Aking ina, kaligayahan ang dala
Syang pinakamagaling mag-aruga
Lahat ginawa upang ako'y mabuhay
At upang mapalaki na rin ng husayIna, ikaw ang laging nagbibigay pansin
Sa aking mga mabigat na pasanin
Ikaw ang siyang laging kaakbay
Upang buhay ay matagumpay na malakbayIna, nawa ako ay 'wag lisanin
Upang tagumpay ko sa aking lakbayin
Ay iyong mamasdan at ikagalak rin
At iyong masabing ako'y mahal mo din~mine