Isa isa nang nagdadatingan ang mga Executives, managers at supervisors ng Del Frado's sa conference room. Nandoon din si Sofia bilang kitchen supervisor.Pupulungin kami para sa gaganaping 60th Birthday party ni Senyor Leonardo. Malaking event ito na magaganap mismo sa reception hall ng hotel.
Halos kompleto na ang lahat at hinihintay na lamang ang pagdating ng CEO.
Pasimple kong sinipat ang aking mukha sa maliit na salamin sa aking purse. Maayos pa rin ang makeup na nakaapply sa mukha ko. Ayokong magmukhang ewan at kawawa sa harap ng mga kameeting ko lalong lalo na sa harap ng Liam na iyon!
Ayokong isipin niyang apektadong apektado ako sa ginawa niya. Baka nga kanina ay nagdidiwang na iyon kasi nakapantsansing na naman siya sakin at wala man lang akong nagawa!
"The CEO is here", paunang paalala ni Cheenee.
Ilang segundo nga lamang at pumasok na ang 'Demon in the black suite'. Seryoso na naman ang kanyang anyo at bahagyang naniningkit ang mata habang nililingap ang mga tao sa conference hall. Tumigil ang mga mata nito sa akin at nakipagsukatan ng titig. Hindi nakalagpas sa aking paningin ang ginawa niyang pagpapaluwag ng sariling kurbata.
Kapansin pansin din ang dala nitong malaking 'bouquet of red roses'. Ipinatong niya iyon sa mesa at nagsimula ng magdiscuss..
"We are gathered here to announced that we are having a grand birthday celebration for the owner and former CEO of Del Frado's Chain of Hotels and Resorts, my father Leonardo Del Frado ".
"Family Business partners all over the Philippines, politicians, closest friends and relatives, celebrity endorsers and VIP and regular guest of this Resort will attend the said party".
"I want everyone to cooperate for the the preparations for this grand party 2 weeks from now".
Maya maya pa ay binaha bahagi na ang gagampanan namin sa party. Ako, staff ko at kitchen staffs ang pinaka magiging abala.
Nagpanggap nalang akong nagtatake notes kahit na hindi naman kailangan i-jot down ang mga pinagsaaabi niya.
"Ms.Arriella", napapikit muna ako ng mariin bago tumunghay kay Liam.
Bakit kailangan pa niya akong tawagin sa harap ng meeting?! May sinabi ba siyang di ko nadinig? Papansin talaga!
"Eyes on me please. I want everyone to pay attention whenever I'm speaking during meeting", napapahiyang itinabi ko ang maliit kong notebook. Napakayabang talaga at antipatiko. Hobby na niyang hiyain ako noh?
"I'm sorry Sir".
Parang gusto ko nalang lumubog sa kinatatayuan o maglaho nalang. Nasisiguro kong pulang pula ang pisngi ko sa ginawa niyang panghihiya. Bakit ba kasi nagpapaapekto ako sa mga ginagawa at sinasabi ng lalaking ito! Marami pa siyang diniscuss at kapansin pansing palaging sa akin nakatutok ang mata niya. Pinagiinitan ba niya ako?! Ako nga itong may karapatang magalit !
"Meeting adjourned".
Unti unti nang naglalabasan ang mga kasama kong nagmeeting sa conference hall. Inayos ko pa ang gamit ko at pasimpleng tumingin sa salamin ko.
Ngunit nagulat ako sa pumpon ng bulaklak na ipinatong sa ibabaw ng mesa ko. Napatingala ako at laking gulat ko na katabi ko na pala ang guwapong gwapong CEO. Nakapamulsa at matiim siyang nakatitig sa akin habang ako naman ay nakatulala pa rin. Ang iba pang naiwan sa conference room ay nagulat din. Maging si Sofia na katabi ko ay siniko ako. May ibang napatikhim at ang ilan ay napangiti. Bakit parang gulat na gulat sila na nagbigay ng bulaklak ang CEO. 'There's nothing special with red roses when it comes from this Demon!
BINABASA MO ANG
Her Rightful Revenge
Romansa"Don't you know you're getting too much attention here, Arriella? Pinagtitinginan ka na ng mga lalaking guest at staff dito! Wala kabang mas mahabang damit! Hindi ka ba nasisikipan sa suot mo!", mariin ngunit paanas na tanong ni Liam habang hawak na...