Chapter 1

38 2 0
                                    



MEETING DEATH

Tahimik na nakaupo si Death sa kanyang madilim na silid ng biglang nagpakita si Lucifer.

"Handa ka na ba?" tanong ni Lucifer.

"Hindi ko alam Lucifer. Bakit mo pa sa akin ipinatatrabaho ang mga ganyang bagay?" sagot ni Death.

Humugot ng isang malalim na hininga si Lucifer at mataman na tinitigan si Death.

"Napakatigas ng ulo mo. Gawin mo ang utos ko dahil mas makapangyarihan ako sayo." Ani Lucifer.

Nagpakawala ng isang nakakikilabot na tawa si Death habang nangaasar na tinuturo si Lucifer.

"H'wag kang magpatawa Lucifer. Baka nakalilimutan mo na ako ang kamatayan? Hawak ko ang buhay ng kung sino man! Kahit buhay ng langgam eh, pagaari ko." Pagyayabang ni Death.

"Ano ang iyong pinupunto?" naiinis ng tanong ni Lucifer.

"Really? You still don't get any of it? Oh come on Lucifer. H'wag mong pairalin ang kahinaan ng utak mo. Ang ibig sabihin lamang noon eh, pati pagkamatay mo hawak ko. Sinong mas makapangyarihan sa atin ngayon?" sagot ni Death.

Tinitigan lamang siya ni Lucifer at tumango na lamang.

"Para saan pa at nilikha kita? Kung hindi mo rin ako susundin at magmamataas ka lamang sa akin." Ani Lucifer.

Nanlisik ang mga mata ni Death sa sinabi ni Lucifer.

"Nagpapatawa ka nanaman Lucifer. Hindi ako demonyo at hindi mo ako nilikha. Yan ang tatandaan mo." Tinalikuran nan i Death si Lucifer ng napagod na itong makipagusap ditto.

"Desperado ako Death. Kailangan ko ang sampung kaluluwa na iyon upang makawala ako dito sa impyerno, at wakasan ang buhay ng mga tao." Pakiusap ni Lucifer.

"You and your stubbornness. Tsk tsk tsk. Lucifer, ano ba ang mayroon sa mga tao at gustong gusto mong mawala sila?" –Death

"Dahil sila ang dahilan kung bakit ako nasa impyerno." –Lucifer

Tinitigan ni Death si Lucifer habang nagiisip ng malalim.

"Ano ang makukuha kong kapalit sa lahat ng ito?" –Death

"Kalayaan. Bibigay ko sayo ang kalayaan." –Lucifer

"Kalayaan? Parang hindi ko naman ata kailangan ng ganyan Lucifer?" –Death

"Kalayaang gawin ang gusto mo Death. Alam kong saw aka na maging hangin. Alam ko na gusto mong maranasang maging tao. Guess what? I can do you the favor. You can be both Death." –Lucifer

"Tuso kang tunay Lucifer. Alam mo talaga ang kahinaan ko." –Death

"Ang ibig sabihin ba nito ay pumapayag ka na?" –Death.

Ngumisi si Death.

"Hell I am." –Death

Lucifer snapped his finger and all went black...

Animo'y nagising si Death sa isang napakahabang tulog, dilat ang kanyang mata ngunit hindi niya magalaw ang kaniyang buong katawan.

"The patient!  Finally! Call the doctor!"

Rinig niya ang pagkukumahog ng mga tao sa paligid.

"Anak, Cypher you're alive! Thank god you're alive!" umiiyak na sigaw ng babae sa kanyang tabi.

"W-who the hell are you?!" naiiritang tanong ni Death.

"A-anak? Si mommy to, you don't remember me?! Oh god." Napasapo sa noo ang babae na nasa tabi ni Death.

MY NAME IS DEATHWhere stories live. Discover now