Chapter 2 You are only mine

539 14 1
                                    

Tinawag nya akong baby. . . Cry baby nga lang.
Akalain nyo yon. May improvement.

Ang sweet na ba? Hays.

Pero kahapon pa hindi mawala sa isip ko yung sinabi ni Kira. Eh kasi naman, Sa ilang taong paghahabol ko sa kanya ay non lang ako nakarinig ng ibang sagot bukod sa "hindi kita gusto Saori"

Nagpaikot-ikot ako sa kama. Ang aga-aga kong nagising kasi ang ganda ng panaginip ko, Kinakasal na kasi kami sa panaginip ko. Napatayo na ako't nagpatalon-talon sa kama ko.

"Saori!! Bumangon ka na malalate ka naman nyan!"

Naputol agad ang kaligayahan ko. . "Opo, nag-aayos na!"

Pagkatapos mag-ayos ng gamit ay bumaba na ako.

"Mama, wala na bang kakain nitong ham and bacon akin na lang po!" sigaw ko habang ipinapalaman ang ham at bacon sa tinapay. Bibigay ko 'to kay Kira. Paborito nya pa naman ang ham and bacon.

"Ma ali-"

Halos madapa na ako sa pagtakbo ng makita ko ang taong naghihintay sa tapat ng bahay.

"Good morning Kiraaaaa, Breakfast oh!" iniabot ko ang plastic bag na binalutan ko ng pagmamahal. Pakiramdam ko'y aatakihin na ako sa puso sa sobrang saya ng tinanggap nya ang breakfast na binigay ko.

"Tara na!" senyas nya sa akin.

Lunch time. Hindi ko makita si Kira. Pati si Rika hindi ko makita. Kaya kumain na lang ako ng mag-isa sa cafeteria. Bumili muna ako tubig. Naiwan ko kasi ang tumbler ko. Nang nasa pila na ako, nasa harapan ko si Seiya pati ang grupo nya.

Sinasamaan nya ako ng tingin kaya sinamaan ko din sya ng tingin. Ikinagulat ko naman ang pagtulak nya sa akin kaya agaw atensyon kami sa Cafeteria.

"Arayyy!" tinatapakan nya ang sapatos ko. Natapon na din ang pagkain sa lunch box ko.

"Sorry, I didn't see you. Ang liit mo kasi!" iyakin akong tao kaya konti nalang babagsak na luha ko. Pinagtutulungan pa nila ako.

Patuloy lang sila sa pagsipa sa akin. Wala akong pake, iniisip ko ung pagkaing hinanda ni Mama sa akin. Mangiyak-ngiyak na ako habang pinupulot ang mga pagkain nagkalat sa baba.

"Ki..ra! Nasaan ka!" mahina kong iyak.

"Hindi kayo titigil?!" napalingon ako sa nagsalita.

"Ipapakain ko sainyo yang pagkain sa baba kung hindi kayo titigil." nagkalasan naman ang grupo ni Seiya't naiwan ako sa lapag.

"Okay ka lang?!" yumuko ako bilang pagpapasalamat. Itinayo nya ako't pinagpagan ang tuhod ko. Sinenyasan naman nya ang janitor upang linisin ang mga pagkain sa lapag.

Hinila nya ako palabas ng cafeteria. Umupo kami sa bench. Binigyan niya ako ng tissue.

"Bago ka dito?" tanong ko. Hindi ko kasi sya kilala. Same shoes lang kami kaya magkayear lang kami.

Hindi na niya ako sinagot ng may sumigaw na teacher sa direksyon namin.

"Gotta go!" kumindat muna sya bago tumakbo.

Matapos mahimasmasan ay bumalik na ako ng classroom. Wala pa din sina Kira at Rika. Naupo na lamang ako sa upuan ni Kira at inilihig ang ulo ko rito.

"Kira, nasaan ka. Miss na kita!" pumadyak pa ako sa ilalim at ginugulong-gulong ko ang ulo ko.

"Bakit nasa upuan kita?"

