Eto na ang last meetings namin dahil bukas na bukas ay Christmas break na. Makakasama ko kaya si Kira sa pasko? Sabihan ko kaya si Mama na sa bahay nalang sila magpasko. Double celebration, mas masaya 'yon diba?
Kung sa bahay sila magpapasko ay baka iyon na ang chance ko para mapalapit kay Kira. Gusto ko din makasama sya sa Christmas Tree don sa Square Times. Tapos magpipcture taking kami. Kakain ng couple ice cream. Maghahabulan sa snow. Gagawa ng heart sa snow na may pangalan nya at pangalan ko. Waaaah ang saya non for sure. Kinikilig ako habang nakapamalong baba't nakatingin lang sa direksyon ng upuan ni Kira.
Napastretch ako ng arm ko habang humihikab. Last subject na nga lang pala ay uwian na. Excited na akong umuwi kasabay si Kira. Hindi kasi kami nagkasabay kaninang umaga dahil sinabay na ako nila Baba sa sasakyan.
After the recess ay bumalik na ako sa room. Nandoon na pala ang teacher. Hindi ko namalayan ang oras.
"Saan ka ba nanggaling Saori, may groupings tayo. Tutal ikaw nalang naman ang walang kagrupo, sumama ka na sa grupo ni Ki-""
Bigla ring pumasok si Seiya na late rin pala, "Hay nako dalawa pa pala kayo. Leaders choose your member. Kira, sino pipilin mo?"
Nanlaki yung mata ko sa gulat ng marinig ko ung pangalan ni Kira. Tumingin ako sa kanya't pinapahiwatig ng mga titig ko na sana ako, sana ako ang piliin nya. Napapapikit na ako ng mata habang nagdadasal na sana ako ang piliin ni Kira.
"Seiya, ma'am."
"Yes! Tropa sa akin ka."
Sa narinig kong pagpili ni Kira kay Seiya ay pinagkibit-balikat ko na lang. Bumalik na ako sa upuan namin ni Haru habang nakanguso't pumapadyak-padyak.
"Nakakainis ka Kira." bulong ko habang pinagmamasdan ang nanalong si Seiya na tumabi agad kay Kira na akala mong koala.
Natapos ang klase na buong oras akong nakatingin kay Kira at sa ilang oras na yon ay hindi ko talaga syang nakitang lumingon sa akin.
Umakbay sa akin si Haru na dalang-dala ako kaya medyo natumba ako, "Tropa, We chat na lang kita ha! Kita tayo sa christmas break! Yung plano natin ha!" Paalam sa akin ni Haru! Kinawayan ko na rin sya pero ang mga mata ko na kay Kira pa din.
Napabuntong-hininga na lamang ako habang kinukuha ang bag ko. Naglakad na ako sa direksyon ni Kira ng lumabas sya sa room ng parang hindi ako nakita. Sinundan ko na lang sya patungong Library. Alam naman nyang nakasunod ako. Nakasimangot lang ako habang sinusundan syang paikot-ikot sa library na kung ano man ang hinahanap nya.
Christmas break na nga bukas pero hindi pa din sya mapirmi sa mga school activities. Nang nakuha na nya lahat ng kailangan nya ay umupo na sya.
"Kira, uuwi na ba tayo pagkatapos mo dyan?" pagmamaktol ko sa harapan ni Kira. Kami nalang din kasi ang natira sa library. Gusto ko ng umuwi. Gusto ko magsabay kami sa pag-uwi kaya aantayin ko sya matapos.
Ayokong umuwi ng hindi sya kasabay.
"Umuwi ka na." wala nyang kagana-ganang sagot. Hindi ko sya sinunod bagkus umupo ako sa harapang upuan. Kinuha ko ang sketch pad at lapis ko. Habang gumuguhit ay tinanong ko ang mga plans nya for Christmas break. Ako puro suhestiyon pero sya wala man lang sagot sa mga binanggit ko.
Nakaramdam ako ng gutom kaya nagpaalam muna ako sa kanya na bibili ng pagkain. Wala namang tao na sa library kaya magpupuslit ako ng pagkain.
Nang makabalik ako ay wala na si Kira. Wala na rin ang bag nya pati ang mga libro na kinuha nya. "Hala, si Kira. . " kinuha ko ang bag ko na naiwan sa mesa. Nabitawan ko na rin yung mga binili kong pagkain sa kamamadali ko para maabutan si Kira.
Hinabol ko sya sa maabot ng aking kaya. Hingal na hingal ako mula 3rd floor to 1st floor ay nagawa ko naman syang makita. Naabutan ko syang nakatayo sa gate. Patakbo na ako sa kanya at upang tawagin ang pangalan nya ng may lumapit na babae sa kanya't niyakap sya sabay sakbit ng braso nya kay Kira.
Tila napipi ako sa nakita ko.
Halos matumba ako sa nakita ko. Parang nanghina yata ang mga buto ko sa tuhod. Sa nakita kong iyon ay awtomatikong tumulo ang luha ko, ang sakit ng nakikita ko ngayon. Ngunit sa kabila ng sakit na nararamdaman ko ay ginusto ko pa din syang tawagin.
Bago ko banggitin ang pangalan nya ay sinabi ko na sa sarili kong. . . "Kung hindi nya pa rin ako lilingunin ay titigilan ko na sya. . "ayon sa gusto nya. Isinasaisip ko yun habang patuloy lang ang pag-agos ng aking luha.
Kahit umiiyak na ako, nanginginig at lakas loob kong sinigaw ang pangalan nya. Iyon na ata ang pinakamalakas kong sigaw sa pangalan nya simula ng mahalin ko sya, ". . Ki. .ra. . !"
• END •

BINABASA MO ANG
A Love So Beautiful
RomanceA short story of a girl's up and down on catching his love interest. (Inspired of Chinese Drama: A Love So Beautiful)