Ang pag-ibig na iyong ipinangako
Ang tanging pangakong napako
Itong pag-ibig na parang laro
Tayo ay tila hindi manalo
Ang pag ikot nitong bilog na mundo
Ay parang pag ikot ng mundo ko sayo
Ngunit ikaw pala ay may ibang mundo
At walang ako sa mundo mo
Mga salitang isinulat sa tubig
Ako ay patuloy na nilulupig
Ako'y patuloy paring nanghahawakan
Ngunit wala naman palang makakapitan
Dahil ikaw ay tila isang manhid
Hindi mo pansin ang mga luhang pinapahid
Hindi ko pinag-aralan ang lahat ng ito
Pero marami akong aral na napulot mula rito
Ako ay hahakbang para malampasan
Ang mapapait na naranasan
Wala ng patutunguhan ang tulang ito
Ang masasabi ko nalamang ay paalam sa iyo
~mine