"Kira, san ka galing? Nagugutom ako!" usal ko habang nakahilig pa din ang ulo ko sa mesa ng upuan ni Kira't tinitingala sya.

"Bumili ka sa canteen kung nagugutom ka."

"Oo na, babalik na sa pwesto ko."

Eksakto namang tumunog na din ang bell. Naglakad na ako pabalik sa upuan ko ng marahan habang tinitignan si Kira.

"Good Morning class. Meet your new classmate. Please introduce yourself."

"Haru everyone, please take care of me!"

"Ahhhh! IKAW!!!!" sigaw ko na itinuturo ang lalaki kaninang tumulong sa akin. Binigyan nya naman ako ng yes-sir gesture.

"Since mukhang magkakilala na kayo Saori, Tour Haru around the school. You can sit beside her!"

Mabilis namang umupo si Haru sa tabi ko, "Huy, ikaw ha. Classmate pala tayo. I'm Saori nga pala." kinamayan ko sya.

"Haru na lang. Okay ka na? Pag inaway ka ulit sumbong mo lang sa akin." Kindat nya pa ngunit hindi nya pa din binibitawan ang kamay ko.

"Salamat kanina." ibinulong ko na lang sa kanya kasi baka marinig na kami ng teacher sa tawanan namin.

"Wala iyon! Ikaw pa tropa na tayo ah!" Nagbanggaan pa kami ng kamao na simbolo na daw na magtropa kami.

Habang pasimple kaming nagtatawanan ni Haru ay isang bagsak ng libro ang nagpatigil sa klase.

"What's the problem Kira?" Nang marinig ko ang pangalan ni Kira ay agad akong napalingon sa upuan nya. Nakatayo na sya.

"Rest room lang Ma'am."
"Oh, okay. Go on!"

Naglakad na palabas si Kira na animo'y may kaaway.

"Problema ni Kira, Rika?"
"Ewan ko dyan. Baka nagseselos!"
"Huh??"
"Never mind!"

Natapos na ang klase kaya mabilis akong tumakbo palabas ng room para habulin si Kira.

"Ki-
"Tropa!" Parehas kaming napalingon ni Kira kay Haru.

"Uwi ka na? Tara libre kita!" umakbay naman sa akin si Haru.

"Ah eh ano. ." nagsimula ng maglakad si Kira. Hindi ko na sya nagawang mahabol dahil sa paghatak sa akin ni Haru.

Natigil kami pareho ni Haru sa paglalakad ng magsalita si Kira, nakatalikod lang sya at medyo malayo na sa amin. "Saori, Umuwi na tayo." Abot hanggang langit naman ang saya sa puso ko kaya kumalas na ako sa pagkakahawak ni Haru sa braso ko, "Ay sige Haru, bukas mo nalang ako ilibre ha sa cafeteria."

Nagpaalam na ako't mabilis na tumakbo kay Kira. Kinuha muna namin ang bike, hindi kami sumakay pareho. Parehas lang kaming naglalakad.

"Kira"
"Saori!"

Nagkasabay kami ni Kira kaya't pareho kaming napalingon sa ibang direksyon.

"Ano yun?" Tanong nya.
"Wala lang, Ang saya-saya ko lang kasi magkasabay na naman tayo."

"Parang hindi tayo magkasabay araw-araw."

"Hindi nga."

"Tss, bilisan mo nga."

"Kira!"

"Bakit na naman?"

"Gusto kita, gustong gusto kita." Binabangga-bangga ko pa ang braso nya. Braso lang ang abot ko dahil matangkad si Kira.

"Kahit ilang taon pa ang lumipas, ikaw lang ang gusto ko. Wala ng iba. Promise ko yan!"

Humarap naman ako sa kanya habang inilahad ang palad ko. Nakatingin lang sya akin. Nakangiti lang ako sa kanya. Bago pa ako tumalikod sa kanya upang magpatuloy na sa paglalakad ay hindi ko na inasahan ang sumunod na nangyari.

Ito na ata pinakamasayang araw ng buhay ko.
Ang maramdaman ko ang yakap ng taong gusto ko.

A Love So BeautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon