CHAPTER 9

16 0 0
                                    


Bakas ang pagluluksa ng mga estudyante dito sa Harisought University. Malamang mamatay ba naman ang pinaka sikat na student. Sino ba naman ang hindi magluluksa. Well, I think ako yon.

Nakatambay ako ngayon sa canteen habang nakahalukipkip at nakaupo sa long table. Rinig na rinig ko ang mga paguusap ng estudyante sa paligid.

"Grabe! Hindi talaga ako makapaniwala! Una si Jimson! Ngayon naman si Lala?! Ano ba ang nangyayari? May killer ba dito sa school natin?!"

"Pero hindi naman sa school namatay si Lala. At clueless ang mga pulis kung paano siya namatay. Nakapagtataka daw yung cctv kasi nagloko daw yun nung time na pinatay si Lala!"

"At ang mas nakakatakot na part doon is walang nakapansin!"

"Omaygahd. Huhuhu! Wala na talaga si ate Lala!!"

Napadilat ako ng maramdaman kong may umupo sa harap ko.

"Dude, sasama ka ba mamaya sa amin? Bibisitahin namin yung lamay ni Lala."

"Hindi ko naman siya kilala. Bat ako pupunta Lucas?"

Hindi nakapagsalita si Lucas at bumuntong hininga.

"Pero bestfriend siya ng girlfriend mo Cypher. Hindi mo man natatandaan, isa si Lala na tumulong sayo sa panliligaw mo kay Hail."

"Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na hindi ko girlfriend si Hail! Tinapos ko na kung anong meron kami at wala akong responsibilidad sa babaeng yun."

Halata ko ang inis sa mga mata ni Lucas at alam kong nagtitimpi lang siya.

"You've changed. A lot."

Hindi ko pinansin ang sinabi niya, wala akong panahong makipag argumento sa mga taong to. Dumating na din si Castiel na malungkot din ang mukha at sa likod nito ay si Hail na namumugto ang mga mata.

Umupo sila sa harap ko. Nagkatitigan kami ni Hail pero inalis niya agad ang tingnin niya sa akin.

Maya maya ay humikbi na siya. Inalo naman siya ni Castiel at Lucas. Tiningnan ako ni Castiel na parang naghihintay na gayahin ko ang ginagawa nila.

"No way."

Iniwas ko na lamang ang tingin ko sa tatlong madrama na to.

Napukaw ang atensyon ko ng may pumasok sa canteen at sabay sabay na nagtiliian ang mga babae sa paligid.

Parang kanina lang nagluluksa itong mga to ah?

Nakita ko kung sino ang pumasok.

"Lucifer." Bulong ko.

Agad nagtama ang paningin namin at nakita ko ang pagngisi niya. Agad siyang pumunta sa direksyon ko.

Napatingin ako sa umiiyak na Hail. Kung siya si Abbadon at makita niya si Lucifer dito, ano ang magyayari?

"Cypheruz."

Pagkabanggit ni Lucifer sa pangalan ko ay lumingon din ang tatlo sa nagsalita.

Nakita ko ang gulat sa mata ni Lucifer ng dumapo ang tingin niya kay Hail.

Lukso ng dugo? Huh, patawa.

"Ano ang kailangan mo sa akin Mr. Lucero?"

Napunta sa akin ang tingin niya nabawi ang bahagyang pagkagulat.

"Maari ba kitang makausap?"

"Naguusap na tayo."

"Huh, gusto mo bang marinig nila ang paguusapan natin?"

Nagtagis ang bagang ko sa inis sa kumag na to. Tumayo ako para paunlakan ang paguusap na gusto niya.

"Good boy."

Tinitingnan kami habang naglalakad palabas ng canteen.

"Omg! Para silang mag kuya! Parehas gwapo! Ahihihi!"

"Oo nga no? baka kamag anak ni Cypher yan? Nasa lahi ata talaga nila ang mga good looking!"

Hindi ko pinangarap na maging kadugo tong kumag na to.

Tumigil siya ng marating namin ang open field sa likod ng university. Nakapamulsa siya at malayo ang tingin.

"Ano ba ang kailangan mo?" tanong ko.

"I'm here to congratulate you Death."

"Tss. Ano nanaman drama yan? At ano sinasayang mo ang energy ng soul ni Lala? Abusado ka."

Nagpakawala siya ng malakas na tawa.

"Hindi mo ba alam na malakas ang energy ng orb ni Lala? Kaya pwede ko itong gamitin kung gusto ko pumunta dito. Ganon yon kalakas."

Natigilan ako sa sinabi niya. Malakas ang orb ni Lala? Kung gayon, bakit hindi niya ako nilabanan?

"Bakit hindi niya ako nilabanan kung ganoon? Bakit hindi siya nakipagpatayan para mabuhay siya?"

"That is because she's faith. Malakas ang tiwala niya na hindi mo siya tatapusin. Pero doon siya nagkamali."

Ngumisi si Lucifer na parang malaking biro lamang ang ginawa ni Lala.

"Continue your good work Death. At matatamasa mo ang gusto mo."

Doon ako natigilan. Naalala ko ang sinabi ni Lala sakin. Paano kung traydurin nga ako ni Lucifer? Paano kung hindi siya tumupad sa usapan? Biglang may sumagi sa isipan ko. Si Abbadon.

"Sino si Abbadon?" walang pasubali kong tanong sa kanya.

Nakita ko ang pagkabigla niya, hindi niya inaasahan ang tanong ko.

"Paano mo siya nakilala?"

"Just answer me Lucifer. Who is she? At ano ang kaya niyang gawin?"

"That question is too personal. I can't answer you."

"Affected ka? O natatakot ka sa kanya?"

Naramdaman ko ang kakaibang presensya na bumalot kay Lucifer. Galit.. Poot..

"You don't have to know her. Just do your work."

Sa isang ihip ng hangin ay nawala na siya sa paningin ko. Umiling iling na lamang ako.

Mukhang hindi ko makukuha ang sagot na gusto ko.

Naglakad ako pabalik sa campus ng may makasalunong akong babae na nakasandal sa pader. Pinaglalaruan nito ang kanyang kulot na buhok hapag pinapalobo ang bubblegum sa kanyang bibig. Agad nagtama ang tingin namin. Natigilan siya sa ginagawa niya at napangiti.

Pansin ko ang pagiging iba ng suot niyang uniform. Maikli ito sa karaniwang skirt ng mga babae. Halos sumilip na ang short nito sa sobrang ikli ng skirt, ang kanyang longsleeve ay halos pumutok na ang mga butones dahil sa laki ng dibdib niya.

Ano ba tong babaeng to? Prostitute?

Kumaway siya sa direksyon ko. Tumingin ako sa likuran ko at ako lang ang tao doon.

"Cypher! Ikaw yung kinakawayan ko ano ba!"

Kilala niya ako? Nangunot ang noo ko at napansin niya iyon. Agad siyang lumapit sa akin at pumulupot sa braso ko.

"Hmm. Cypher, I miss you! Yung pinangako mo sa akin hindi ko pa nakakalimutan!"

Nanlaki ang mga mata ko sa ginagawa niya, sinadya niyang ilapit ang dibdib niya sa braso ko! Damn it! Agad kong hinawi ang kanyang mga kamay na nakapulupot sa akin.

"Sungit naman! Hindi mo ba namiss ang FUBU mo?!"

Namumula siya sa inis at ano? FUBU? As in Fuck Buddy? Ano ang sinasabi nito?!

"Sorry miss, pero hindi kita kilala."

Nagmadali na akong umalis sa harap niya. Fuck Buddy my ass!

MY NAME IS DEATHWhere stories live. Discover now