Chapter 2

183 7 7
                                    

Kisses' POV

Hindi niya alam kung paano nagawan ng paraan ng secretary niya ang lahat. Nakapag book ito ng flight papuntang Cebu ng gabi ring yun and at the same time, was able to get an invitation for her sa dadaluhang event ni Mr. Park. Bigla tuloy siyang nakonsensiya ng sabihin niya kay Mikka na tatanggalin niya ito sa trabaho oras na hindi nito magawa ang iniutos niya. Never in her entire life na naging ganun siya sa mga empleyado niya sa Kirsten Hotel. Siguro dahil na rin sa stress but she'll make it up for her pagbalik niya.

Tiningnan niya ang suot na relo. Tatlong oras pa bago mag simula ang event.

Huminga siya ng malalim at napapikit habang nakahawak ang dalawang kamay sa balustre ng veranda ng kwartong kinuha para sa kanya ni Mikka. Nakaharap ito sa dagat kaya naman biglang gumaan ang pakiramdam niya habang nakapikit.

Pero napamulat siya ng maalala ang nangyari pagkapasok niya sa resort at sa mismong hotel. Hindi niya alam kung lahat ba ng mga guests ng resort ay kinikilala ng lahat ng staff bago dumating ang mga ito. Lahat na lang kasi ng nakakasalubong niya at ng mga staff na umaasikaso sa kanya ay kilala siya. Or baka naman, nakapunta na siya dito noon? Naalala niya kasing may nagsabi sa kanya ng welcome back.

Ganoon na nga siguro. Ano man ang dahilan kung bakit siya napadpad sa lugar na ito noon ay malabong maalala pa niya iyon. Sa ilang taon kasi na nawalan siya ng memorya ay never na nangyaring nagkaroon siya ng flashbacks. Kahit na halos pinuntahan na nila ni Edward ang lahat ng lugar na may malaking parte sa nakaraan niya. But never in Cebu, kung bakit ay di rin niya alam.

Siguro ay di ganun ka importante ang lugar na yun sa buhay niya?

Napapikit ulit siya habang hinahayaang laruin ng hangin nakalugay niyang buhok. Alam niyang trabaho ang ipinunta niya dito pero di niya mapigilan ang sariling kalimutan muna iyon kahit na ilang minuto lang. Gaano man iyon kaikli, ay gusto niyang ipahinga muna ang isipan niya at sana pati na rin ang puso niya.

Joao's POV

Kanina pa siya nakatayo sa tapat ng sliding door ng veranda. Nakapaloob sa bulsa ng suot niyang pantalon ang isang kamay niya habang ang isa naman ay hawak ang isang basong halos wala ng lamang whisky.

Limang taon din niyang pinigilan ang sariling bumalik sa lugar na yun. He thought he could easily forget her kapag iniwasan niya ang lahat ng mga bagay na magpapaalala sa kanya about her. But he was wrong, the more na pinipilit niya itong kalimutan ay mas lalong bumabalik ang lahat ng mga alaala nito sa utak niya. Na para bang kahapon lang nangyari ang lahat ng iyon.

5 YEARS AGO

"Sir J." tawag sa kanya ni Waynnie.

Hindi na niya napansin ang pagkatok at pagpasok nito sa loob ng opisina niya.

"Yes?" aniya habang nasa laptop ang mga mata.

"Tumawag po ang staff ng hospital, gising na raw po siya."

Agad na umangat ang ulo niya sa narinig.

Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman. Parang gusto niyang maiyak sa labis na kasiyahan.

"Cancel all my appointments today and tomorrow." aniya habang naghahandang umalis. "No, cancel my whole week's schedule." aniya bago lumabas ng opisina.

HOSPITAL

Pagkarating niya sa hospital ay kinausap muna siya ng doctor ng dalaga bago siya pinapasok.

Though hindi naman siyang direktang kamag-anak ni Kisses, pero dahil siya ang kasama ng dalaga ng dalhin ito sa ospital, dahil ginagamot rin si Edward nun ay isa ang mga pangalan niya sa naka-listang contact person ng dalaga.
"Nang magising siya kanina, ay wala siyang na-aalala tungkol sa sarili niya. We are currently waiting for the test results but I am afraid na mayroong amnesia ang pasyente. We are not sure yet if this will just be a temporary amnesia. But rest assured that we will do our best to help the patient." paliwanag ng doctor ng dalaga sa kanya.

Ang sabi ng nurse na naka-assign sa dalaga ay papunta pa lang ang pamilya nito sa hospital, pati na rin si Edward at ang pamilya nito. Simula ng magising si Kisses, ay siya pa lang ang unang makikita nito.

Nanginginig ang kamay niya ng pihitin ang doorknob ng pintuan. Mukha agad ng dalaga ang nakita niya ng makapasok siya sa loob. Nakaupo ito sa kama habang nakatingin sa labas ng bintana.

Napalingon ito sa kanya ng marinig ang pagsara niya ng pinto. Agad na nagtama ang mga mata nila. Ang makita itong buhay habang nakatingin sa kanya ay parang isang milagro. Halos wala na itong buhay ng kargahin niya ito at isakay sa ambulansya ng araw na mabaril ito.

Kailanman ay hindi siya nakaramdam ng matinding takot at panghihina. Maliban sa araw na nakidnap ito at nabaril.

Halos mabaliw siya ng malamang nakidnap ang dalaga. Wala siyang inaksayang oras at agad na ginamit niya ang lahat ng koneksiyon ng pamilya niya upang matunton ang lokasyon nito. Pero huli na ng dumating sila, dahil duguan na ito habang nasa kandungan ni Edward.

"Hi..." bati ni Kisses sa kanya. May bahid na insekyuridad sa boses nito at pag-aalinlangan.
"Hi..." aniya at pagkatapos ay dahan-dahang lumapit sa kama ng dalaga. 

Gusto niyang takbuhin ang distansiyang nakapagitan sa kanila at yakapin ito ng mahigpit. Pero alam niyang mas lalo lamang maguguluhan ang dalaga and worst ay baka matakot pa sa kanya.

Maingat siyang umupo siya sa gilid ng kama nito at ibinigay ang isang bouquet ng red tulips.

"For you..."
Napangiti ito, "Sa iyo pala galing ang mga tulips na nasa vase." anito habang nakatingin sa vase na nakapatong sa mesang nasa gilid ng kama nito. "Alam mo bang iyan ang unang-una kung nakita ng magising ako?" ang sabi ng dalaga na ibinalik uli ang tingin sa kanya.

Masaya siya sa narinig. Pero pagkatapos nun ay hindi na ulit ito nagsalita, nakatingin lang ito sa kanya. Ramdam niyang marami itong gustong sabihin at itanong sa kanya pero nandun ang pag-aalinlangan sa mga mata nito.

Maingat na kinuha niya ang kanang kamay nito at hinaplos. Ramdam niya ang pagpitlag nito, pero hindi nito binawi ang kamay.

"I know your scared." aniya habang nakatitig sa mga mata nito. "And somehow feels lost and alone right now. But I hope that you will trust me when I say na wala kang dapat na ikatakot. Ang mga taong makikita at makikilala mo ngayon, ay mga taong walang ibang hangad kung hindi ang kabutihan mo at mga tunay na nagmamahal sa iyo."

Hindi agad sumagot si Kisses, ilang segundo muna itong nakipagtitigan sa kanya.

"Isa ka ba sa mga taong iyon?"

Hindi niya napigilang mapangiti ng kaunti.

"Why? Are you scared of me?" tanong niya sa dalaga, naroon ang pangambang baka nga may takot itong nararamdaman sa kanya. Pero agad itong umiling.

"Hindi" agad nitong sagot sabay iling. "Pero hindi ko alam kung bakit ako nalulungkot." anito habang isa-isang tiningnan ang parte ng mukha niya. Itinaas nito ang kanang kamay at hinaplos ang pisngi niya. "Weird, ngayon lang kita nakita pero bakit parang...matagal na ako naghihintay sayo." puno ng katanungan ang mga mata nito.

Nang wala itong marinig na sagot sa binata ay napailing ang dalaga sabay layo ng dalawang kamay nito kay Joao. Na para bang hindi ito dapat hawak ng binata.

"I'm sorry, I know walang sense ang mga pinagsasabi ko. Naguguluhan rin ako kung bakit ganito yung nararamdaman ko nung makita kita. Siguro dahil sa wala akong maalala--."

Natigilan ito ng kinuha muli ng binata ang mga kamay nito at bahagyang pinisil.

"You don't have to apologise sweetheart. Everything will be okay, I promise."

Napakunot ang noo ng dalaga.

Sweetheart...

Parang nag e-echo ang salitang iyon sa isipan ng dalaga hanggang sa bigla na lamang sumakit ng matindi ang ulo niya.


"Kisses?" nag-aalalang sabi niya ng makita ang bigla nitong paghawak sa ulo nito.

"A-ang sakit ng ulo ko." nahihirapang sagot nito pagkatapos ay napahiyaw ng malakas ng hindi na nito makayanan ang sakit.

Tarantang tumawag agad si Joao ng nurse gamit ang intercom na nasa gilid ng kama. Pagkatapos ay nilapitan muli ang dalaga.

"Oh God!" hindi niya alam kung paano tutulungan ang dalaga. Niyakap na lamang niya ang dalaga habang tinatakpan ang ulo nito. "Shhh...it's gonna be okay. Everything will be alright, andito lang ako." 

PRESENT

Joao's POV

Inubos niya ang natitirang whisky sa hawak niyang baso at pagkatapos at mapait na ngumiti.

He thought everything will be alright that day.

He thought he still have a chance. 

But at the end, siya na rin ang kusang sumuko. Sapat na sa kanyang masaya na ito ngayon kay Edward. At siguro ay panahon na rin na siya naman ang maging maligaya.

Napangiti siya ng may dalawang kamay na yumakap sa kanya mula sa likuran.

To be continued...

A/N
To fully understand the story, please read book 1 first "I Love You Always Forever". 

I'll Never Get Over You ( I Love You Always Forever BOOK 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon