Tatlong Yakap

38 1 0
                                    


Yakap,oo yakapin mo ko bago mawala ang lahat
Mawala lahat na parang mga ulap
Nandyan ngayon pero mawawala rin sa isang iglap
Tatlong yakap bago mawala lahat ng kislap

Unang yakap, tinakpan mo ang akin mata
Tila na parang naglalarong mga bata
Sabay yakap mula sa likod at biglang akap
Sabi mo iyon na ang huli ngunit ika'y nagbago ang isip

Ikalwang yakap, pagkatapos mong takpan ang aking mata
Yinakap mo ko muli na tila isang pamprotekta
Kaso kinalas mo ang iyong mga kamay at sinabing, teka
Teka aalis na ako iiwanan na kita

Pero tumakbo ka pabalik sa akin
Lapit bigla bago dumating lahat ng sakit
Yakap bigla bago kunin muli ako ng pait
Pangatlong yakap,yakap sa akin bago muli akong iwan

Umalis ka, ngayon akoy yayapak
Yapak na galing sa iyong mga yakap
Upang kalimutan ang ating mga pangarap
Na iyong iniwan sa alapaap.

~ written by my sister; revised by me

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon