Chapter 3

14 2 0
                                    


*Bell Rings*

Nagsitayuan ang lahat bilang hudyat ng kanilang lunch break. Hindi tumayo si Death na nakapako ang mga mata sa babaeng nakatalikod na nasa harap niya. Si Hail. Hindi parin siya makapaniwala na kelangan niyang magpanggap na mahal niya ito.

"Sa wakas! Break time!" sigaw ni Castiel.

Nilingon ni Castiel si Lucas at sinenyasang lumapit sila kay Death.

"Cypher, tara na?" –Lucas

"Where are we going?" tanong ni Death ng hindi tinatanggal ang titig sa likod ni Hail.

"Sa canteen? Baka gutom ka na. Nagtext sa amin si Tita, wag daw naming ikaw pabayaan." –Castiel

"I am not an infant. I can handle myself." –Death

Tinapik ni Lucas ang balikat ni Death at bumulong ito sa kanya.

"Broken hearted yang girlfriend mo. Nako, dapat maalala mo na kung gaano ka kabaliw na baliw diyan."

Agad tinapunan ni Death ng masamang tingin si Lucas at padabog na tumayo.

Lumakad siya papunta sa tabi ni Hail at kinalabit ito.

"Let's talk. Follow me."

Utos ni Death at dire-diretso itong naglakad papalabas ng classroom.

Inayos ni Hail ang kanyang uniporme at sinuot ang kanyang salamin, nagmadali siyang sinundan si Death.

Nakayukong naglalakad si Hail sa likod ni Death ng mabunggo siya sa likod nito dahil sa biglaang pag hinto ni Death.

"I'm s-sorry." Yukong paumanhin ni Hail.

Bumuntong hininga si Death at humarap kay Hail.

"Okay, Hail? Right? As you know, I have this condition. I have amnesia. I don't remem—" naputol ang sasabihin ni Death ng biglang hinawakan ni Hail ang kanyang kamay.

"A-alam ko Cypher.I know I have to deal with this situation. B-but this is so hard.." pinalis ni Hail ang luhang pumatak sa kanyang mata.

"To let the person I love, be with his past. Ang sakit sakit lang kasi talaga Cypher. How come na naalala mo si Gabby? Why not me? Why Cypher?"

Tuluyan ng pinakawalan ni Hail ang kanyang luha, ang mga mata niyang nagsusumamo ay tumama sa mata ni Death.

"M-maybe, I don't love you." –Death

Nanlaki ang mga mata ni Hail sa kanyang narinig.

"Siguro dahil si Gabriela talaga ang mahal ko. Tama, baka ganun nga."

Pagpapatuloy ni Death.

"N-no Cypher. Y-you love me! I know it! Please! Don't be like this." Nakayukong sabi ni Hail

Hindi malaman ni Death ang kanyang gagawin. Wala siyang alam sa kung anong meron si Cypher at Hail.

"Look. Ganito na lang. Give me time. I'm sorry but I really don't remember you. Intindihin mo na lang yun. Now, If you'll excuse me. I have an errand to deal with."

Hindi na muling sinulyapan pa ni Death si Hail at nilagpasan niya ito habang umiiyak. Sinundan na lamang ni Hail ng tingin ang nakatalikod ar nakapamulsang si Cypher.

Habang naglalakad si Death sa pasilyo ng paaralan ay nakita niyang nakahalukipkip si Gabriella sa dulo ng pasilyo.

Naaninag niya ang usok na kumawala sa bibig nito.

"You're smoking?" –Death

"Why do you care?" –Gab

"I hate girls who smoke." –Death

MY NAME IS DEATHWhere stories live. Discover now