Chapter 1 Say that you love me

1.3K 19 0
                                    

June, 2010

"Kira, gusto kita."
"Saori, hindi kita gusto at hinding-hindi kita magugustuhan."

Grabe 3 palang ako ng lumipat sa tabi ng bahay namin ang pamilya nila Kira. Mula ng araw na iyon, sinabi ko sa sarili ko na sya na ang taong pakakasalan ko.

2004
"Kira, gusto kita."
"Saori, hindi kita gusto"

2005
"Kira, gusto kita."
"Saori, hindi kita gusto"

2006
"Kira, gusto kita."
"Saori, hindi kita gusto"

2007
"Kira, gusto kita."
"Saori, hindi kita gusto"

2008
"Kira, gusto kita."
"Saori, hindi kita gusto"

2009
"Kira, gusto kita."
"Saori, hindi kita gusto"

Hanggang 2010, Rejected pa din ako. Hindi nya pa rin nya ako gusto.

"Kira, good morning." kaway ko sa kanya.

"Morning." tipid nyang sagot. Mabilis kong sinabayan ang paglalakad nya. Kahit mabigat ang bike ko nagawa ko iyong mahatak masabayan lang sya.

Nakarating na kami ng school. Hindi ko pa nalalagyan ng lock ang bisikleta ko ngunit si Kira pataas na ng school.

"Kira, antay!" sigaw ko sapat lang para matigil sya sa paglalakad. Hindi naman mapigilan ang ngiti ko abot hanggang tenga ng antayin nya ako.

"Kira, pwede ba akong magpaturo sa Math. Hindi ko kasi naintindihan kahapon yung turo ni Ma'am."

Hay nako, eto na naman si Seiya.
Ang dakilang extra sa lovelife namin ni Kira.

"Sige, punta ka na lang sa library after recess."

"Ey anong recess. Sasamahan mo kaya ko non sa bookstore. Remember!" pumagitna ako sa kanilang dalawa buti na lang ay maliit lang ako't nagawa kong sumingit sa kanila.

"Okay lang ba kung bukas na?" tanong ni Kira kay Seiya. Bakit ba ang bait ng taong 'to? Kaya lalo lang nahuhulog ang loob ko.

"Okay lang walang problema." ngiting plastik naman ni Seiya. Binangga pa ako bago tuluyang umalis.

"Aba, aba nakita mo yon Kira. Plastik talaga. Binangga nya ako. Binangga ako. Aba aba aba!"

"Ang ingay mo. Tara na!" pinukpok pa ako ni Kira ng libro sa ulo.

Lumipas ang klase ng wala akong naintindihan. Bakit ba kasi hindi ko maintindihan.

"Saori!!! Pang-ilang hikab mo na yon. Isa pang hikab. Lalabas ka na!"

"Sorry po."

Pinagtitinginan tuloy ako ng lahat pwera sa isa, Si Kira na ang mata nakatuon pa din sa harapan. Kailan nya kaya ako lilingunin?

"Nakakaantok naman talaga yung klase nya. Malas mo lang nahuli ka nyang humikab" inakbayan naman ako ni Rika, "Rika, nakakahiya kay Kira!" niyakap ko sya habang naglalakad papuntang cafeteria.

"Libre nalang kita wag ka na malungkot!"
"Ay!!!!!" napabitaw ako ng yakap kay Rika. Naalala kong magkikita nga pala kami ni Kira sa bookstore.

"Sa lunch mo nalang ako ilibre Rika, nag-aantay sa akin si Kira!" pagsisigaw ko habang tumatakbo.

May hahanapin nga pala kaming research book para sa project namin. Ang saya-saya ko dahil naging groupmates kami ni Kira.

Nakarating na ako sa bookstore na agad hinanap ng mata ko si Kira. Mabilis ko naman syang nakita sa dulo ng shelves.

Patalon-talon akong naglakad sa pwesto nya ng....

"Kira, gusto kita!" kitang-kita ko pa kung paano sya yakapin ng babaeng iyon. Hindi ko na napigilan ang umiyak. Napaka-iyakin ko talaga pagdating kay Kira.

Nung paatras na ako ay natamaan ko ang isang drawer dahilan para mapalingon silang dalawa sa akin.

Mabilis naman akong umalis sa pwesto ko. Patuloy lang sa pag-iyak ang mga mata ko. Araw araw ko namang nasasaksihan ang ganoon pero bakit hindi pa din ako sanay.

Natigil ako pagtakbo ng bumangga ako sa isang pader.

Pagmulat ng mata ko, hindi pala pader.
"Uhwaaaaaah!!!" wari'y bata akong ngumawa sa harap nya. Walang laman ang isipan ko kung hindi si Kira lang.

"Gusto-gusto kita Kira!!" patuloy pa din ako sa pag-iyak habang hinahampas-hampas ang kangang dibdib.

"Tumigil ka na. " Kinurot nya ang kaliwang pisngi ko.

"Kira bakit ba hindi mo ko gusto."
"Eh sa hindi kita gusto eh!" kanang pisngi naman ang kinurot nya.
"Bakit nga!"
"Bakit ba ang kulit mo!"
"Basta gusto kita, gustong gusto kita!"
"Ah ewan, tumigil ka na sa pag-iyak!"
"Basta magugustuhan mo din ako. Sasabihin mo ring gusto mo ako."

Tumayo ako sa pagkakasalampak sa damuhan. Nagpunas ng luha't sininghot ang sipon ko't taas nooong tumayo sa harapan ni Kira at itinataas ulit ang bandera.

"Hindi mo talaga ako titigilan?"

"Hindi. Hinding-hindi." Pagmamatigas ko. Nakatingala lang ako sa kanya't pinapakitang hindi ako susuko ng unti-unting ngumiwi ang kanyang labi't binigyan ako ng ngisi't lumuhod ng pagkakaupo.

"Gusto din kita.. . "

Malinaw kong narinig galing sa bibig nya. . . Mabilis na nanikip ang aking dibdib at handa ng tumulo ang luha ko kasi nga akala ko magkakabunga na lahat ng pag-aantay ko na akala ko dumating na ang araw na pinakakaasam-asam ko ng makarinig ako ng mahina nyang pagtawa.

"Yan ba ang gusto mong marinig?. . "Dutdot nya sa noo ko't ginulo pa ang buhok ko.

"Okay then goodluck. Make me say. . . .that I love you Saori."

A Love So BeautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon