Liam's pov"Pwede ka naman siguro mamayang gabi diba?", maharot na tanong sa akin ni Angelina.
Nakahiga ako sa isa sa mga naghilerang bathing lounge dito sa tabing dagat. Kakabalik ko lang from Manila. May mga inasikaso ako doon regarding our Del Frado Hotel at Quezon City, binisita ko rin ang iba pa namin Hotels at Metro Manila. Kahit na nagkalat ang Hotel and Resort businesses ko all over the Philippines, dito pa rin ako umuuwi at madalas na naglalagi sa hometown ko, ang Quezon Province. Dito na kasi talaga ako lumaki at nagkaisip. Nandito din ang karamihan sa lupain at businesses namin gaya ng Tuna and Sardines factories at Shipping vessel company namin located in Dalahican. Nandito rin ang dalawang libong ektaryang Del Frado's Coconut farm namin in Tayabas. Sa Candelaria naman nakatayo ang kabi kabilang planta ng langis.
Ako na ang namahala sa halos lahat ng business ng pamilya dahil nangangailangan ng mas maayos na pahinga at pagpapagaling si Daddy dulot ng madalas niyang pagkahigh blood at rayuma. Si Vanessa at Valerie naman ay parehong nasa Paris at nagaaral ng Fine Arts & Designing. Si Via naman ay 3 taon nang nawawala at milyon milyon na ang naubos ng pamilya sa pagpapahanap at pagpapaimbestiga sa pagkawala niya pero hanggang ngayon ay wala pa ring matibay na lead.
Nakakainis na di ko na nga masyadong pinapansin itong si Angelina lately ay buntot pa rin nang buntot sa kanya. Hindi pa ba sapat ang tatlong araw na pinagbigyan niya itong pansinin at paligayahin?
"Hmm sige na Liam", ungot pa rin ng dalaga habang hinahaplos ang aking abs. Tsk !
"I'm sorry Angelina but I'm busy tonight", maikling sagot ko.
"Paano ba akong mawiwili dito kung ganyang tinuturn down mo ako. Balak ko pa namang irefer itong resort mo sa mga friends of friends ko", panakot pa niya.
Iyan palagi ang nadidinig ko sa mga babaeng guests humahabol sakin. Kadalasan kasi ay mga bigating artista o anak ng pulitiko o mula sa mayamang angkan. Sapat na iyong paunlakan ko sila ng ilang araw. I'm not into long term flings. Every bitches is just for fun.
Nagtulog tulugan na lang ako hanggang sa maya maya pa'y inis na umalis na si Angelina sa tabi ko. Saka pa ako nag mulat ng mata. Ngunit makinis at maputing likod ng isang babae ang namataan ko ilang metro mula sa aking pwesto. Naka two piece bikini ito na kulay pula. Hakab na hakab ang hugis at kurba ng kanyang katawan. Mahaba ang alon alon na buhok at kumikinang sa kinis at puti ang mahahabang hita. Tingin ko'y handa na itong lumusong sa dagat.
Tila nais magwala ng alaga ko sa tanawing nakikita. Napabangon ako sa aking pagkakahiga at matamang tinitigan ang kung sinumang babaeng iyon. Kuhang kuha nito ang halos lahat ng atensyon at tingin ng mga kalalakihang guest roon. Literal pa ngang napanganga ang iba.
Sa katulad ko ay sanay na ako sa nagsesexyhan at naggagandahang babae. Dito man sa resort ko o sa iba pa naming resort ay sanay na ako sa sexy at magandang babae. Pero iba ang isang ito. Literal na naiimagine ko na kung anong nasa likod ng manipis na bikinis na iyon!. Umaalon ang buhok sa pagihip ng hangin at pati ang kanyang mga mata ay sasabay sa kanyang pagtawa.
Nagtatampisaw na siya sa tubig habang nagseselfie. Ngunit mas ikinagulat ko nang makilala ko kung sino ang babaeng nakabikini. Ang manager ng Hotel niya ! Is she one of those slutty girls out there? Bakit parang sanay na sanay na siya na magbikini at mangakit ng mga lalaki?
Sa halip na makita ko siya in her business attire during working hours ay ito ang maabutan ko? Isang linggo din akong nawala dito sa resort at kampante pa naman akong magaling ang managers na iniwan ko! Tinawagan ko ang Elites Paradiso noong araw ng interview ni Ms. Arriella Aranda at napagalaman ko ngang kulang ang salitang outstanding para idescribe ang performance ni Arriella when it comes to hotel management.

BINABASA MO ANG
Her Rightful Revenge
Romans"Don't you know you're getting too much attention here, Arriella? Pinagtitinginan ka na ng mga lalaking guest at staff dito! Wala kabang mas mahabang damit! Hindi ka ba nasisikipan sa suot mo!", mariin ngunit paanas na tanong ni Liam habang hawak na...