CHAPTER FIVE

39 18 4
                                    

CHAPTER FIVE - "NEW WORLD"


JIRO MCKYLER'S POINT OF VIEW




"Are you ready,?" tanong ko kay Paris habang inaayos ang maluwang na polo ko na bigay ni Cherry. Tulad ng kay Paris, maluwang at malaking pares ng short at polo ang suot ko. Parang yung mga damit ng mga rapper. Ayos lang naman na isuot ko 'to dahil kahit anong isuot ko ay gwapo ako, hindi tulad niya na laging nagrereklamo at nagmamaktol.

"May choice paba ako?" walang ganang sagot naman niya habang inaayos ang kulot at may kahabaan niyang wig na bigay din ni Cherry.

I chuckled. "Kaysa magreklamo ka diyan, 'bat hindi mo na lang i-enjoy?" natatawang tanong ko atsaka may kinuha sa drawer ko.

"Paano naman ako mag-eenjoy kung naging ganito ang itsura ko?"

"Ano namang masama sa itsura mo? 'Eh kung anong suot mo, ganoon din ang suot ko. May wig din nga ako 'oh" Pakita ko sa wig na mahaba 'rin pero hindi ito kulot tulad ng kay Paris. Syempre, bigay din ni Cherry.

"Hindi naman sa ganon pero may inaalala lang kasi ako"

I sighed. "What now?"

"Yung tatlo--si Dylan, si Ash at si Uly" sabi nito atsaka umupo muna sa sofa. Pinaglaro niya ang mga daliri niya na para bang napakarami niyang gustong sabihin pero hindi niya ito masabi. "Pati na 'rin si Ms. Vesille. Baka kasi kapag wala tayo, doon sila manamantala at baka 'yon pa ang ikasira at ikabagsak natin"

Napabuntong-hininga na lamang ako. He has a point. Dalawang taon na ang nakalipas matapos mabuo ang banda namin pero hanggang ngayon ay hindi pa talaga kami gaanong malapit sa isa't-isa. Kaya baka kapag nawala kami ni Paris, doon sila kumuha ng pagkakataon para siraan kami at maalis sa pwesto.

"Wala akong pakialam. Wala akong pakialam kung siraan nila tayo. Dadating din naman kasi tayo diyan. Ang malaos at hindi na tangkilikan ng ating mga taga-hanga. I just want a normal life----malayo sa nakagisnan nating buhay dito" Matapos sabihin 'yon ay ibinato ko ang susi ng porsche ko kay Paris. Bakas naman ang gulat sa kanya nang masalo niya ito.

"What's this?" taka niyang tanong habang pinagmamasdan ang susi na ibinato ko sa kanya.

"A car's key, obviously" I sarcastically said.

Nanlaki at parang kumislap naman sa tuwa bigla ang mga mata niya. "Seryoso ka 'non?"

Natawa na lang ako. "Tara na---puntahan na natin si Asukal"


----


SUGAR MORRIS' POINT OF VIEW

"Maniwala ka sa 'kin Daisy. Si Kyler nga ang nakita ko!" Hindi kona ata nabilang kung ilang beses kong sinabi 'yan sa babaitang ito pero hindi siya naniniwala. Habol habol ko siya sa hallway papuntang classroom mula kanina pero hindi niya ako pinaniniwalaang nakita ko si Kyler noong gabing papunta ako sa kanila.

Huminto siya saglit atsaka humarap sa akin kaya napahinto na 'rin ako , "Ano na namang tinira mo Sugar? Nababaliw kana naman , hayst!" sabi nito at hindi pa man ako nakakapagsalita ay nagsimula na naman siyang maglakad

Wala naman akong nagawa kung hindi ang habulin siya, "Daisy naman! Bakit ayaw mo bang maniwala? Si Kyler nga kasi 'yon!"

Sa pagkakasabi ko 'non ay napahinto na naman siya kaya napahinto 'din ako. "'Eh sa hindi kapani-paniwala ang sinasabi mo 'eh! Magtigil ka nga Sugar!" at nagpatuloy na naman siya sa paglalakad.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 13, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Idol kong Nerd SuperstarWhere stories live. Discover now