NASILAW ako sa liwanag ng sikat ng araw na nagmumula sa bintana. Napabangon ako nang marealized na wala ako sa sarili kong kwarto. Kasabay ng matinding sakit ng ulo at pagkahilo ko ay para ding tinambol ang dibdib ko sa kaba! Shit.! Magiging disgrasyada na din ba ako tulad ng ate ko!Hindi ko na maalala kung gaano akong nagpakalasing kagabi. Hindi ko alam kung paano akong napunta sa kwartong ito. Sinilip ko ang katawan ko at nakahinga ako ng maluwag nang makitang kompleto pa ang damit ko. Pinakiramdaman ko rin ang sarili ko kung may kakaiba ba sa pagkababae ko. Pero wala naman.
Hindi ko alam kung kaninong kwarto ito pero nasisiguro kong isa ito sa mga rooms ng Del Prado's, hayon nga at tanaw ko pa ang dagat mula dito sa kama.
Bumangon ako at hinagilap ang aking bag at sandals. Nasipat ko rin sa aking relos na 7:30 na. Aabot pa ako sa duty ko ng alas otso.
Nagkukumahog akong lumabas ng kwarto nang mapansin at maamoy ko ang almusal na nakahain sa dining table.. Tila nakaramdam ako ng gutom sa humahalimuyak na bango ng Tocino, Hotdog, itlog, sinangag at manggang hinog sa mesa.
Kung ganoon ay nasa isang VIP Suite ako! Pero kanino?!!
"So, gising na pala ang Hotel Manager ko".
Hindi ko na kailangang kumpirmahin dahil kilang kilala ko ang boses na iyon.
"What did you do to me? Why am I here!", pagalit kong tanong.
Ngunit sa pagharap ko'y halos malaglag ang panga ko sa mala adonis na lalaking nasa harap ko. Si VOSS LIAM DEL FRADO tumutulo pa ang butil butil ng tubig mula sa kanyang buhok patungo sa kanyang balikat at dibdib. Namumutok sa muscles at biceps ang damuho at halos malaglag na ang pagkakatapis ng tuwalya sa kanyang baywang. Agad na naginit ang pakiramdam ko at tila namamasa ang pagkababae ko. Bakit siya lumalabas ng c.r. ng nakatapis lang! Nananadya ba ang lalaking ito?! Bastos !
"Done checking me out? Nandito ka dahil nakatulog ka na sa kalasingan sa bar kagabi . Ramdam mo naman siguro sa sarili mo na wala akong ginawa sayo. Be thankful though", pauyam na sagot nito.
Lumapit ito sa mesa at dinampot ang hotdog. Bakit parang napakasenswal ng ginawa niyang pagdampot sa hotdog? Ako lang ba itong berde ang utak o talagang may malisya ang kilos ng walanghiyang ito. Bakit naaapektuhan ako sa ginagawa niyang pagkagat at pagnguya ng hotdog! Aba at dinilaan pa nito ang sariling labi! Bastos talaga!!!
"Hindi ako lasing kagabi, inantok lang ako sa pagod kaya siguro nakatulog ako sa mesa. Hindi ko alam kung talagang wala ka ngang ginawa sakin lalo pa't tulog ako! At kung may ginawa ka man pwede kitang kasuhan ng rape o kaya ay Act of Lasciviousness !", galit kong sagot.
Wala naman talagang kakaiba sa pakiramdam ko lalo na sa pagkababae ko pero pinili kong magmatigas upang pagtakpan ang kahihiyan. Napakairresponsable ko para magpakalasing kagabi at magpabaya sa sarili!
"Inenjoy mo talaga ang day off mo noh? Umupo ka muna at samahan mo akong mag almusal Ms.Manager", nanguuyam pa rin ang ngiti ni Liam habang kinakagat kagat ang hotdog na hawak. Bastos!
"I'll go ahead. Abot pa ako sa time in ko",tumalikod na ako at akmang lalabas nang maramdaman kong nasa likod ko na si Liam.
Tila itinulos ako at halos mapugto ang hininga ko nang maramdaman ang hininga ni Liam sa aking tainga. Hayon nga sumisiksik sa ilong ko ang amoy ng mabangong sabong panligo na ginamit niya. At nakadikit na ang likod ko sa dibdib niya.
"I didn't do anything to you, Arriela. Well, you know what? If only I had lost my temper last night, you must be sore down there by now", pabulong nitong sambit sa aking tainga. Kinilabutan ako sa pinagsasabi nito.

BINABASA MO ANG
Her Rightful Revenge
Romance"Don't you know you're getting too much attention here, Arriella? Pinagtitinginan ka na ng mga lalaking guest at staff dito! Wala kabang mas mahabang damit! Hindi ka ba nasisikipan sa suot mo!", mariin ngunit paanas na tanong ni Liam habang hawak na...