CHAPTER TWO

66 17 9
                                    

CHAPTER TWO - “SUGAR”

SUGAR MORRIS’ POINT OF VIEW



Saktong pagtilaok ng aming tandang ay agad akong bumangon sa pagkakahiga. Nakasanayan ko ng bumangon ng maaga dahil na ‘rin sa maagang pagpasok sa eskwela kaya naman kahit walang pasok ay nagigising pa ‘rin ako ng maaga. Agad akong dumiretso sa aming munting kusina para ‘don maghilamos. Ang aming lababo sa paghuhugas ng plato ay siya na ‘ring aming lababo para maghilamos. Nang magawa ko ang aking morning rituals ay agad akong nagtungo sa kwarto ni mama para tignan kung gising naba siya.

Pagdating ko sa kwarto niya ay agad na umalingasaw ang mapanghing amoy na para bang hindi na umabot pa sa palikuran at dito na lang inilabas. Nadatnan ko si mama ng mahimbing na natutulog sa kanyang mumunting papag na mayroong manipis na banig na para bang matagal ng hindi napapalitan. Pumasok pa ‘rin ako sa kabila ng makalat at mabahong amoy sa kwarto niya. Iniligpit ko ang mga nakakalat na gamit at itinayo ko ang mga nakatumbang upuan. Naglaro na naman siguro siya kagabi. Hindi ko maiwasan ang mapabuntong-hininga. Nang bumalik sa ayos ang lahat ay kumuha ako ng walis at basang basahan para lisinin ang sahig. Gawa lamang sa kahoy ang aming sahig kaya madali lang linisin ang kalat at punasan ang nagkalat na ihi niya pero ang alingasaw ng amoy na kumalat sa paligid ang mahirap alisin.

Nang maayos ang lahat ay lumapit ako kay nanay at marahan itong tinapik. “Mama? Gising na po” sabi ko at muling mahinang tinapik ang kanyang braso. Hindi pa ‘rin ito umimik. Muli ko itong tinapik , “Ma? Gising na---”

“Ano ba!” Nagulat ako nang bigla na lang itong bumangon at itinulak ako sa sahig! Napakabilis ng pangyayari at eto ako ngayon, nakaupo sa malamig na sahig na kahoy habang takang nakatingin sa kanya.

“Mama?” tawag ko sa kanya ng makitang masama ang tingin niya sa akin. “Ma?” tawag kong muli at sa wakas ang kaninang matatalim na tingin ay naging malamlam na para bang naging isang bata si mama na inagawan ng candy.

Nagulat ako nang bigla na lang itong bumaba sa hinihigaan at dahan dahang lumapit palapit sa akin. Gulo gulo pa ‘rin ang kanyang buhok at tanging ang naninilaw na pajama at manipis na t-shirt lamang ang suot niya. Malamlam lamang ang kanyang tingin sa akin at laking gulat ko na lamang ng bigla niyang ibinaba ang kanyang kamay na para bang aalalayan niya akong tumayo. Nakakapagtaka dahil hindi naman ganito umakto si mama sa akin. Sa kabila ng pagtataka ay aabutin ko na sana ang kanyang kamay ng bigla itong bumaba at inabot ang manikang nasa paanan ko.

Nang makuha niya ito ay palukso-lukso siyang bumalik sa hinihigaan at mahigpit na niyayakap ang manika. Rinig kopang kinakausap niya ito at tinatanong kung kamusta na ba ang manika at kung ayos lang ba ito.

Tama kayo. May sakit sa pag iisip si mama at nagsimula ito nang mamatay ang aking nakakabatang kapatid dahil sa kulang ito sa buwan ng siya’y ipanganak. Noong nasa ikapitong buwan pa lamang si mama sa pagbubuntis kay Jaycee, ang nakakabatang kapatid ko ay bigla na lamang dinugo ito at walang choice ang hospital kung hindi ilabas ang bata dahil baka ikapahamak pa nila itong dalawa. Successful naman nilang nailabas ang aking kapatid pero ang problema nga lang ay hindi ‘rin siya nagtagal dahil kinulang nga ito sa buwan.. Ang alam ko ay may nakakasurvive sa ganoong sitwasyon pero ang kapatid ko ay binawian ‘rin ito kaagad ng buhay.

Labis ang pagdadalamhati ni mama noong araw na iyon dahil na ‘rin sa pagkawala ng aking kapatid. Isabay mo pa ang pag iwan sa amin ni papa dahil sa bago niyang pamilya. Nang iwan kami ni papa ay tanging si kuya na lamang ang tumayong tatay sa amin at siya na ‘ring kumayod para may ipantustos kami sa aming mga gastusin. Napilitan siyang huminto muna sa pag aaral para magtrabaho at may maipambili kami ng aming makakain at para sa gamot ni mama at para na ‘rin may maipambayad ako sa aking matrikula sa paaralang aking pinapasukan.

Ang Idol kong Nerd SuperstarWhere stories live. Discover now