CHAPTER FOUR

44 18 6
                                    

CHAPTER FOUR - “TRANSFORMATIONS”

JIRO MCKYLER POINT OF VIEW



"Are you damn serious Jiro?! Para sa isang babae gagawin mo 'yon?" Paris asked for the nth time. Kinuwento ko kasi sa kanya ang tungkol kay Sugar at ang plano ko para mapalapit sa kanya.

Pinapunta ko siya 'rito sa bahay ko dahil hindi naman kami pwedeng mag usap sa condo dahil naroon ang tatlo. Sa kanilang apat kasi, si Paris lang ang nalalapitan ko dahil siya lang ang malapit sa akin.

I don't know why I am doing this for a girl like her. I think she really is something. But I couldn't find and explain whatever it is. I just want to be close to her until I finally satisfy myself.

I just cupped my face dahil nakakairita ng kausapin 'tong Paris na 'to. Hayst!

"She's just an ordinary girl, bro. Wala kang mapapala sa kanya" dagdag pa nito. Hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang i-express ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit bigla ko nalang naramdaman ito. Sa tanang buhay ko, marami na akong nakasalamuhang mga babae pero bakit sa kanya palang ako nagkaganito? Ano bang meron sa kanya? Paris was right, she's just ordinary and simple girl but for me, I think she really is something.

"So ayaw mo akong samahan?" I asked pretending to be sad tone. Sa kanilang apat, kay Paris ko lang naipapakita ang totoong ako. Dahil na 'rin siguro mula pagkabata ay siya ang kasa-kasama ko kaya komportable na ako sa kanya. Kina Dylan, Ashcix at Ulysses naman, minsan lang kami nakakapag-usap ng maayos hindi tulad ni Paris na parang nakakatandang kapatid ko na 'rin.

"Hindi naman sa ganon,---bro" He released a loud and deep sigh before continuing na para bang nahihirapan siya sa tanong ko.

"I knew it--sige sorry kung naabala pa kita. Kung sanang ka-close ko lang yung tatlo, isa nalang sa kanila ang inaya ko" Parang nagtatampong sabi ko atsaka tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa sa kwarto ko pero hindi naman totoo! Haha. Gusto kolang na konsensyahin siya! Hehe

"It's not like that bro---wait you're being childish---fuck!" Habol niya sa akin pero wala akong nagawa kundi ang lihim na matawa! HAHAHAHA

---

"Okay---just wait for me here. Kukunin ko lang ang mga damit niyo-" Cherry said. I just nodded. Nandito kami ngayon sa private room sa boutique kung saan nagtatrabaho ang dating private designer namin na si Cherry. Sinulyapan ko ng tingin si Paris at halos matawa ako nang makitang nakapandekwatro siyang upo with his arms crossed at isama mo pa ang hindi maipaliwanag na ekspresyon sa mukha niya. Halatang napilitan lang siya at hindi gusto ang ginagawa.

Hindi na ako umimik pa at hinintay na lamang si Cherry. Hindi na 'rin naman siya nagtagal dahil ilang minuto lang matapos siyang umalis ay agad na 'rin siyang bumalik dala dala ang maraming damit na naka-hanger.

"Here. I-try niyo muna ito dali---" Sabi niya atsaka iniabot sa amin ang damit na parang pang matanda ang style. May pag aalinlangan man ay kinuha ko nalang ito atsaka pumunta sa fitting room sa private room niya. Laking pasasalamat ko na lamang dahil mayroon siyang sariling fitting room sa loob dahil baka magkagulo lang kung sa labas kami magsusukat. Bago pumasok ay nakita ko 'ring kinuha ni Paris ang kanya atsaka sumunod sa akin.

Ilang minuto lang matapos maisukat ay agad din kaming lumabas ni Paris kahit nag aalinlangan. "So-----how was it?" tanong ko kay Cherry habang siya'y prenteng nakaupo sa sofa habang may hawak na magazine. Binaba niya ang hawak niyang magazine atsaka pinasadahan kami ng tingin.

"Damit ba 'to?" Halos matawa ako kay Paris nang marinig ang pagrereklamo niya. Kahit kailan talaga-- tss.

"HAHAHAHAHAHAHA!" Nalipat ang tingin ko kay Cherry nang bigla na lamang siyang tumawa ng malakas! What the?! "Bakit ang gwapo niyo pa 'rin? Ha?" Kamot kamot ang ulo niya habang tumatawa. Wala kaming nagawa ni Paris kundi ang umiling na lang at kuhanin ang isa pang pares ng damit na susukatin namin.

Ang Idol kong Nerd SuperstarWhere stories live. Discover now