Kisses' POV
Nakangiting tinatanguan niya bilang pag respeto ang bawat taong tumitingin sa kanya habang umiinom siya ng wine. Ayaw niya sanang uminom pero kinakailangan ng katawan niya ang alak ng mga oras na yun upang pakalmahin ang sarili niya.
Kanina pa siya nagpipigil na kunin ang cellphone sa loob ng dalang clutch bag at tawagan si Mikka upang pagalitan ito. Plano pa naman niyang bigyan ito ng increase, pero dahil sa ginawa nitong katangahan ay baka tuluyan na niya itong tanggalin sa trabaho.
Of all the event na e a-attend ni Mr Park ay Engagement Party pa talaga. Siya naman na isa ring tanga, hindi man lang niya binasa ang invitation para sana malaman niyang all black pala ang motif ng party. And of all the gowns na pwede niyang dalhin, puti pa talaga ang napili niya. Kaya pala may iilang tao roon ang nag co-congratulate sa kanya na magalang naman niyang kino-correct.
Mikka!!!
Pero hindi kaya ng pride niya ang tumayo na lamang sa sulok at magtago. Alam niyang may pwedeng makakilala sa kanya sa party na yun but who cares, she is here for business reason. Kaya naman mas pinatamis pa niya ang mga ngiti niya habang hinahanap si Mr. Park.
"Ms Delavin?"
Parang naging worth it ang lahat ng kahihiyang dinanas niya ng paglingon niya at makita si Mr Park. Pero hindi niya dapat ipaalam rito na ito talaga ang sadya niya.
"Mr Park, I didn't expect to see you here." kunwari ay nagulat siya pero masaya sabay halik sa pisngi nito.
"Looking lovely as always." komento nito sa kanya.
"Thank you."
"I am really happy to see you here, aside from the future bride ay wala na akong kakilala rito sa party."
Napataas ang isa niyang kilay, hindi niya akalaing magkakaroon siya ng ganoong oportunidad. Kung magiging okay ang pag-uusap nila ay baka bukas rin pwede na siyang bumalik ng Manila.
"Don't worry, I'll keep you company." aniya habang nakangiti ng matamis rito na sinang-ayunan naman nito.
"Since ako lang naman ang relative ng future bride, I assume na kilala mo ang fiancé ng pamangkin." tanong nito habang inaakay siya nito sa table nito.
"Oh yes, he is actually a close family friend." aniya sabay stress sa salitang "close" habang paulit-ulit na sinasabi sa sariling na.
This is for JB Holdings, kaya umayos kay Kirsten! Fake it, till you make it!
"Really, oh wow!" Nagulat ito sa nalaman pero naroon rin ang saya sa mukha nito. "If that's the case, I don't see any problem saying yes to JB Holdings then."
She gathered all her strength upang hindi mapasigaw sa tuwa sa narinig. Ilang taon rin nilang niligawan ang matanda upang mag invest sa JB Holdings. Sa lawak ng koneksiyon nito sa business sector here and abroad, natitiyak niyang mas mapapadali ang pagbangon ng kompanya. Mas mapapanatag rin ang mga investors nila oras na malaman ng mga itong parte na ng JB Holding si Mr Min Chul Park.
Isa na lang ang nakikita niyang problema, paano niya kakaibiganin ang fiancé ng pamangkin nito. Pero panatag siyang magagawan niya ito ng paraan, ang importante ay napa-oo na rin nila sa wakas ang matanda.
Magsasalita na sana siya to finally close the deal verbally ng mag announce ang host to welcome the future bride and groom. Wala siyang nagawa kundi ang tumayo na rin kasama ng ibang mga bisita. At dahil relative ni Mr Park ang babaeng ikakasal ay tsaka lang niya napansing nasa harapan pala ang table nila. Kinailangan pa nilang humarap sa likod upang salubungin ang future couple.
Dahil na rin siguro sa pinagsamang saya dahil sa wakas ay solve na ang problema niya kay Mr Park at para na rin sa couple na ikakasal soon ay masayang-masaya si Kisses habang pumapalakpak at hinihintay ang paglapit ng dalawa sa stage sa harap.
Mas naging espesyal ang pagpasok ng dalawa ng marinig nilang kumanta ang future groom habang nakahawak sa kamay ng future bride nito. Narinig pa niyang nag "ohhh" ang mga bisita, ng dahil na rin siguro sa kilig. Napangiti na lamang siya at muling ibinalik sa couple ang atensiyon niya.
🎵🎶
Not sure if you know this
But when we first met
I got so nervous I couldn't speak
In that very moment
I found the one and
My life had found its missing pieceHabang papalapit ang magkasintahan sa stage ay walang nakapansin sa unti-unting paglaho ng ngiti niya at paghina ng palakpak niya.
🎶🎵
So as long as I live I love you
Will have and hold you
You look so beautiful in white
And from now 'til my very last breath
This day I'll cherish
You look so beautiful in white
TonightHinalikan muna ng lalaki ang nobya nito sa pisngi bago nagpatuloy sa paglakad at pagkanta. Gustuhin man niyang umiwas ng magtama ang mga mata nila ay may parang pwersang pumipigil sa kanya upang hindi siya makagalaw.
🎵🎶
What we have is timeless
My love is endless
And with this ring I
Say to the world
You're my every reason
You're all that I believe in
With all my heart I mean every word"Joao..." bulong niya sa pangalan ng lalaking kanina pa nakatitig sa kanya habang kumakanta. Kung may nakapansin man ay wala na sa isipan niya iyon ng mga orasna yun.
🎶🎵
So as long as I live I love you
Will haven and hold you
You look so beautiful in white
And from now 'til my very last breath
This day I'll cherish
You look so beautiful in white
TonightYou look so beautiful in white, yeah yeah
Alam niyang nabigla rin ito ng makita siya, pero nauna itong bumitaw sa pagtitig sa kanya. Nakita niyang muli itong bumaling sa nobya nito and this time he kiss her on her lips na mas lalong pinalakpakan ng mga bisita.
Natulala siya sa ginawa nito. Alam niyang may mali sa nararamdaman niya pero di niya kayang ipaliwanag kung ano iyon. Ang tanging nasa isip niya ng mga oras na yun ay ang umalis bago pa makalapit ang magkasintahan sa kanila.
"E-excuse me Mr Park but I need to use the restroom." aniya rito na hindi na niya inantay pa ang sagot nito at dali-daling kinuha ang clutch bag sa table at umalis.
Kung may nakapansin man sa ginawa niya, ay muli, wala na siyang pakialam pa. Kaya naman hindi na niya napansing nakatingin si Joao sa kanya habang nagmamadali siyang umalis.
To be continued...
A/N
To fully understand the story, please read book 1 first "I Love You Always Forever".
BINABASA MO ANG
I'll Never Get Over You ( I Love You Always Forever BOOK 2 )
FanfikceSometimes all you need is a second chance, because time wasn't ready for the first one...