Liam's povKakarating ko lang mula sa Maynila dahil nagkaroon ng gusot ang isa sa Hotel ko doon. May naganap na random shooting sa loob mismo ng branch ng Del Frado's hotel sa Makati. 7 ang patay, 5 ang sugatan at 2 ang agaw buhay pa.
Malaking kasiraan ito sa pangalan ng pamilya. Tiyak na malaki ang magiging epekto nito at kung hindi ko agad na mababayaran ang mga namatayan at nasaktan ay baka mag ingay pa itong lalo sa media. Pati nga ang 2 pinakamalaking istasyon ng telebisyon sa bansa ay binayaran ko ng tig 5 milyon upang huwag ng pausukin ang balitang iyon. Pebrero na at hindi maaring masira ang pangalang Del Frado lalo pa at magsusummer na.
Agad akong dumiretso sa opisina ko para pirmahan ang mga dokumentong kailangan kong pirmahan. Tambak ang paper works ko sa opisina dahil pati ang mga business proposals hinggil sa iba kong negosyo tulad ng sa planta ng langis , coconut farm, pati na rin sa Tuna and Sardines factory at shipping business ko ay kadalasang dito sa opisina sa resort ko ginagawa lalo na at kailangan na. Kaya naman minsan isang linggo lang ako kung bumisita sa iba kong business..
Pasado alas singco na at nagpasya na akong lumabas ng opisina. Agad akong dumiretso sa opisina ni Arriella bitbit ang pumpon ng red roses na inorder ko kanina. May nakasipit din ditong card. Sa isang kamay ko naman ay ang tatlong special leche plan na inorder ko din sa ibaba. Hindi ko alam kung bakit pero hindi mawala sa isip ko ang mataray na babaeng iyon. Kahit palagi niya aking sinusupladahan ay nais ko pa rin siyang palaging makita.
Kakatok na sana ako nang biglang bumukas ang pinto at masalubong ko si Yvette, ang assistant ni Arriella.
Tila gulat na gulat din ito sa akin at nang mapatungo sa mga dala ko ay di nito napigil ang mapangiti.
"Si Arriella?", seryosong tanong ko.
"Sir, kakaidlip lang po ni Madam A Pagod na pagod po kasi siya. Naka dalawampong akyat baba nga po yata si Madam A sa buong hotel sa kakarounds at kakacheck. Medyo busy na rin po kasi at nagsisimula na ang planning and preparation sa darating na grand birthday party ni Senior Leonardo",.
Pagsulyap ko ay tulog nga si Arriella at nakasubsob sa sariling mesa.
'Tss. Kita na namang ang balikat at kalahati ng likod niya sa suot na itim na dress. Hanggang hita iyon at bahagyang maluwag ang pagkakayari.
'Bakit ang tigas tigas ng ulo mo?'
Kaya nga ba ayokong naggigirlfriend kasi talagang sakit sa ulo.
Inilapag ko ang mga dala ko sa mesa at agad na hinubad ang coat na suot. Ibinalabal ko iyon kay Arriella. Malamig ang kuwarto at maya maya pa ay didilim na. Mawawalan pa ako ng magaling at sexy na manager kung sipunan siya.
Hindi ko napigil na haplusin ang kanyang may high lights na buhok. Bahagyang nakalabas ang kanyang kalahating mukha sa pagkakasubsob kaya naman malaya kong namasdan ang kanyang maamong mukha.
Napakaganda talaga niya lalo na ang fierce looking niyang mga mata at mapulang labi. Alam kong sa likod ng mapulang lipstik na iyon ay ang matamis at malambot niyang labi. Kinintalan ko siya ng halik sa noo bago ako lumabas ng opisina.
Hindi ko na makilala ang sarili ko. Hindi ko akalaing nagagawa ko ang mga bagay na ito! Ang magpakita ng motibo in public?! Sanay akong ako ang hinahabol, sanay akong ako ang umaayaw.
Pati ang pagbibigay ng kung anu anong kabaduyan katulad ng bulaklak.. tss
Pero iyon lang naman ang nakikita kong paraan para lumambot si Arriella. Malakas ang pakiramdam kong kailangan ko pa siyang suyuin bago siya tuluyang bumigay. Hindi pwedeng sumuko na lang ako sa kasupladahan at katarayan ng babaeng iyon. Maganda siya, matalino at higit sa lahat ay sexy. Hindi na rin masama kung sakaling maging first serious girlfriend ko siya.. hindi ko nga lang alam kung paano ko sasabihin sa kanya.

BINABASA MO ANG
Her Rightful Revenge
Romance"Don't you know you're getting too much attention here, Arriella? Pinagtitinginan ka na ng mga lalaking guest at staff dito! Wala kabang mas mahabang damit! Hindi ka ba nasisikipan sa suot mo!", mariin ngunit paanas na tanong ni Liam habang hawak na...