Nicca's POV
Ngayon, isa na akong graduating high school student.
May isa akong bestfriend na nagngangalang Niccolo Theo Sanders.
Sa pangalan niya palang, halatang mayaman na, noh?
Anong tingin niyo sakanya??
A.) Gwapo, B.) Varsity ng Basketball C.). Habulin ng girls D.) All of the above
The answer is...
None of the above. :D
Isa lang siyang nerd katulad ko. Palaging nakahawak ng books, nag-eeyeglasses, nagb-braces, baduy yung damit at parang Jose Rizal yung hairstyle.
Actually, graduate na dapat siya, eh. Hindi na nga siya maagang pumasok sa paaralan nung bata pa siya, 2 beses pa siyang nag-ulit dahil sa balik-uwi niya dito sa Pinas. Pero, dibale na kasi gra-graduate rin kami. Ang importante, makapagtapos kami ng aming pag-aaral, diba??
Sabi nga ng iba,meant-to-be raw kami. Pero, tinatanggi namin yun! Hanggang bestfriends lang talaga kami.
May naging girlfriend siya, pero hindi siya talaga minahal. Ang habol lang nung girl, pera at para maggawa lahat ni Niccolo yung assignment niya.
Kainis pag ganun, noh?!
Actually, may isa ba kaming Bespren.. Pero, nag-abroad kasi siya. You'll know her soon. ^__^
Ngayon, magkikita kami sa park ni Niccolo. Nag-bibihis na ako, then..
OFF TO PARK!
**Meteor Park**
Maganda dito 'pag gabi. Ang nagpagawa ng park dito, marami daw siyang nakitang sunod-sunod na mga shooting star na nagpapakita dito sa sky, kaya Meteor Park.
Ako: Tagal naman ni Panget. San naman kaya nagsusususot yun??
"Pstt.."
May something na gumagalaw sa bushes..
Ako: Hoy, panget! Alam kong ikaw yan! Lumabas ka na nga jan.
Niccolo: Oo na! Lalabas na...
Tapos, lumabas siya sa may bushes.
Ako: Ba't ka naman daw tumatago jan??
Niccolo: Wala lang. Gusto ko lang.
Ako: Kaaaayy..
Niccolo: Tagal mo, ha!
Ako: 5 mins. late lang naman po.
Niccolo: =__=" Matagal pa rin.
Ako: Heiishh.. Uwi na nga nalang ako!
Niccolo: Teka lang! Libre ko nga, diba?
Ako: Oo nga pala. ^__^V
Niccolo: Tara!
Ako: Saan?
Niccolo: Spsko...
Ako: Huh?
Niccolo: Wala. Sabi ko, tara sa McDo.
Ako: StarBucks nalang!
Niccolo: Sino bang manlilibre??
Ako: Ehhehe.. Ikaw.
Niccolo: Naman pala, ehh. Tara na!
Ok rin naman sa McDo. Maraming pagkain. Yum yum!
Umorder kami ng 2 Large fries, 2 Coke Float, 2 Burger, 2 Pie at.. 2 Hot Fudge Sundae for takeout! :D
**Pagkatapos kumain...**
Ako: Panget, soroop pla sa McDo.
Niccolo: Sabi ko kasi sayo, ehh. Palagi ka sa mga sosyaling restaus.
Ako: Ehh, ikaw? Yaman mo rin, pero bakit ayaw mo sa mga sosyaling bagay?
Niccolo: =__= Ayoko lang. Para sakin kasi, parang ang ganda ng buhay ng mga mahihirap. Hindi man sila mayaman sa kaperahan mayaman naman sila sa pagmamahala ng kanilang mga magulang.
Ako: Hindi pa ba nag-aayos ang mga magulang mo?
Niccolo: Hindi pa nga, ehh. Naglalayas nalang ako sa bahay. Wala rin naman akong magawa sa bahay. Bahala sila sa mga buhay nila.
Ako: Panget, kahit away sila ng away, bangayan ng bangayan, tandaan mo. Mga magulang mo pa rin sila. Hindi na yun magbabago.
Niccolo: Oo. Pero, hindi manlang nila inisip na pwede akong maapektuhan sa mga pinanggagawa nila?
Ako: Oo nga noh.
Niccolo: Kaya swerte mo. Kahit namatay na ang Mama mo, nakakaya pa rin ng Papa mo na buhayin kayong magkakapatid.
Ako: Haaayy.. Kung alam mo lang. Gusto ko kayang magkaroon ng bagong Mama o kapatid. Pero.. malabo naman na atang mangyari yun.
Niccolo: Hmm.. Depende. Pwede rin kung maiinlove ulit yung Papa mo.
Ako: Hmpp... Uwi nalang tayo. Haba na ng pinag-usapan natin. :D
Niccolo: Oo nga.
Ako: Panget, wag ka ngang lalayas sa bahay niyo. Magkulong ka nalang sa kwarto mo, tapos dala ka ng foods para dun ka nalang kumain. May TV ka naman sa room mo, dba? Nood ka nalang ng movie dun.
Niccolo: Sige. Try ko.
Ako: Bye, panget!
Niccolo: Bye!
BINABASA MO ANG
I'm SO Sexy!
RomanceLahat tayo, maganda! Yun lang ang masasabi ko sainyo. Credits to: @PinkyDemon for the first BC and @Potaetos for the updated BC ! =)
