PROLOGUE

109 19 15
                                    

JIRO MCKYLER POINT OF VIEW

"Thank you very much!" sabay sabay naming sambit atsaka nag-bow sa mga libo-libong tao na dumalo sa aming konsyerto.

Todo ngiti ang mga kasama ko kaya wala akong nagawa kundi ang ngumiti na 'rin at halos hindi kona nga maimulat ng maayos ang aking mga mata dahil sa walang tigil na pagkislap ng maraming camera at walang sawang pagkuha ng litrato sa aming lima na nasa stage.

"Kyler! Kyler! Kyler! Whooooooooo~~!"

"Kyler! Pa-kiss!"

"Paris! I love you!"

"Ashcix! Pakasalan mo na ako! Whoo!!"

"I love you Dylan!!"

"Baby Ulysses! Saranghaeyo!!"

Wala akong nagawa kundi ang umiling dahil halos mabingi na ako sa todo sigaw at hiyaw ng aming mga taga-hanga. Itinaas ko ang aking kamay at nakangiting kinawayan ko sila at dahil 'don ang kaninang malakas na sigaw ay naging mas malakas pa. Bandang huli ay sabay sabay kaming nag-bow at naglakad na patungong backstage.

"You all did a great job" nakangiting bungad ng aming manager pagkapasok namin ng aming private room.

Nakangiting nagkibit-balikat lamang ako bilang tugon at dumiretso sa aking pinakakomportableng upuan. Ipinikit ko ang aking mga mata dahil sobrang pagod ang naramdaman ko kanina.

"Tch. Thank you" rinig kong sabi ni Paris.

"Ang daming tao grabe" rinig ko namang sabi ni Ashcix. Bagaman nakapikit ay hindi ko maiwasang mapa-iling. May bago pa ba? 'Eh halos naman concert namin ay palaging ka-dagat ang mga tao.

"Maraming tao. Maingay. Nakakairita" seryosong sabi naman ni Dylan. Sabi na nga ba ay ganon ang mararamdaman nito 'eh.

"Tch eto talagang si Dylan napaka-reklamador. Sige magpunta ka sa stage ng walang tao at 'don ka magperform! Tignan natin kung hindi ka magmukhang tanga! HAHA!" Bagaman nakapikit ay hindi ko maiwasang mapangisi sa sinabi ni Ulysses. Narinig ko 'rin ang iba na tumawa sa sinabi niya "Ayos nga 'eh. Maraming tao, maraming chix HEHE!"

"Mas masarap mag-perform ng mag-isa lang. Mas dama ko yung mensahe ng tinutugtog ko" seryosong saad na naman ni Dylan.

Iminulat ko ang aking mata at matamang tinitigan siya. "Masarap mag-perform ng mag isa?" tanong ko sa kanya.

"Ano Kyler?" takang tanong naman niya pabalik

"Bakit hindi kana lang mag-solo kung ganon?" Seryosong sabi ko at halata naman ang gulat sa kanya dahil sa malamang ay hindi niya inaasahan na sasabihin ko 'yon . "Bakit nagtitiis kapang makisama sa banda kung masarap palang mag-solo hindi ba?"

"Jiro" saway naman ni Ashcix sa akin.

"Jiro?" tanong ko pabalik sa kanya. "Kailan pa naging Jiro ang tawag mo sa akin?" Ang alam ko kasi ay malalapit na tao lang ang tumatawag ng Jiro sa akin at hindi siya kasama sa nga 'ron.

"Jiro" nabaling ang tingin ko kay Paris nang banggitin niya ang pangalan ko. Sinenyasan niya ako na tumigil na kaya pinaningkitan ko siya ng mata. "Stop" he mouthed.

I sighed. "Fine" seryosong sabi ko at akmang lalabas na ng kwartong iyon nang biglang pumasok ang aming manager na lumabas kanina.

"Where are you going?" takang tanong niya sa akin. Hindi ko siya sinagot bagkus ay bumalik na lang ako sa aking inuupuan kanina. "Alam niyo naman na you are not allowed to leave this area until I said so. Right? Maraming tao sa labas. Baka pagkaguluhan kayo at masaktan pa kayo"

Ang Idol kong Nerd SuperstarWhere stories live. Discover now