Chapter 6

9 1 0
                                    


NOTE:

So from Chapter 6 till the end, there will be a point of view! Nahihirapan ako pag nagnanarrator ako eh HAHHAHA. Di ko majustify yung true emotions ng characters ko. Salamat in advance!

At sa mga naguguluhan. Kung meron man, Death and Cypher is iisa pero magkaibang mukha okay? Portrayer ko sa Death niya is just a shadow. Yes, shadow lang walang mukha. Sa Cypheruz nya naman syempre si baby Mingyu ko na yun! Hahahahaha!

-----------------------------


DEATH/CYPHER'S POINT OF VIEW:

Natulala ako sa sinabi netong Hail na to. Alam niya? Alam niyang ako si Death?? Paano?!

Tiningnan ko lamang siya na papalayo sa akin. Hindi ako mapakali.

"What is your problem?"

Biglang sumulpot si Gabriella sa tabi ko.

"Hindi mo ba narinig yung sinabi ni Hail?!" pagalit kong tanong sa kanya.

"Kakarating ko lang diba? Ano ba yun?"

"Alam niyang ako si Death, Gabriella. Paanong nangyari yon?!"

Nakita ko ang panlalaki ng mata niya at napamaang ang kanyang bibig.

"Ano?! Paanong!!!! What the fuck?"

"Tss. Ako pa tatanungin mo eh maski ako nagulat."

Pinasadahan ko ng aking daliri ang buhok ko.

"This isn't possible. Baka naman isa siya sa mga Golden Soul? Pero hindi pa din possible yon. Mararamdaman ka lamang nila kung oras na para patayin mo sila Death." Paliwanag sa akin ni Gabriella.

"Argh! Napaka imposible! Kailangan kong makausap ngayon si Lucifer!"

Bumuntong hininga si Gabriella bago ako sagutin.

"You know, the boss can't. Pag napatay mo na si Lala, siguro ay maging possible na makita at makusap mo si Lucifer."

"Kung bakit pa kasi ginamit niya yung kay Jimson! Naiirita ako, ayaw ko ng balakid sa mga trabaho ko."

Bahagya kaming nanahimik at nabigla ako ng suminghap siya.

"Hindi ko alam kung accurate yung hinala ko. Pero tingin ko, kapatid siya ni Lucifer."

Nanlaki ang mga mata ko.

"What? May kapatid si Lucifer?! Anong kalokohan yan??"

"Matagal na kasi yun. Nagkaalitan sila dahil nga sakim itong si Lucifer, dapat ay si Abbadon ang magmamana lahat ng kapangyarihan kasi siya ang babae at paborito ng King of Hell. Tuso si Abbadon, pero saksakan ng pagkatuso itong si Lucifer. Siniraan nya si Abbadon sa King of Hell. Ang sabi niya, masyado na daw malambot ang puso ni Abbadon para sa mga tao. Well, may katotohanan naman kahit papaano, kaya ayun. Pinatapon at itinakwil si Abbadon. At wala ng balita sa kanya hanggang ngayon."

Napatango tango na lamang ako sa kwento ni Gabriella.

"Matagal na? paanong nangyari yun? Edi dapat matanda na si Abbadon?"

"Magkaiba ang oras sa impyerno at sa totoong mundo Death. Ang isang segusdo dito ay katumbas ng 1 taon sa impyerno."

Hindi na lamang ako umimik. Ukopado ang isip ko sa mga sinabi ni Hail.

Kung siya si Abbadon, possible ba na magmahal ang tulad niya ng isang tao? At ang tao na iyon ay itong ginagamit ko ngayon?

Ginulo ko ang buhok sa sobrang inis at lito.

"Wag ka na masyadong magisip Death. Ang kailangan mong gawin ngayon ay tapusin si Lala Rimpson."

"Tama ka, nasaan ba siya ngayon? At ng makausap ko na si Lucifer."

"As of now, Lala Rimpson is with your Hail. So, I think medyo hintayin na lang natin na maglayo sila. Remember, di pa natin kilala si Hail."

"Alright."

Iniwan ko si Gabriella upang pumunta at magpahangin sa rooftop ng school na to.

Nang makaakyat na ako ay naupo ako sa malamig na sahig at sumandal sa pader. Tumingala ako sa langit.. papalubog na ang araw at tanging humuhuning ibon at hangin lamang ang aking naririnig.

Ipinikit ko ang aking mga mata.

Ilang saglit pa ay may naramdaman akong tumabi sa akin,

Bahagya kong dinilat ang mga mata ko at nakita ko si Hail na nakatitig sa akin.

Nagulat ako pero hindi ko iyon ipinahalata. Nakipaglaban ako sa kanya ng titigan.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya.

"Nagpapahangin lang ako."

Tumango tango lamang siya at tumingala.

"Dito ko sinagot si Cypher. Sa mismong inuupuan natin. Dito nagsimula ang lahat."

Natigilan ako sa sinabi niya. Pinili kong tumahimik at makinig na lamang sa kanya.

"Sobrang saya ko. Kasi sa unang pagkakataon may nakapansin sa akin. May nagmahal sa akin. Sa buhay ng mga tao, pag minahal ka parang ikaw na ang pinaka swerteng tao sa mundo. Love is the most powerful thing in the world, kasabihan yun." Pagpapatuloy niya.

"Bakit mo sinasabi sa akin to?"

Bumaling siya sa akin at tumingala ulit.

"Hindi ko alam kung anong pinaplano mo Death. Wala akong clue. Ang g-gusto ko lang sanang tanungin eh.. p-patay na ba si Cypher?"

Di ako sumagot. Kasi maski ako, hindi ko alam kung buhay pa ba tong ginagamit kong katawan.

"Sige naman na oh. Gusto ko lang malaman. K-kung may pag-asa pa ba na bumalik yung lalaking mahal ko."

Kinuyom ko ang kamao ko. Bakit naiinis ako?

"Hindi ko alam." Tanging sagot ko.

Nakabibinging katahimikan ang bumalot sa aming dalawa.

"K-kung ganoon, may pag-asa pa na buhay siya? At may posibilidad na.. W-wala na siya?"

"Hindi ko masasagot ang mga tanong mo Hail."

Narinig ko ang pag buntong hininga niya.

"Pasensya ka na sa nasabi ko kanina, sobrang galit lang talaga ako."

Umismid ako.

"You don't say sorry to Death, Hail."

"I know. Nagiguilty lang ako."

This time nakuha niya na talaga ang atensyon ko. Kung siya si Abbadon hindi ba dapat wala tong konsensya? Tuso siya. Tulad ng kapatid niyang tuso din.

"Maiwan na pala kita dito. Baka naiistorbo na kita."

Tumayo siya at pinagpag ang kanyang skirt.

Humarap siya sa akin at binigyan ako ng matamis na ngiti. Halow mawala ang kanyang mata sa pag ngiti niya.

"Sana, maging kaibigan kita. Namimiss ko na kasi si Cypher. Everytime nakikita ko yung pisikal mong anyo, nasasaktan ako. Pero sana, iconsider mo na maging kaibigan ako kahit papaano."

Hindi ko siya sinagot. Lumapit siya sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya.

Niyakap niya ako..

Hindi ako makagalaw.

Parang nanigas ang buo kong katawan sa ginawa niya.

"I miss you Cypher. I miss you so much."

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng init sa aking pisngi.

Lumayo siya ng kaunti sa akin upang makalas ang yakap niya.

Tumingkayad siya at inabot ng labi niya ang mga labi ko.

Mas lalo akong nagulat.

Nagulat kasi ang lakas ng tambol ng puso ko.

MY NAME IS DEATHWhere stories live. Discover now