Mga Taon

47 2 0
                                    


Enero,inspirado kong sinimulan ang paparating na bagong taon,
Patuloy kong nilakbay ang taon na may ngiting baon,
Bago, bago ang lahat sa akin para iwan ang mga pagkakataon,
Na balikan ang mga mahahalagang tao na bubuo sa akin ngayong taon.

Ikaw ay nakilala at aking naging inspirasyon,
Inspirasyon na nagbigay ng aksyon sa aking mga ambisyon,
Para bang tayo ay may relasyon,
Ang tanging relasyon na nagbigay ng komplikasyon.

Nasayang ang kalahating taon ko sayo,
Nasayang lang sa kakaisip sa ikaw at ako,
Umasa ng umasa na baka magiging wagas ang tayo,
Tila nasayang ang kalahating taon ko kaya ako naman, ako.

Mga bagong kaibigan sa buhay ko'y lumitaw,
Pagkakaibigan na tila parang walang bibitaw,
Itong lahat ay para sa aking maliwanag na pag-ilaw, aking nililinaw,
Pero tila sila'y bumitiw, at ang tangi ko lang magagawa ay sumigaw.

Disyembre, wala akong magagawa kundi mag isip,
Tila mga ating mga letrato ay sinisilip,
Itong sakit, kahit konti lang gusto kong iidlip,
Dahil sa sakit, tila puso ko'y sumisikip.

Sa isang taon, ang mga nasabing buwan at sakit ay uulitin,
Mga salita sa tula ay muling iisipin,
At ang sarili ay patuloy na pipilitin,
Na wag na muling ulitin ang mga dating gawain.

~ written by my sister, revised by me

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon