Sa bawat hakbang na aking itinatapak
Ay ang pagsunod sa iyong mga yapak
Dahil ikaw ang aking hinahanap pati ang iyong yakap
Ito ang aking patuloy na nilalasap at pinapangarap.Ngunit sino nga ba ako para ito'y hilingin
Tila ang "ako'y iyong mahalin" ay patuloy akong inaalipin
Sana ang iyong mga mata ay maging akin
At ang pag-ibig mo sa kanya ay maging akin.Para bang ako'y iyong inakit
Kaya ako'y patuloy na lumapit
Ang ating pagiging magkaibigan ay walang kapalit
Ngunit ang dala nito saki'y pait at sakitLahat ng galing sa'yo, para sa'kiy sulit
Kahit na laging may "kahit"
Kahit na patuloy mo kong kinukulit
At kahit na ang lahat ng iyon ay hindi na muling mauulitPaalam sa'yo aking mahal
Sapagkat ako'y naging isang hangal
Inisip kong lahat ng ito'y walang hanggan
Ngunit ngayon ako'y iyong iniwan~ written by my sister, revised by me
Ps. This poem is written because of my previous work Ikaw at Ako Ngunit Walang Tayo.
![](https://img.wattpad.com/cover/131599583-288-k56023.jpg)