Tamang tama lang ang dating ko. Agad akong sumalampak sa buhangin sa gilid ng nagtatarikang bato at matiyagang naghintay. Nakaharap ako sa papalubog na araw. Alam kong ilang minuto nalang ay tuluyan nang magdidilim ang paligid.Alam kong kagaya ng mga nakaraang araw ay darating siya. Darating siya para makita rin ang papalubog na araw. Haha. Sino bang niloko ko. Sarili ko? Alam ko naman ang totoong dahilan ng pagpapagabi ng lalaking iyon sa tabing dagat. Ilang ulit ko nang natiyempuhan ang ginagawa niya at hindi ko alam kung bakit gusto ko pa rin masaksihan kahit na hindi dapat.
Maya maya nga'y nagdilim na. At ilang minuto pa'y may nagdiklap na lighter di kalayuan sa pwesto ko. Sa saglit na pagliliwanag ay nasilayan ko ang matang parang sa lawin sa sobrang balasik at lalim, ang perpektong ilong, mapangakit na mga labi na tila nangangako ng matamis na halik. Si Voss Liam Del Frado, sa tantiya ko ay 22-24 palang siya pero ang taas niya'y di bababa sa 6 na talampakan, matipuno at puno ng awtoridad ang awra. Kilala ko siya dahil bukod sa ilang linggo ko na nga siyang inaabangan dito upang silayan ay siya lang naman ang nagiisang anak ni Senyor Leonardo Del Frado, ang may ari ng Del Frado Chain of Hotels & Resorts na sikat na sikat sa buong probinsya ng Quezon. Maraming turista ang dumadayo rito tuwing summer season. Isa lamang ito sa marami nilang ari arian, pero ang resort na ito ang pinamamalagian ni Voss Liam, siya na rin ang nangangasiwa sa buong resort.
Kahit na 17 palang ako ay hindi ko na napigil ang humanga sa kanya. Napakakisig niya parati at puno ng awtoridad at kasimpatikohan kung kumilos. Palagi siyang seryoso pero iyon ang lalong nagpa appeal sa kanya. Balitang ito na ang nangangasiwa ng iba pang negosyo ng Senyor Leonardo dahil matanda na ang Senyor at nangangailangan na ng mas mahabang pahinga.
Sa pwesto ko na bahagyang kubli sa mga bato ay imposible niya akong mamataan. Kitang kita ko sa pwesto ko ang paglilikot ng baga ng kanyang sigarilyo. Nababanaag ko din ang kanyang bulto sa tulong ng liwanag ng buwan.
Maya maya pa ay dumating na si Cindy. Anak siya ng kapitan ng barangay namin. Kilala ko siya dahil schoolmate ko siya. Kilalang mahinhin at mabait si Cindy. Maganda, maputi, makinis, matangkad at balangkinitan. Nakakainggit kung tutuusin na girlfriend siya ng lihim kong hinahangaan. Pero hindi ako dapat mainggit, paano'y alam kong hindi seryoso sa kanya si Liam. Sa loob ng tatlong buwan kong pagaabang sa kanya dito sa batuhan sa tuwing gabi ay lampas sampong iba ibang babae na ang namataan ko. Salit salitan ko silang nakikita sa iba ibang gabi. Nangangahulugang sabay sabay niyang sinosyota ang mga pobreng dalaga. O baka di niya sinosyota, iniskoran lang niya.
Umupo sila sa buhangin habang nakaakbay ang binata kay Cindy. Nauulinigan ko pa ang pagkukwentuhan at hagikgikan nila. Panaka naka ding hinahalikan ni Liam si Cindy sa leeg at taenga. Tila naman kilig na kilig si Cindy sa ginagawa ni Liam. Hindi ko mawatasan kung ano ang pinaguusapan nila dahil tila pabulong na paharot.
Ang buong akala ko ay mahinhin itong si Cindy dahil sa matalino ito at kilalang masigasig sa pagaaral. Pino itong kumilos sa eskwelahan at di mo mariringgan ng kung anong chismis pero nagkamali ako. Agad siyang naihiga ni Liam sa buhangin at nakubabawan. Mapusok na ang kanilang paghahalikan na tila mapupugtuan na ng hininga ang isa't isa. Malikot na rin ang kamay ni Liam at pumipisil na sa dibdib at kaselanan ni Cindy. Para akong nagaapoy sa pwesto ko pero naghihinagpis din ako sa isiping ibang babae ang kaniig ng tinatangi ko. Masakit panoorin pero palagi ko pa rin inaabangan na makita siya gabi gabi. Marahil umaasam ang puso ko na sana dumating ang panahon na wala na siyang ibang babaeng katagpuin. Na sana dumating ang araw na ako nalang, na mapansin niya ako...
Nagseselos ako at naiinggit kahit wala naman ako ni katiting na karapatan. Kaya't pinagkakasya ko nalang ang sarili ko sa pag tingin mula sa malayo.
