akin.
"Haru, nasaan ka. Kain tayo libre mo ko" muli ko pang sigaw habang may kinakain na akong tinapay na nakuha ko don sa free taste na nadaanan ko.
"Haru yoohoo. Nasa-" natumba ako ng may bumangga sa akin. Pagkatingala ko si Kira, ang prinsipe ko.
"Bakit mo hinahanap si Haru?" masungit nyang tanong.
"Kasi kakain kami. Nagugutom na ako eh. Hindi pa ako nagaalm---"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng hinatak na ako patalikod ni Kira. Doon sya nakahawak sa frog costume ko. Dinala nya ako sa Garden.
"Pag hindi mo inubos yan hindi kita sasabayang umuwi." inabutan nya ako ng isang plastic bag na punong-puno ng pagkain.
"Para sa akin 'to Kira? Talaga. Akin lang lahat 'to?" Pangiwi-ngiwi ko pang tawa. Hindi ko mapigilan ang saya ko habang hawak yung plastik.
Umalis na si Kira. Nagtatalon ako sa saya sa natanggap ko kay Kira.
Nagsimula na akong kumain. Yung mga balot ng pagkain hindi ko tinapon. Maayos kong tiniklop at pinagsama-sama. Itatago ko ang mga ito't gagawin kong remembrance galing kay Kira.
Nang matapos na akong kumain at pabalik ng Cafe ay may humila sa akin palayo sa Room, si Haru.
"Ay Haru, Teka! Papagalitan tayo nyan." pamimilit ko sa pagkalas sa pagkaka-akbay sa akin ni Haru ngunit masyado rin syang matangkad kaya wala din akong nagawa.
"Hayaan mo na sila. Atsaka alam naman nilang nagiikot ka sa buong school para magbigay ng flyer. Samahan mo na lang ako maggala sa school." pagpapaliwanag nya habang nakaakbay pa rin sa akin.
"Osya, sya. Dami mong sinasabi."
"San mo ba gusto magpunta?"
"San pa nga ba? Eh di sa..."
"FREE TASTE!" magkasabay pa naming sabi ni Haru kaya tumakbo na kami pababa sa Hall. Kahit nga nakamascott pa din ako ay kering-keri ko pa din ang pagtakbo.
Matapos ang lahat ng event ay nagsimula na kaming maglinis. Si Kira hindi ko makita simula ng binigyan nya ako ng pagkain sa Garden. Natapos na lamang kami sa paglilinis ay hindi ko pa din sya nakikita. Nakapagpalit na rin ako ng damit ngunit ko pa din sya mahanap.
Papunta na ako ng Parking ng makita ko si Kira na paalis na sakay ng bike nya. Tinawag ko sya, tumigil lang sya ngunit umalis din kaagad. Sa pagaakala kong mahahabol ko sya ay nadapa ako kasabay ng pagtumba ng bike ko.
"Kira, bakit mo ko iniwan." habang hinihipan-hipan ko ang tuhod kong nagasgasan.
"Inubos ko naman yung pagkain ah. Sabi mo magsasabay tayo pag inubos ko yun." singhot singhot ko dahil naguumpisa na akong umiyak.
Bakit kaya hindi ako inaantay ni Kira. Sabi ko sa kanya sabay kami uuwi. Ang saya-saya ko lang kanina heto't umiiyak na naman ako dahil kay Kira.
"Hoy babae ano na namang iniiyak mo dyan."
"Rika!!!! Si Kira kasi iniwan ako. Nasugatan tuloy ako." Pinapagpagan ko ung braso ng inabutan ako ni Rika ng band-aid.
"Hindi ka ba nagsasawa dyan kay Kira?"
"Hindi, gusto-gusto ko kaya sya!" ngiti ko kay Rika na abot hanggang tainga. Si Kira lang ang gusto ko sa buong mundo. Hindi magbabago 'yon."
"Talagang nakangiti ka pa kahit iniwan ka nya ngayon. Hays, Saori malala ka na talaga!" inalog-alog nya pa ako.
"Magkakaroon din ako ng chance. Gagawa ako ng paraan. Darating din 'yon!" humalakhak ako.
"May chance naman kaso . . "
"Huh, ano Rika?" hindi ko kasi narinig dahil may dumaang sasakyan.
"Wala, sabi ko hinanap ka nga pala no'n kanina. Sabi ko naggagala kayo ni Haru."
Sa narinig ko un ay napatigil ako sa paglalakad at hinarap si Rika't hinawakan sa magkabilang balikat.
"Talaga Rika? Hindi nga? Hinanap nya ako! Uwa, sabi sayo may chance talaga kami. Magugustuhan nya din ako."
"Osya tama na imagination mo. See you tomorrow!"
Naghiwalay na kami ni Rika ng makarating na ako sa bahay. Mabilis akong umakyat sa kwarto ko't binuksan ang bintana.
"Kira, Kira, Kira!" sigaw ko.
"Kiraaaaaaaaaaa!!!" hindi ako tumigil sa kasisigaw hangga't hindi nagbubukas ang bintana nya.Di naman ako nabigo't hinawi nya ang kurtina't sinilip ako. Sinenyasan ko syang buksan ang bintana nya.
"Kira!!!! Gusto kita. Gustong-gusto kita! Goodnight!" kaway ko sabay sara ng bintana.
Hinding-hindi ako magsasawa magustuhan ka Kira.

BINABASA MO ANG
A Love So Beautiful
RomanceA short story of a girl's up and down on catching his love interest. (Inspired of Chinese Drama: A Love So Beautiful)