CHAPTER THREE

64 18 13
                                    

CHAPTER THREE - "MEETING YOU"

SUGAR MORRIS' POINT OF VIEW

Dala nang labis na tuwa at excitement ay agad akong nakatapos sa aking pagligo. Nagsuot lang ako ng aking paboritong t-shirt at ang aking simpleng pantalon na matagal ng hindi napapalitan. Kahit naman ganoon ay kahit minsan ay hindi ko nagawang magreklamo o maghangad pa ng bagong damit. Alam ko naman ang sitwasyon at kalagayan namin sa buhay sa ngayon.

Pagkatapos kong maayos lahat ay pumunta ako sa kwarto ni mama. Mahimbing siyang natutulog habang mahigpit na yakap ang paborito niyang manika. Hindi na ako nag abala pang gisingin pa siya at magpaalam.

Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukang i-dial ang numero ni kuya pero walang sumasagot at puro ring lang ang naririnig ko sa kabilang linya kaya napagdesisyonan kong itext na lamang siya. Sinabi ko lang naman na aalis ako saglit at babalik din naman kaagad. Pagkasend ng mensahe ko sa kanya ay hindi muna ako umalis kaagad at hinintay pa ang reply niya.

Makalipas ang ilang minuto ay hindi pa rin siya tumutugon sa text ko. Mag aalas-dose na ng tanghali at isang oras nalang bago ang naka-takdang oras ng fan signing event nina Jiro. Tinext na 'rin ako ni Daisy, tinatanong kung nasaan ako at sinabing pakibilisan ko 'raw at siguradong maraming tao ang pupunta sa nasabing event.

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago tumayo at kuhanin ang sling bag ko na nabili ko sa pamamagitan ng mga ipon ko. Paglabas ko ng pinto ng aming bahay ay agad na ni-lock ko ang pintuan para hindi makalabas si mama at baka mawala pa siya. Matapos mailock ay pupunta na sana ako sa paradahan ng mga tricycle malapit dito sa amin nang maramdaman kong nagriring ang aking telepono sa aking sling bag.

Kuya Sergie is calling...

Nang makitang si kuya ang tumatawag ay walang pag aalinlangang sinagot ko ito.

"....Kuya?" kabado kong sagot nang maramdamang hindi umiimik si kuya sa kabilang linya. "Natanggap mo ba yung text ko kuya? Saglit lang naman kami ni Daisy--pupunta lang kaming Grozano Mall--"

"Huwag mong iiwan si mama" Biglang bumagsak ang balikat ko nang marinig ang nakakatakot na boses ni kuya, senyales na hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.

"--pero k-kuya-- sandali lang naman--" halos maiyak ko ng sabi. Minsan lang na pagkakataon talaga na magkaroon sina Jiro ng fan signing event malapit sa lugar namin kaya hindi ko maiwasang manlumo ng marinig ang hindi pagpayag ni kuya.

"Huwag kang aalis ng bahay. Walang magbabantay kay mama Sugar. Sinasabi ko sayo" Pagkasabi niya 'non ay agad niyang pinutol ang linya. Hindi ko maiwasang manlumo. Ginamit na naman niya ang ma-awtoridad niyang boses
Nakakatakot siya pag ganon

Bagsak ang balikat na pumasok ulit ako sa loob ng bahay at malungkot na tinungo ang aking munting kwarto. Pabagsak na umupo ako sa aking papag at nanlulumong tinext ko ang number ni Daisy , sinasabing hindi ako makakasama at siya nalang pumuntang mag isa. Pagkasend ng aking message ay hindi ko maiwasang maiyak. Hindi ko maiwasang manlumo dahil isang pagkakataon ang nasayang.

Matagal ko ng iniidolo si Jiro pati sina Paris , Dylan, Ashcix at Ulysses. 2nd year college pa lang ako ay iniidolo ko na sila dahil na 'rin sa impluwensya ng aking kaibigan na si Daisy pero hanggang ngayon na 4th year college at graduating student na kami ay hindi pa namin sila nakikita. Pero ngayon, pagkakataon na sana namin ngayon pero nasayang pa

Umiiyak na nilapitan ko ang nag iisang poster ni Jiro sa kwarto ko at parang baliw na kinausap ko ito.

"Kailan ba talaga kita makikita?" Halos pumiyok ko ng sambit. Hindi maiwasan ang panghihinayang at panlulumo. "Palagi na lang may balakid kapag dapat magkikita na tayo. Bakit ba ganito ang tadhana? Ha Jiro? Ano pang nginingiti-ngiti mo diyan? Masaya kapa talaga?" parang baliw na kinakausap ko ito kahit alam kong ni minsan ay hindi niya ako masasagot. "Bakit ba kasi ang taas mo masyado ha Jiro!? Hindi kita maabot huhu" Parang batang naagawan ng kendi ang eksena ko ngayon sa harap ng poster ng idol kong mailap. "Makikita 'rin kita! Tandaan mo yan!" pagkasabi ko nun ay agad kong pinunasan ang mga luha ko sa pisngi. Nakakapanghinayang, oo. Pero hindi ako bata pa para magmukmok at baka mapagalitan pa ako ni kuya. Siguro nga hindi ito ang tamang pagkakataon.

Ang Idol kong Nerd SuperstarWhere stories live. Discover now