Sampong minuto bago mag alas otso ay nasa opisina na ako ng CEO ng Del Frado Chain of Hotels and Resorts. Ngayon nakatakda ang interview ko. At dahil mataas na posiayon ang Hotel Manager ay mismong CEO ang makakaharap ko.
Sinalubong agad ako ng isang sexyng sekretarya at inistema. Pinaupo niya ako sa malambot na sofa na naroon at dinulutan ng juice.
Wala pa malamang ang presidente dahil bakante pa ang swivel chair sa likod ng itim na lamesang iyon sa gitna ng opisina. Inilibot ko ang mga mata ko upang di mainip. Kulay murang abo ang kulay ng dingding, maging ang sahig ay abong marmol. Carpeted din ang gitna ng opisina kung saan nakalagak ang mesa at upuan ng CEO. Ang mga pigurin sa isang mataas na estante ay halatang sa ibang bansa pa nabili dahil kakaiba ang istilo ng pagkakagawa. Maging ang mga muwebles ay halatang mamahalin at pinagpagurang ililok at yariin ng gumawa nito. Sa isang banda ay may mataas na bookcase na puno ng iba't ibang libro na nagkakapalan. Kumikinang sa linis at kintab ang paligid. May munting chandelier pa sa ceiling. Nakakapugto rin ng hininga ang tanawin sa glass wall. Tanaw na tanaw ang asul na asul na karagatan at sa di kalayuan ay ang makukulay na sailboat at yacht. Marami na ring turista palibhasa at Pebrero na.
Talaga ngang malaki ang iniunlad at iginanda ng Resort na ito kung ikukumpara sa dati nitong anyo. Balita ko ay magaling ang naging pamamalakad dito ng CEO ng Del Frado. Ang service at pagkain ay world class na rin at natatampukan ng mga sikat na chef na bihasa sa international cousine. Kahit hindi summer ay balitang kabi kabila ang turista dito. Palagi din itong laman ng mga magazines at nafeafeature maging sa telebisyon. Hindi nga ba't dito napapabalitang nagbakasyon ang magkapatid na hollywood stars na sina Carrie at Cassie Johnson. Pati nga ang phenomenal loveteam na sina Caden Richards at Mia Mendoza ay dito daw nagbakasyon last week.
Isang tikhim ang nagpabalik sa akin sa aking huwisyo. Lumalim na pala ang aking pagmumuni muni at di ko na napansin ang isang pares ng mga matang ngayon ay nakatutok sa akin. Nasa harap ko na ngayon ang mas lalo pa yatang tumangkad at kumisig na CEO ng Del Frado Chain of Hotels & Resorts, si Voss Liam Del Frado.
Literal akong natuyuan ng laway sa kanyang kakisigan. Naka Armani black suit, LV leather shoes at Rolex Watch. Shit ! Mas naging mabalasik pa ang aura niya mula nang huli ko siyang makita. Mas lumalim ang nilalaman ng malalawing mata. Mas naging perpekto ang ilong at panga. Ilang taon din naman ang lumipas mula nang huli ko siyang nakaharap. Napaismid ako sa aking isipan.
The Demon on the black suit !"Good Morning Miss Arriela Aranda. I'm Voss Liam Del Frado, the CEO of Del Frado Chain of Hotels and Resorts. I hope you didn't waited for too long. I'm sorry", bati ng lalaki habang nakangiti ng tipid.
Agad akong napatayo nang maglahad siya ng palad. Inabot ko iyon at tinanggap. Nagmukhang palad ng bata ang palad ko ng makakamay iyon ng lalaki. Nakakakilabot ang pagtulay ng kuryente sa paglalapat ng aming kamay. Kay init din ng palad niya na tila nangangako ng nakakakiliting haplos. Huling huli ko din ang pasimpleng paghagod nito sa kanya mula ulo hanggang paa. "Like what you're seeing?.
Isang red halter dress ang suot ko na abot hanggang sa aking tuhod. Alam kong bagay na bagay sa akin ang lapat ng pulang damit dahil bukod sa makinis ay natural na maputi ang kutis ko. Nakapusod ang buhok ko at simpleng makeup at bloody red lipstick lang ang inilagay ko sa mukha ko. Pati ang stilettos at pouch ko ay red din. I'm dead sure that I met his standard when it comes to pleasing personality.
Umupo na siya sa likod ng CEO's table kung saan nakaplaka ang Voss Liam Del Frado. Pati pagkakaukit ng pangalan niya sa gold plate sa ibabaw ng mesa ay napakatikas.
"Have a sit Miss Arriella", itinuro nito ang upuang kaharap ng mesa.
Agad naman akong naupo doon. Mataman nitong tinitigan ang kanyang resumé . Tila inaanalisa ang bawat detalyeng naroon.

BINABASA MO ANG
Her Rightful Revenge
Romantiek"Don't you know you're getting too much attention here, Arriella? Pinagtitinginan ka na ng mga lalaking guest at staff dito! Wala kabang mas mahabang damit! Hindi ka ba nasisikipan sa suot mo!", mariin ngunit paanas na tanong ni Liam habang hawak na...