CHAPTER 8

10 0 0
                                    


DEATH/CYPHER'S POV

"Where are you Gabriella?"

Hinihintay ko na magtapos ang klase pero di pa din talaga ako mapakali.

Nang tumunog na ang bell at nagmadali akong lumabas ng classroom.

Hinanap ko agad si Gabriella at nakita ko siyang nasa parking lot ng school at nakahilig sa pinto ng sasakyan ko.

"What took you so long?" tanong niya sa akin.

"Madaming sinasabi yung balyenang teacher ko."

Ngumisi lamang siya at pumasok na sa kotse ko. Sinundan ko siya at ng makaupo na ay narinig ko ang malakas niyang buntong hininga.

"Anong problema?" tanong ko.

Umirap siya at sarkastiko akong tinitigan.

"Don't tell me, di mo pa alam na alam na ni Lala ang pagkatao mo?"

Ngumisi lamang ako.

"Alam ko na. at kailangan natin siyang pigilan bago niya pa maipagkalat na ako si Death."

"Huh? Bakit naman niya ipagkakalat?"

Binalewala ko ang tanong niya at pinaharurot na ang sasakyan patungo sa tagpuan ni Hail at Lala.

Nang makarating na kami ni Gabriella sa Sataru Koffeeshop.

"Anong ginagawa natin dito??!"

Hindi ko siya kinibo. Diretso ang tingin ko sa entrance door ng shop.

"Death! Anong ginagawa natin dito?? Ano? May panahon ka pang magkape? Kelangan na nating tapusin si Lala! Ano ba?! Chill chill ka pa ganun?"

Sinamaan ko siya ng tingin. Ang ingay talaga ng bibig nitong babaeng to.

"Manahimik ka nga. At tumigil kang sigawan ako! Nandito si Lala Rimpson!"

Hindi nakapagsalita si Gabriella at pang nakalma sa sinabi ko.

"So anong plano natin? Susugurin mo siya sa loob? Andaming tao diyan Death!"

Ginulo ko ang buhok ko at tuluyan ng sumagad sa buto ang inis ko sa kaingayan ni Gabriella.

"Manahimik ka! Wag mong papakealaman ang plano ko! Wag kang aalis sa kotse at hintayin mo akong makabalik!"

Inilahad ko ang kamay ko sa kanya.

"Akin na ang locket na para kay Lala."

"A-anong pinaplano mo?"

"Just give me that damn locket!"

Iniabot sa akin ni Gabriella ang hinihingi ko at padabog na lumabas sa kotse.

Madaming pumapasok sa isip ko. Babalaan niya ba si Hail tungkol sa akin? Pero bakit? Kung si Hail si Abbadon ay wala ng pakealam doon si Hail. Kayang kaya niya ang sarili niya kung sakali. Kapatid ba naman ni Lucifer eh.

Nang makapasok ako sa shop ay agad hinanap ng mga mata ko si Lala.

Nakita ko siya sa dulo ng shop, nakahalukipkip at parang balisa.

Hindi niya naramdaman ang paglapit ko kaya ganon na lamang ang panlalaki ng mata niya ng makita niya akong umupo sa harap niya.

"C-cyphe—"

"Cut the bullshit Lala. I know you know me."

Lalong nabalisa ang itsura niya at parang di alam ang gagawin.

"Ayaw ko ng gulo Death."

"Paano kung ako ang may gusto ng gulo?"

Lumingon siya sa paligid at lakas loob na tinitigan ako.

"Ano? Papatayin mo ako sa harap ng maraming tao? Ganon ba ang plano mo?"

Ngumisi ako and with just one snap of my finger everything stopped.

"Now Lala, anong masasabi mo?"

Hininto ko ang oras. Oo kaya kong gawin yon. Hawak ko ang kamatayan at kaya ko ding kontrolin ang takbo ng oras. Kaya kong pabilisin o pabagalin at higit sa lahat kaya ko itong patigilin.

"Death.. please, Don't be a puppet of Lucifer! Tuso si Lucifer! Kung ano mang ipinangako niya sayong kapalit ay maaring kasinungalingan lang iyon! Magtiwala ka sa akin Death."

Nagsusumamo ang mga mata ni Lala habang nakikiusap sa akin.

"Pinapatawa mo naman ako Lala. Alam kong ikaw si Faith pero wag mo akong gawin na taga sunod mo. I have faith on my self. Hindi sayo at lalong hindi kay Lucifer."

Natigilan siya sa sinabi ko.

"Kung ganoon, bakit mo ginagawa ito? Bakit mo kami papatayin?"

I chuckled.

"For fun Lala, just for fucking fun."

Napalunok siya. Nakita kong nanginginig ang kanyang mga kamay na nakapatong sa lamesa.

"Pero may isa akong katanungan sayo."

Hindi siya sumagot.

"Anong kinalaman ni Hail? Bakit mo siya babalaan tungkol sa akin? Sino ba siya? Ano siya?"

Yumuko siya at hindi ako tiningnan.

"Answer me damn it!"

Kinalampag ko ang lamesa at nabigla siya sa ginawa ko.

"H-hindi ko sasabihin sayo. Patayin mo nalang ako. Tutal yan naman talaga ang plano mo."

Nangitngit ako sa galit at frustration. Kailangan kong malaman kung ano ang kinalaman ni Hail!

"You left me with no choice you."

Tumayo ako at lumapit sa kanya. Agad ko siyang sinuntok sa mukha. Natumba siya sa pagkakaupo niya. Nanginginig siya sa takot at nararamdaman ko yun.

"Yes, nananakit ako ng babae at wala akong sinasanto. Yan ang tatandaan mo. Lalo na sa mga mababang uri na katulad mo!"

Nilapitan ko siya dinakma ang kanyang leeg. Sobrang higpit ng pagkakasakal ko. Naramdaman ko ang pagpiglas niya at mga sipa niya ng unti unti ko siyang iniaangat sa ere.

"S-stop t-this Death!"

"Now you're begging? Let me tell you this. Kahit anong gawin mong pagmamakaawa hinding hindi mababago ang kapalaran mo. At mamatay ka.. sa mga kamay ko. Mamamatay ka Lala."

Nanghihina na si Lala dahil hindi na siyang masyadong gumagalaw. Nakita ko ang puting liwanag na lumalabas sa kanyang nakaawang na bibig. Inilabas ko ang locket na nasa bulsa ko upang mailipat doon ang kanyang orb.

Nang napunta na ang lahat ng puting liwanag sa locket ay bumigay na ang katawan ni Lala. Pero hindi ako nakuntento. Mas lalo kong hinigpitang pagkakasakal sa kanya hanggang marinig ko ang lagatok ng buto sa kanyang leeg.

"Now you're dead. For sure."

Inihagis ko ang kanyang walang buhay na katawan sa ibabaw ng lamesa.

Tiningnan ko po siya ng ilang sandali at nagpasayang lumabas na sa shop.

Nang makalabas ako ay nakita ko si Hail sa kabilang dako ng daan. Nakahinto.

"You're too early for your friend's funeral."

Pumasok ako sa kotse ko at nakitang nakabusangot ang mukha ni Gabriella.

I snapped my finger para tumuloy ang hininto kong oras.

Narinig kong napasinghap si Gabriella.

"Oh my fucking geesh! Ano ba Death! Papatayin mo ba ako sa gulat?!"

Tamad ko siyang tiningnan at inihagos ko sa kanya ang locket.

"Hindi lang ikaw ang may kakayahang manggulat Gabriella. Aalis na tayo dito."

Agad kong pinaandar ang aking sasakyan. Nakita ko ang patawid na si Hail mukhang di niya ako napansin dahil okupado ang isip nito.

Hindi pa kami nakalalayo ay narinig ko na ang sigawan ng mga tao sa loob ng shop.

Ngumisi ako at pinaharurot na ang sasakyan.

MY NAME IS DEATHWhere stories live. Discover now