Chapter 1

173 8 3
                                    

"Good Morning Ms. K..." bati sa kanya ng secretary niyang si Mikka pagkarating niya sa pinagparadahan ng kotse.

"Good morning..." pormal niyang sagot rito. "Deretso na tayo sa office." Aniya sa driver pagkatapos ay ang secretary naman ang binalingan. "Make sure everyone are in the conference room when we arrive. Kailangan kung makausap ang lahat ng board members ngayong araw na ito." Aniya bago pumasok sa loob ng kotse habang nagmamadali namang pumasok sa kabilang pinto ang secretary niya.

"Can I see my schedule for today?" Aniya kay Mikka nang nasa loob na sila ng kotse. Ibinigay nito agad sa kanya ang tablet. "Where is my dinner meeting with Mr. Min Chul Park?" Habang nakataas ang isang kilay.

"Full na po kasi ang schedule ni Mr. Park today Miss K. Pero nagawan ko po ng paraan na ma e-set ang dinner meeting bukas." Kinakabahang sagot nito.

"Two weeks prior to my arrival ay pina set ko na sa iyo ang dinner meeting na yan Mikka." Pormal pa rin ang boses ni Kisses pero hindi manhid si Mikka para hindi mapansing nagpipigil lamang ito.

"Sorry po talaga Miss K. Ang dami po kasing pinapagawa ni Mr. Chan these past few weeks, kaya late ko na po na tawagan ang secretary ni Mr. Park." Ang tinutukoy nito ay ang acting CEO ng JB Holdings.

Huminga siya ng malalim, kailangan niyang panatilihing kalmado ng sarili upang hindi mawala ang focus niya. Two weeks ago ay tumawag si Cedric Chan sa daddy ni Edward at sinabing maraming investors ang nagpaplanong mag pull out ng investments nila. At naiintindihan niya kung bakit, masyadong magaling humawak ng negosyo si Edward. Nangangamba ang mga ito na baka hindi niya kakayanin ang pamamahala sa JB Holdings, lalo na at alam ng mga ito na hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik ang memorya niya. Medyo matanda na rin kasi ang ama ni Edward kaya sa kanya na nito ipinagkatiwala ang kompanya. Pero hindi niya hahayaang mauuwi sa wala ang pinaghirapan ng asawa niya at ng pamilya nito.

Conference Room

"We understand what your family is going through right now. Pero masyado ng matagal ang paghihintay namin. Hindi namin kayang hayaan na lang mauwi sa wala ang pera namin dahil lang sa may pinagdadaanan kayo. I'm sorry, but business is business." Si Alarcon Sebastian.

Pinigilan niya ang sariling ngitian ito in a sarcastic way. Bahagya muna siyang huminga ng malalim bago ito sinagot.

"Thank you for understanding Mr. Sebastian and you're right, this is business. Pero nais ko sanang ipaalala sa inyong lahat na kung hindi dahil kay Edward ay matagal ng nawala ang mga pera ninyo." Umiwas ng tingin sa kanya ang bawat isa na nasa conference room. "Do you really think we will allow this company to go down? This is not the only time na dumaan sa ganitong pagsubok ang JB Holdings. Tatlong buwan lang ang hinihingi ko sa inyo para maibalik ko sa dati ang takbo ng kumpanya." Aniya habang isa-isang tiningnan ang investors na hindi makatingin ng deretso sa kanya.

Biglang tumahik ang buong paligid. Nang walang nagsalita ni isa sa mga ito...

"I'll take your silence as a yes." Aniya bago tumayo. "Thank you all for coming and have a good day." Paalam niya at tsaka naunang lumabas sa conference room habang nakasunod ang secretary niya.

Habang nasa kotse...

"Uhm...Miss K."

"Yes?"

"Nag text po ang secretary ni Mr. Park. Hindi daw po makakarating si Mr. Park sa dinner meeting ninyo bukas."

Pumikit muna siya saglit bago nagsalita.

"May I know why?"

Napakagat ito sa ibabang labi bago sumagot.

"May biglaang event po kasi itong dadaluhan sa Cebu bukas."

Cebu...

Nabanggit minsan ng asawa niya na nakapunta na siya roon. Pinigilan nga lang niya itong ikwento ang dahilan ng pagpunta niya roon at kung ano man ang mga nangyari. Ang tanging alam niya ay may nangyaring aksidente sa kanya roon na siyang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin siyang naaalala sa nakaraan niya.

"Get his location details and book me a flight for Cebu tonight. Send my flight details to my email. Magpapahinga lang ako saglit."

Baba na sana siya ng kotse pagkatapos ma e-park ng driver ang kotse sa harap ng main door ng malaking bahay ng pamilya Barbers ng magsalita ulit si Mikka.

"Nakuha ko na po ang location ni Mr. Park." Anito.

"And where is that?"

"Sa Shangri-La. Shangri-La's Mactan Resort & Spa."

Bigla siyang natigilan. May kung ano siyang biglang naramdaman na hindi niya kayang bigyan ng pangalan.

Shangri-La's Mactan Resort & Spa...

Wala sa plano niya ang mag bakasyon. Pero hindi naman siguro masama kung ang magiging dahilan ng pag punta niya roon ay ang makausap ang kaisa-isang taong makakatulong sa kanya, si Min Chul Park.

"Get me a room to that resort as well. Gawan mo ng paraan na makapasok ako sa dadaluhang event ni Mr. Park."

"I'm not sure if I'll be able to--".

"Fail me Mikka and you're fired." Sabay labas sa kotse.

To be continued...

A/N
To fully understand the story, please read book 1 first "I Love You Always Forever". 

I'll Never Get Over You ( I Love You Always Forever BOOK 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon