Chapter 3 I always love you

319 11 0
                                    

"Ma, tapos na ako tataas na ako."

"Dalhin mo na gatas mo"

"Opooooo"

"And i'll always love you. Deep inside this heart of mine. I do love youuuuuu" turo-turo ko sa bintana ni Kira na kasulukuyang nakasara. Kumakanta ako with all of my heart.

"And I always need you and if you ever change your mind i still lov--"

"Kira!!!!! Goodevening!" Bumukas ang kurtina ni Kira. Kumaway ako sa kanya.

"Ano na naman ginagawa mo?"

"Hinaharana ka." sabay kindat, sinarhan ako ng kurtina. Sweet nya talaga.

5:00 AM

"Good morning Kira!"

"Dito ka ba natulog? Bakit ang aga mo?"

"Syempre para sabay naman tayo ngayon. Iniwan mo ko kahapon eh."

"Hindi ko obligasyong sabayan ka." ngumuso na lamang ako sa kanya habang pinagmamasdan ang malapad nyang likuran.

Napatigil sya sa paglalakad ng hindi humaharap sa akin.

"Ano na naman tinutunganga mo. Tara na." Kaya mabilis pa sa kidlat at patalon-talon akong lumapit sa kanya.

Nakarating na kami ng school, si Haru naabutan namin sa gate.

"Tropa, tara sabay na tayo." Nagpaalam na ako kay Kira. Hinatak na rin kasi ako ni Haru.

"Aba Haru, aga mo ah!"
"SAORI!"

Lahat ng estudyanteng naglalakad ay napalingon sa direksyon ni Kira. Masyadong malakas ata ang sigaw nya na pati ako nahiya.

So, si ako sumenyas ng bakit look sa kanya. Umiling naman sya't nauna ng maglakad sa amin.

"Tara na tropa!" Panghahatak pang muli ni Haru.

Math Time.

"Congratulations guys kasi pumasa kayo lahat sa quizzes bukod sa isa." Napalobo naman ako ng aking bibig, wag naman san----

"Saori, Bagsak ka naman. Paano ka makakapagexam for college kung puro mababa ang quizzes mo. Tanging art lang ang mataas sayo."

"Opo, mag-aaral na po."
"Puro opo, puro opo hindi naman ginagawa. Nasa higher section ka pa naman. Gusto mo bang pum--"

Nagulat naman kaming lahat sa room sa sabay na pagtayo nina Haru at Kira.

"Ma'am. Lets start the discussion. Sayang po ang oras." sabi pa ni Kira. Hinatak ko naman si Haru pabalik ng upo.

Pagkatapos ang madugong discussion ay naguwian na. Si Haru maagang umalis kasi may practice pa sila. Varsity player nga pala si Haru ng school. Si Rika naman nagpaalam na din dahil may group meeting sila. Si, Kira ko. Hindi ko alam kung nasaan.

Lumabas ako ng room na malungkot. Ako na lang ata ang natira sa school. Wala na akong makitang mga estudyante.

Nagbukas ang pintuan ng faculty, si Kira ang lumabas. Parehas kaming nagulat.

"Oh, tamang-tama Saori mabuti nandito ka pa. Tulungan mo nga si Kira i-akyat lahat ng ito sa library." Pagkakita ko sa tinuro ni Ma'am ay sandamukal at gabundok na papers.

"Ayusin nyo yan at mauna na ako at may meeting pa ako."

"Umuwi ka na. Kaya na 'to!" tulak nya sa akin palabas ng faculty room.

Hinawi ko naman ito, "Ayoko nga. Bakit ko sasayangin ang oppurtunity na makasama ka. Dalhin ko na ung iba ha!" sabay baba sa bag ko't kumuha ng dalawang file ng papers.

A Love So BeautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon