Chapter 4

93 7 7
                                    

Kisses' POV

Tsaka lang niya naramdaman ang panginginig ng tuhod niya na makalabas na siya ng venue.

Napahawak ang isang kamay niya sa pader habang nasa dibdib naman niya ang isang kamay.

Naroroon ang pagnanais niyang umiyak, pero di niya alam kung bakit. Habang tumatakbo ang oras ay mas lalong naninikip ang dibdib niya.

"Miss Kisses? Okay lang po ba kayo?"

Nag-aalalang tanong ng babaeng empleyado sa kanya.

She wanted to say yes, pero alam niyang hindi niya kakayaning bumalik sa kwarto niya ng mag-isa.

"Kindly help me get back to room please?"

Agad namang kumilos ang empleyado at tinulungan siya.

Hindi muna umalis ang empleyadong tumulong sa kanya kahit na sinabi na niyang okay na siya. Tinawagan pa nito ang doctor ng resort na hinayaan na lamang niya dahil baka SOP talaga nila iyon.

Nagpasalamat siya rito ng painumin siya nito ng tubig at muling tinulungan na makahiga sa kama.

"Salamat..." nakangiti niyang sabi sa babae.

"Batas kayo, Miss Kisses malakas kayo sa akin eh." nakangiting sagot nito. Huli na ng mapagtanto nito ang sinabi.

"Wait, kilala mo ako?"

"Ah-eh siyempre naman po, kustomer po kayo na resort kaya tutulungan ko po talaga kayo."

Hindi siya kumbinsido sa naging sagot nito sa kanya. Gusto pa sana niyang magtanong ng may kumatok sa kwarto niya at pagbalik ng empleyado ay may kasama na itong lalaking naka black suit. Hindi niya tuloy malaman kung ito na ba ang doctor or--

"Good evening Miss Delavin, I am Doctor Angelo Constancia head doctor ng resort."

Constancia...

Aniya sa isipan, ngayon ay malinaw na sa kanya kung bakit ito naka black suit. Hindi na siya magtataka kung tinawagan siya ng babaeng empleyado habang nasa party ito.

"Mrs Baber..." aniya rito.

"Excuse me?"

"Please adress me as Mrs Barber." ulit niya rito.

Kung di lang naman tungkol sa business ay mas gusto niyang tinatawag siyang Mrs Barber kesa Ms Delavin.

"How about Kisses?" tanong ulit nito.

Napataas ang isang kilay niya at pagkatapos ay napatingin sa babaeng empleyado na nakatingin na pala sa doktor at parang kanina pa ito kinikilig.

Well, may itsura rin naman kasi ang lalaki. Mataas kasi ito, moreno at gwapo.

"Mrs Barber..." maikling sagot niya ulit rito. Ayaw niyang maging bastos pero wala siya sa mood maghanap ng kaibigan.

"Kirsten?" pangungulit nito sabay ngiti sa kanya. Ngayon lang niya napansing may dimple rin pala ito sa kanang pisngi na mas lalong nagpa-charming sa lalaki.

Tumango na lamang siya at pagkatapos ay napapikit.

In a way ay nagpapasalamat siya rito dahil kahit papaano ay na divert rito ang isip niya. Di dahil sa na a-attract siya sa lalaking doktor kundi dahil kanina pa nito sinusubukan ang pasensiya niya.

Pinaupo siya nito sa kama at gamit ang dala nitong stethoscope ay tsinek nito ang heartbeat niya at likod. Kinunan rin siya nito ng blood pressure.

"Well Kirsten, everything naman seems normal. Medyo mabilis ang tibok ng puso mo but within the range naman siya at natitiyak kung babalik ulit sa normal yan oras na makapag-pahinga ka. But kailangan pa rin kitang e-check bukas just to make sure. Based sa sinabi ni Anggie kanina na nangyari sayo ay mas mabuti ng makasigurado tayo." anito sa kanya.

Tumango na lamanag siya. She knows that she's perfectly fine now at babalik na rin naman siya ng Manila bukas. Pero para umalis na ang mga ito sa kwarto niya ay sumang-ayon na lamang siya.

Nang makalabas na ang mga ito ay sinimulan na rin niya hubarin ang suot na gown at nagpalit ng pampatulog na damit. Matapos alisin ang make up sa mukha niya at maglagay ng moisturizer ay humiga na ulit siya sa kama.

Knowing na si Joao pala ang nobyo ng pamangkin ni Mr Park, she doubt kung kakayanin ulit niyang harapin ang binata. Alam niyang tatlong buwan lamang ang hinihingi niyang palugit sa mga investors pero mas nanaisin pa niyang maghanap ng ibang investor kagaya ni Mr Park kaysa mag cross ulit ang landas nila ng lalaki.

Noon pa man ay nanatili ng misteryo para sa kanya ang hindi niya maipaliwanag na damdamin para sa lalaki. Pero dahil naroon pa si Edward ay mas naging madali sa kanyang isantabi ang damdaming iyon at mag focus sa asawa niya.

Though deep inside her heart ay gustong-gusto niyang malaman kung sino talaga ito sa buhay niya. Pero di siya nagkaroon ng lakas ng loob na itanong iyon kay Edward o kahit na sa pamilya niya. Naroroon ang takot na baka magbago ang damdamin niya kay Edward oras na malaman niya ang sagot sa mga tanong niya tungkol kay Joao. Kaya mas pinili na lamang niyang ibaon ang damdaming iyon at sinubukang kalimutan. Para sa ikakabuti ng lahat.

Pero kanina, ng makita niya si Joao ay bigla na lamang niya ulit naramdaman ang hindi maipaliwanag na damdaming iyon. Na buong akala niya ay nakalimutan na niya.

At the back of her mind, alam niyang may mali. Kaya hanggang sa makakaya niya ay iiwas siya kay Joao. Sa pangalawang pagkakataon ay para ulit sa ikakabuti ng lahat.

To be continued...

A/N
To fully understand the story, please read book 1 first "I Love You Always Forever". 

I'll Never Get Over You ( I Love You Always Forever BOOK 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon