Chapter 5

40 2 2
                                    

Kisses' POV

Kanina pa niya pinapatigil ang alarm sa phone niya pero hindi pa rin ito tumitigil sa pag alarm. Kinapa niya ulit ang cellphone na nasa bedside table upang patayin ulit ang alarm. Pero medyo nawala ang antok niya ng mabasa ang pangalan ng secretary niya sa JB Holdings. 

"Hello..." aniya sa paos na boses habang nakahiga pa rin.

"Miss K!!!" impit na hiyaw nito sa kanya ng marinig nito ang boses niya.

"Ahhh..." aniya sabay layo sa cellphone sa tenga.

"Sorry, sorry po." natatarantang hingi nito ng paumanhin. "Hindi ko lang po kasi napigilan, na excite lang po talaga akong ibalita sa inyo na pumirma na po si Mr Park ng kontrata sa JB Holdings. Kaka-send lang po ng secretary niya sa atin ng soft copy nung document."

"Ha?" lutang na sagot niya though narinig naman niya ng malinaw ang sinabi ni Mikka yun nga lang dahil sa antok ay matagal iyong nag process sa utak niya.

Inulit naman ng secretary niya ang sinabi ang this time ay tuluyan ng nawala ang antok niya.

Oh crap!

Sabay bangon sa kama.

"Paanong nagkaroon ng kopya si Mr Park sa papeles? Di ba di ko pa yun pinapa-send sayo?" may halong pagka-irita sa boses niya na ipinagtaka naman ng sekretarya niya.

"Po? S-sinendan ko po kasi ng pdf copy yung secretary niya kahapon. Malaki po kasi ang tiwala kong makukuha niyo po si Mr Park oras na makausap niyo po siya diyan. M-may problema po ba?" bakas sa boses nito ang kaba at pag-aalala.

Naihilamos niya ang isang kamay sa mukha niya out of frustration.

Alam niyang ginagawa lamang ni Mikka ang trabaho nito. Kung hindi lang sana naging komplikado ang sitwasyon ay baka napuri pa niya ang ginawa nitong initiative. Pero dahil sa nangyari ay mas lalong gumulo ang lahat imbes na makatulong.

"You have to make sure na walang sino man ang makakaalam sa pag pirma ni Mr Park, lalong-lalo na yung board. Oras na may makaalam ni janitor ng kompanya, I will really fire you this time, Mikka." aniya sabay pindut sa end button.

Pero hindi pa man siya nakakababa ng kama ay bigla ulit nag ring ang cellphone niya.

Shit!

Nang mabasa ang pangalan ni Mr Park sa screen.

Huminga muna siya ng malalim at ngumiti bago sinagot ang tawag ng matanda.

"Good morning, Mr Park."

Gumanti rin ng bati ang matanda.

Unti-unting nawala ang ngiti niya ng marinig niyang iniimbitahan siya nito ng lunch kasama ang pamangkin nito at si Joao. Ni hindi man lang nito binanggit ang tungkol sa pinirmahan nitong papeles. Mas excited pa itong ipakilala siya sa pamangkin nito.

Wala siyang nagawa kundi tanggapin ang imbitasyon nito.

At the first place, di rin naman siya nagsinungaling ng sabihin niyang kilala niya si Joao. Hindi nga lang siya sigurado kung close ba sila ng binata.

Muli siyang humiga sa kama at napatitig sa kisame.

Just for today, Kisses. After this, ay pwede ka ng bumalik ng Manila bukas...at...at magiging normal na ulit ang lahat.

Napapikit siya sa huling naisip, sabay dasal na sana ay tama siya. Na sana ay bumalik ulit ang lahat sa normal pagkatapos ng araw na yun. Na sana ay hindi niya pagsisihan ang araw na iyon.

LUNCH

Bago bumaba ay nagtanong muna siya sa emplyedong nakita niya sa hallway kung saan banda yung restaurant na binanggit ni Mr Park kanina kung saan sila magkikita. Binigyan siya nito ng mapa ng buong resort at itinuro sa kanya kung saan siya dadaanan patungo sa restaurant na hinahanap niya.

Medyo malayo-layo rin ang lalakarin niya kaya nag offer ang empleyadong ihatid na lamang siya gamit ang electric cart pero tinanggihan niya ito. Maaga pa naman kasi, kaya gusto niyang maglakad na lang at ng ma enjoy rin niya ang paligid ng resort.

Dahil summer, marami siyang nakitang mga turista. May magaganda ring landscape ang resort na pwede niyang e-improve at e-apply sa hotel niya.

Speaking of Kirsten Hotel, kailangan niya palang tawagan si Precy mamayang gabi para maihanda nito ang report bukas. Pagdating niya ng Manila bukas at de-deretso na agad siya sa hotel upang ma check ang kalagayan ng business niya. So far ay stable naman ito based sa mga reports na sini-send sa kanya while nasa US siya. Pero na miss rin niya ang hotel at mga empleyado niya, kaya siguro dun muna siya mag s-stay for at least a week pagkatapos ng problema niya sa JB Holdings. 

Nahinto siya sa paglalakad ng may makita siyang arcade. Tiningnan niya ang suot na relo at napangiti.

Mayroon pa siyang extra thirty minutes!

At excited na pumasok sa loob ng arcade.

ARCADE

Isa-isa niyang tiningnan ang iba't-ibang game manchine ng makapasok sa loob ng arcade. Literal na kumabog ang dibdib niya ng may makita siyang claw crane machine.

Lumapit siya at tiningnan ang iba't-ibang stuffed toys sa loob nito. Hindi niya alam kung bakit naroon na lang ang pagnanais niya maglaro nun, na para bang pamilyar sa kanya ang larong iyon.

Tiningnan niya ang paligid, maraming tao pero busy ang lahat sa paglalaro. At hindi lang naman siya ang medyo matandang maglalaro dun kung sakali.

Kaya hindi na niya napigilan ang sarili dahil sa namumuong excitement, kinapa niya ang wallet sa bulsa upang bumili ng token habang naglalakad papunta sa counter. Pero wala siyang makapang wallet sa bulsa niya. Mukhang nakalimutan niyang dalhin ang wallet niya ng lumabas siya ng kwarto kanina.

Napabuntong-hininga na lamang siya bago lumapit ulit sa claw machine. Nagkasya na lamang siyang laru-laruin ang mga buttons at joy stick ng machine na di umaandar.

"Ate Kisses? Is that you?"

Napatingin siya sa likuran niya.

Isang batang babae ang nakita niyang gulat habang nakatitig sa kanya.

"Ikaw nga!" masayang sabi nito at nagmadaling lumapit sa kanya upang yakapin siya sa beywang. 

At sino naman ang batang to?

Sa isipan niya habang bahagyang nakataas ang dalawang kamay at nakatingin sa batang babaeng nakayakap sa kanya.

"Candy!" tawag ng isang babae na sa palagay niya ay mommy ng bata.

"I found her mommy, I finally found Ate Kisses!" masayang sagot nito though nakatingin ito sa ina ay hindi pa rin siya nito binibitawan. "See? I told you, pupunta ulit siya rito."

Nahihiyang kinukuha ng babae ang batang nakayakap sa kanya pero ayaw siya nitong bitawan at nagbabadyang umiyak oras na pilitin pa ito ng ina na bumitaw sa kanya.

Doon na siya kumilos at nagsalita.

Marahan niyang tinanggal ang dalawang kamay nito sa beywang niya. Hinawakan ang mga iyon at lumuhod upang mas makita niya ang mukha ng bata.

"Your Candy, right?"

Tumango ito.

"And your my Ate Kisses, right?"

"Ah..I guess?"
hindi rin kasi siya sigurado kung ang Kisses na kilala nito o baka napagkamalan lang siya ng bata.

"You don't remember me anymore?" may halong tampo na tanong ng bata.

Huminga siya ng malalim at pagkatapos ay bahagyang ikinuwento niya sa bata ang tungkol sa pagkawala ng memorya niya. In a way na hindi naman masyadong tragic pakinggan. She just wanted to let her understand na hindi na niya ito nakikilala dahil nawala yung memorya niya. And thankfully, naintindihan naman siya nito.

Ngumiti na ulit ito.

Sinabi ni Candy sa kanya na sa arcade siya nito nakilala, na ikinagulat naman niya.

"That was 5 years ago and I was 5 years old back then. Hindi marunong maglaro ng claw machine. I was about to cry that time when you approached me and told me that you'll help me get those stuffed toys inside the claw machine." nakangiting kwento nito.

"Really?" hindi niya maiwasang ma excite sa nalaman. "M-marunong akong maglaro nito." 

Sunod-sunod itong tumango.

"You were super galing ate. Mauubos mo na sana ang lahat ng stuffed toys sa loob ng machine, pero naubusan na tayo ng token. Kaya may tatlo pang natira." tumatawang kwento ulit nito.

Natawa rin siya sinabi ng bata.

"I was so happy when you gave me a stuffed toy that day and so were the other kids na binigyan mo din ng stuffed toys, plus ice cream from Kuya J." dagdag nito.

"Kuya J?" ulit niya sa pangalang binanggit ng bata.

"Yung lalaking kasama mo?" anito pero ng maalala ng bata na nawalan nga pala siya ng memorya ay hindi na siya nito pinilit na alalahanin ang lalaking sinasabi nito na kasama niya.

Hinila siya nito palapit sa claw crane machine at sinabing ito naman daw ang maglalaro for her. Since nawalan siya ng memorya ay baka raw nalimutan na rin niya kung paano maglaro nun.

Na touch na man siya ginawa ng bata. Nang ibinigay nito sa kanya ang napanalunan nitong stuffed toy ay niyakap niya ito.

"Thank you, Candy." aniya rito. Hindi lang dahil sa ibinigay nito, kundi pati na rin sa ibinahagi nitong kwento tungkol sa kanya noon. Hindi niya lubos na akalaing may ganun pala siyang side. Hindi man niya iyon naaalala, at least ay unti-unti naman niyang nakikilala ang sarili niya.

To be continued...

A/N
To fully understand the story, please read book 1 first "I Love You Always Forever". 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 12, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'll Never Get Over You ( I Love You Always Forever BOOK 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon