Walang mababasa sa mukha ni Kisses habang nakatingin sa bintana ng eroplano. Nang marinig niya ang boses ng piloto, tsaka lang siya kumilos. Kinuha niya ang tinted sunglasses sa bag at isinuot.
Kalalapag lang ng eroplanong sinasakyan niya sa NAIA Airport. Ayaw pa sana niyang bumalik ng Pilipinas pero dalawang negosyo ang naghihintay upang pamahalaan niya. Kailangan niyang maging matatag. Kailangan na niyang sanayin ang sariling mamuhay ng wala si Edward.
Habang bumababa ng eroplano ay binabati siya ng bawat flight attendant na nakakasalubong niya, pero hindi niya kayang suklian ang ngiti ng mga ito. Kahit dalawang taon na ang nakakaraan ay masyado pa ring mabigat at masakit ang dibdib niya na kahit pekeng ngiti ay hindi niya pa kaya.
Nang makababa na ay inayos niya ang suot niyang itim na trench coat na tinernuhan ng itim ring stiletto. Sinalubong siya ng company driver sa waiting area. Hindi na niya inabala ang mga magulang niyang nasa Masbate habang nasa Italy naman ang kuya niya at ang asawa nito for honeymoon. Sa US na rin naninirahan ang mga magulang ni Edward, umuuwi lamang ang mga ito tuwing nagkakaproblema sa JB Holdings. Pero ngayon ay nag boluntaryo siyang ayusin ang kasalukuyang problema ng kompanya. Hindi lang naman kasi siya ang nawalan ng asawa, nawalan rin ang mga ito ng anak. Kaya tama na ang pagluluksa niya ng dalawang taon. Oras na para bumalik sa realidad.
***
A/N
To fully understand the story, please read book 1 first "I Love You Always Forever".
BINABASA MO ANG
I'll Never Get Over You ( I Love You Always Forever BOOK 2 )
FanfictionSometimes all you need is a second chance, because time wasn't ready for the first one...