Aking Munting Kaibigan

35 1 0
                                    

Noong tayo'y bata pa ikaw at ako ang laging magkasangga sa ano mang bagay at pagkakataon. Ikaw ang kaibign kung laging naryan sa tuwing ako'y may mga problema, nandiyan sa tuwing ako'y nalulumbay at kailangan ng taong maaakayan. Kaibigan kung labis kung mag-alaga.

Mahal kung kaibigan, sanay hindi mo makalimutan ang ating pinagsamahan, sanay hindi mo ako makalimutan sa paglipas ng panahon na tayo'y nagkawalay. Lagi mong tatandaan na nandito lang ako kahit ano mang mangyari, meron kang karamay sa kahit anong problema na iyong mararanasan, dahil ikaw at ako'y matalik na magkaibigan.

Munti kung kaibigan, bakit ang iyong magarang buhay ay nauwi lamang sa malungkot na karanasan? Isang trahedyang nagpawi sa iyong kasiyahan na siyang nagdulot ng matinding kalungkutan sa iyong puso. Ayos ka nga ba? Bakit parang ika'y nagbago ka sa aking pananaw,  dahil ba wala na tayong komunikasyon at meron nang distansya sa ating pagkakaibigan?

Ngayon na tayo'y may kaalaman na sa mundong ating kinagisnan at mundong ating tatahakin, sanay malaman natin na walang imposible sa mundo, na kaya nating gawin kung ano man ang gusto nating gawin kung atin lang itong pagsisikapan. Ikaw may mayroong dinaranas ngayon, alam kung hindi ka niya pababayan, at sa tamang panahon tatawanan mo nalang ang mga problema't pagsubok na iyong nalampasan.

Munti kung kaibigan, sana'y hindi mo makalimutan na maraming taong nagmamahal sayo, hindi mo man ito maramdaman at makita sa ngayon, ngunit alam kung alam mo na kami ay narito lamang at puwede mong sandalan kahit kailan. Mahal kung kaibigan, mahal na mahal kita, ikaw ang aking munting kaibigan na bigay ng Diyos sa akin upang mabuo ang masa-sayang panahon nang ako ay bata pa.

A Piece of Poetry Where stories live. Discover now