Chapter 7

13 1 0
                                    


DEATH/CYPHER'S POV

Hindi ako mapakali sa higaan ko. Ano ba itong nangyayari sa akin??

Hinawakan ko ang dibdib ko na hanggang ngayon ay malakas ang tibok. Napapikit ako dahil sa frustration.

"Death."

Napadilat ako sa nagsalita. As usual Gabriella on my bed.

"Ugali mo talaga yung bigla na lang susulpot eh no?"

Narinig ko ang buntong hininga niya. Napaupo ako sa ginawa niya at bahagyang nangunot ang noo.

"Anong problema?" tanong ko.

"Hinalikan mo si Hail."

Hindi iyon tanong, para bang sigurado siya sa sinabi niya.

"Ako? Ako talaga Gabriella?" inis kong sagot sa kanya.

"Ay hindi Death, baka ako! Ako yung humalik!"

Bakas sa mukha niya ang pagkainis. Nagiwas ako ng tingin.

"Hindi ako ang humalik sa kanya."

"Tss. Talaga ba. Hindi ganoon ang nabalitaan ko."

Naiinis na ako sa tabas ng dila nitong babaeng to.

"Hindi ko siya hinalikan. Siya yun. At ano bang problema mo doon?"

Siya naman ngayon ang nagiwas ng tingin.

"Babalaan na kita Death. Ngayon palang. Iwasan mo na si Hail, hindi magandang nadi distract ka sa misyon mo."

"Hindi ako nadidistract Gabriella. Stop overthinking."

"Pinapaalalahanan lang kita Death. Prevention is better than cure."

Hindi na lang ako nagsalita. Ilang saglit pa ay nawala na siya sa kwarto ko.

Kinabukasan, habang naglalakad ako papasok sa gate ng school ay nakita kong nakahilig doon si Hail at nakapikit.

Nang makapasok na ako ay bigla niyang Hinawakan ang braso ko. Tiningnan ko siya at nabasa ko agad ang lungkot sa mga mata niya.

"Cypher."

"Anong kailangan mo?"

"Gusto ko sanang sumabay sayo pumasok."

Binawi ko ang braso ko at tiningnan siya ng masama.

"Stop trying Hail. I am not your Cypher."

Nagmadali na akong maglakad pero naririnig ko pa din ang pagsunod niya sa akin.

Nang malapit na ako sa classroom ay may humarang naman sa akin.

Nakayuko ito at may hawak na box ng cake.

"U-uh Cypher.. Pinagbake ulit kita ng cake. Sinunod ko yung gusto mo. Hindi na ito tulad nung una kong binigay sayo."

Tiningnan ko ang babae mula ulo hanggang paa at ang tingin ko sa cake.

"Stop baking for me."

Nanginig ang babae at nakita ko na namuo ang mga luha nito sa gilid ng kanyang mata.

"Pero gusto kitang ipagbake. Sana tanggapin mo Cypher."

Kinuha ko ang cake na dala niya. Tiningnan ko ito at lumingon ako sa likuran ko.

Nakita ko na nandoon pa si Hail, nakatayo at pinagmamasdan kami.

Binigay ko sa kanya yung cake.

"Eat that."

Nakita ko ang nanlalaking mata ni Hail pati na rin ng babae. Pumasok na ako saclassroom at naupo.

MY NAME IS DEATHWhere stories live. Discover now