"Hindi ba't sinabi kong dagdagan niyo ang bulaklak dito sa Lobby? Bakit ganyan yang front desk mo Cheska ??!! Maalikabok at ang gulo! At iyong kurtina, Madeline bakit iyan pa rin? 3 days na iyan ah! I want everything fresh!", sunod sunod kong litanya sa mga staff sa lobby.Agad naman silang nagsikilos. Nakailang rounds na ako mula dito sa baba paakyat hanggang sa highest floor. Hindi ako mapakali at hindi ko matumbok kung bakit. Nasa hotel at staff ba ang problema o nasa akin?
Mula nang engkwentro namin kahapon ng umaga ay hindi ko pa napagkikita ang CEO. Bihira lang daw talaga itong maglibot at kadalasan ay nageemail lang kung may kailangang ipasubmit na report.
Ipinagpatuloy ko ang pagrorounds hanggang sa mapadako ako sa utility and maintenance room. Doon ay naulinigan ko ang usapan ng mga chamber maids.
"At alam mo ba?! May nakakita daw kay Madam A na lumabas nang umiiyak mula sa vip suite ni Boss Liam. Mukha daw doon nagpalipas ng magdamag at siguro may nangyari sa kanila ni Boss Liam", bida ng isang maid na may kaedaran na.
"Oo nga, at malamang kaya umiiyak kasi pinilit siya ni Sir! O kaya naman ayaw panagutan ni Sir ang nangyari sa kanila", hula naman ng isa.
"Akala ko pa naman iba si Madam A iyon pala madali din siyang naikama ni Sir!".
"Paano ba naman lasing na lasing daw si Madam A noong day off niya at si Boss Liam daw ang bumuhat kay madam papasok sa hotel!",sabat naman ng isa na di ko na makita ang mukha.
Pinili ko munang kumubli upang maulinigan ng buo ang pinagchichismisan ng mga makakating dila na to.
"Nakakakilig na nakakainggit pero nakakaawa din si Madam A! Wala naman kasing sineseryoso si Boss Liam eh!".
"Diba nga at matagal nang atat si Senyora Vina na magkaapo na pero ayaw pa ngang magasawa ni Boss Liam".
"Hindi ba't oras ng trabaho? Bakit nagchichismisan kayo? At sa lahat ng pagchichismisan eh kami pa ng CEO" nakapameywang kong puna sa mga chamber maids. Gustuhin ko man silang suspendihin o sesantehin ay hindi ko na gagawin dahil isinasaalang alang ko din naman na may mga pamilya silang binubuhay.
"Ayoko ng mauulit pa ito kung ayaw niyong mawalan ng trabaho".
"Yes Madam, sabay sabay nilang wika bago tuluyang lumabas.
Kung ganoon ay alam na rin pala ng mga staff ko ang tungkol sa pagkalasing ko at pagpapalipas ko ng gabi sa suite ni Liam.
Kahapon nga'y maghapon akong nagkulong sa opisina ko.Buong araw kasing masakit ang ulo ko dala ng hangover at pugto din ang mata ko sa kakaiyak. Maghapon nga akong nakashades at tiyak kong napansin din iyon ng Assistant kong si Yvette.
Nahihiya nalang din siguro itong magusisa dahil hindi pa naman kami close.Matapos magrounds kung maayos na ang lahat ay dumiretso na ako sa restaurant sa 1st floor ng hotel. Pinili ko ang bakanteng mesa na may dalawang upuan. Free ako sa kahit anong kainin at orderin ko sa restaurant na ito at sa lahat ng facility ng Del Frado's kasama iyon sa exclusive favors na kasama sa kontrata ko bilang Hotel Manager. Kaya naman lahat ng sasahurin ko sa mga darating na buwan ay maiipon ko para sa pagpapagamot ng ate ko at para na rin sa mga personal kong gamit.
Agad akong nilapitan ng isa sa mga waiter. Umorder agad ako ng karaniwang kong lunch na Beef steak with mushroom sauce, Vegetable salad, Sinigang soup, fresh fruit shake at ang paborito kong leche plan.
Hindi ako takot kumain ng matatamis dahil natural na ang kurba ng katawan ko.. agad kong natutunaw ang fats ng kinain ko dahil sa sipag kong magrounds sa nature ng work ko. Nagwoworkout din ako 3x a week kapag madaling araw.
BINABASA MO ANG
Her Rightful Revenge
Romance"Don't you know you're getting too much attention here, Arriella? Pinagtitinginan ka na ng mga lalaking guest at staff dito! Wala kabang mas mahabang damit! Hindi ka ba nasisikipan sa suot mo!", mariin ngunit paanas na tanong ni Liam habang hawak na...