Maya maya pa ay napuno na ng ungol ni Cindy ang paligid. Tila ba sarap na sarap siya sa ipinaparanas sa kanya ni Liam. Nababanaagan ko pa ang pagindayog ni Liam sa ibabaw ni Cindy. Ang hanggang tuhod na bestida ng inakala niyang matinong dalaga ay sang ilan lang na naitaas ng binata. Bahagya lamang na nakababa ang pantalon at panloob ni Liam. Walang hamak hamak makaririnig sa kanila dahil iilan nalamang ang dumadaan sa gawi roon. Bukod pa roon ay nakukublihan sila ng mga bato sa dalampasigan.
Bago pa sila tuluyang makatapos ay tumalikod na ako at umalis. Hindi ko alam ang mararamdaman ko kung maiinis ba ako dahil hindi ako ang kapiling niya.. magseselos ba ako eh wala naman akong karapatan.. magiging masaya ba ako na hindi ako isa sa mga biktima niya. hays
Bago tuluyang umuwi sa bahay ay dumaan muna ako sa patahian ng damit. Ngayon kasi nakatakdang kunin ang ipinatahi kong long gown na pang JS prom ko. 4th year high school na ako sa isang pampublikong paaralan dito sa bayan namin at dadalo ako sa gaganaping JS Prom sa makalawa.
Pasado alas otso na ako nakauwi dahil natagalan ako sa pagkuha ng damit. Marami kasi akong kasabayan na nagpatahi din ng mga damit nila doon.
Nasa bakuran palang ako ay naulinigan ko na ang galit na boses ng aking ama. Tila ba may kinagagalitan ito at alsang alsa ang boses.. Napabilis ako sa pagpasok sa bahay at inabot ko ang aking inay na umiiyak at inaalo si ate. Si ate naman ay hawak ang tiyan at umiiyak din.
"Tay Nay ano pong nangyayari?", agad kong tanong.
"Iyang ate mo, buntis !", labas ang pangalis ni itay sa galit.
Nagtatanong ang mga mata ko ng lumapit kay ate. Hindi ako makapaniwalang magagawa iyon ni ate. Mabait at masunurin si ate Arriane. 20 lang siya at kasalukuyang nagaaral ng Hotel and Restaurant Management. Nasa huling taon na siya sa kolehiyo at talaga namang iginagapang pa siya nina itay sa pagaaral. Mangingisda si itay samantalang labandera naman si inay. Noon ngang nakaraang mga buwan ay nag ojt na si ate sa Del Frado Hotel kaya naman tiwala na ang inay at itay na dire diretso na ang pagtatapos ni ate at pagkakuwan ay makakatulong na sa amin.
"Sino ang ama ng ipinagbubuntis mo ?", nakalapit na pala si itay at hawak na ang braso ni ate.
"Ano ba Arturo, wag mo naman saktan ang anak natin !", humihiyaw na awat ni inay.
"Sino????", gigil paring pisil ni itay ang braso ng umiiyak kong kapatid.
Nais ko ring marinig kung sinong ama ng ipinagbubuntis ni ate. Kung kakilala ko lamang ang lalaki ay susumbatan ko siya kung bakit naman niya binuntis ang ate ko. Pero alam ko naman na sa isang banda ay may kamalian din si ate. Malandi din ba ang ate ko na tulad ng mga babaeng nakakaniig ni Voss Liam? Mahal nga ba niya talaga ang nakabuntis sa kanya? Baka naman mahal din siya at papanagutan siya. Baka naman boyfriend niya.
"S-si Voss Liam Del Frado po", umiiyak na sagot ni ate.
Tila nabingi ako sa sagot niya. Tila tinambol ang dibdib ko sa kabog nito. Bumigat ang pakiramdam ko at parang nagsikip ang paghinga ko. Nais kong sigawan si ate pero walang lumabas na salita sa bibig ko.
Bakit sa dinami dami ng lalaki ay siya pa! Ang lalaking iyon na gabi gabi ay iba't ibang kandungan ang nilalanguyan. Akala ko'y katanggap tanggap na sa akin na baka ganoon nga ang personality niya kaya naman hinangaan ko pa rin siya ng lihim mula sa malayo. Pero masakit pala na sarili kong kapatid ay nabiktima niya. Sasabihin ko ba sa pamilya ko ang mga nalalaman ko? Sasabihin ko ba sa pamilya ko na maaring maging disgrasyada ng tuluyan ang ate ko at baka maging bastardo ang unang pamangkin ko?
Bakit ikaw pa Voss Liam Del Frado.!?
A/N : Thank you for reading! Sana po ay subaybayan niyo hanggang sa huli!
Started writing: December,13 2017

BINABASA MO ANG
Her Rightful Revenge
Romance"Don't you know you're getting too much attention here, Arriella? Pinagtitinginan ka na ng mga lalaking guest at staff dito! Wala kabang mas mahabang damit! Hindi ka ba nasisikipan sa suot mo!", mariin ngunit paanas na tanong ni Liam habang hawak na...