CHAPTER 18: FRIENDS AGAIN
He's Her
ALEX POV
“Yaya, cutting tayo ^____^.” I said while grinning.
*PAAAAAAAAAK* Isang kamay lang naman ang pumitik sa noo ko.
“ARRRAAAAY naman. Bakit ka ba namimitik.”
“Eh, paano, mandadamay ka na naman. Hahaha.” Then tumawa? Baliw lang siya? “Mall tayo >___O” Nagwink pa. Bakit ganito yaya ko? Haha.
“Kung makapamitik ka parang di ka sasama ah.”
“Syempre uso yan eh.”
“Uso your mouth! Haha.”
Nung nasa mall na kami, shopping galore na naman kami ni yaya.
“Oy, don’t be shock.” Yaya said.
“Bakit naman?”
“Basta wag kang masashock.”
“Bangit nga kasi.”
“There!” May tinuro siya.
“Eh ano naman ngayon?”
“Di ka affected?” Huh? Bakit naman ako maapektuhan ng couples na yan.
“Hindi, bakit bah? Tumino ka nga Samantha Raye!”
“Totoo lang huh?”
“Ano ba kasi ang meron sa couple ---” Then ang curiousity ko naging pagkabigla. “--- n-na yan?”
“Now you see?” She asked.
We saw Michael na may kasamang ugly monster. But the truth is, maganda kasama niya.
Then bigla siyang napalingon sa position namin. Kaya tumalikod kami. Nakita niya kaya kami? Siguro nga. Baka nagtago na rin. Akala niya di ko nakita? So sinong maharot ngayon?
“OUUUUCH yaya.” Pang-aasar ni yaya.
“Di ako naasar nuh!”
“Totoo? Hahaha” Tumawa pa siya.
“Alex?”
Ang boses, nasa likuran ko lang. Nanginginig ako. Di ko alam gagawin ko.
“B-bakit?” Lumingon ako with a smile. “Need anything?”
“Wala naman. Nandito rin pala kayo.” Tumingin siya kay yaya. “Hi Sam.”
Kung makabati siya sa amin parang di awkward huh. At parang walang nangyari kahapon ah. May atraso pa siya sakin.
“Hi Michael. And?” Sam is glaring sa kasama niya. Ang yaya ko talaga.
“Oo nga pala. This is Jenjen, my bestfriend.” Bestfriend pala niya.
“Best naman. Jenny guys.”Pakilala niya.
“Yun din yun best.”
“You look familiar.” She’s staring at me?
“Alex!” Pakilala ko.
“Siya si Alex best. Remember? Ang kinukwento ko sayo. At ang bestfriend niya. Si Sam.”
“Ah okay. Nice meeting you guys. By the way. We’re going elsewhere pa so goodbye!” Then hinila niya na si Michael. Na ayaw pang alisin ang tingin sakin.
“Anong nangyari dun?” Tanong ni yaya.
“Ewan.” Sagot ko naman.
MICHAEL’s POV
“Best bakit mo ako hinila?” Hinila na lang ako bigla eh.
“And why not?”
“Mag-uusap pa kami ni Alex.”
“Yan yung dahilan kung bakit kita hinila best. Sinabi ko naman sayo na hindi pwedeng maging kayo.”
Kung bakit ako nabobother these past few days, yun ang dahilan. Ayaw ni best friend kay Alex. Dahil daw alam na alam niya na hindi matatanggap ng family ko si Alex. Pero siya ang mahal ko.
***flashback***
“Oooooy! Sino yang katext mo huh? At abot langit ang ngiti mo?” O____O Si Jenjen naman nakakagulat.
“Kanina ka pa ba diyan?”
“Medyo? ^____^” Kanina pala siya. “Sino yan best. Chika.”
Sinabi ko lahat lahat sa kanya pati yung picture pinakita ko na.
“Hindi pwede best? Paanong?”
“Best, magugustuhan mo siya.”
“Hinding hindi Michael. Hinding hindi. Hinding hindi siya matatanggap sa pamilya niyo Michael.”
“Darating ang araw matatanggap din siya.”
“Best sinasabi ko sayo, itigil mo na yang kahibangan mo. Please.” Then tumulo ang luha niya.
“Di mo naman sasabihin kina mama diba?”
“Kapag pinagpatuloy mo yan, wala akong magagawa. Kaya itigil mo na.”
***end of flashback***
Alam ko namang strict ang family ko eh. Lalo na ang sa side ni papa kasi Chinese sila. Pero sana matanggap nila si Alex.
“Mahal ko siya Jen.”
“Mahal din kita.”
O____O Nagulat ako sa sinabi ni Jenny.
“Para na tayong magkapatid diba?” Yun yung dagdag niya.
“Alam ko. Mabuti pa umuwi na muna tayo best.” Niyaya ko siya.
“Mabuti pa nga.”
ALEX POV
Nasa park ako ngayon ng I.T. Department. Kasi hinihintay ko si Michael. Mag-uusap daw kami. Namimiss ko na rin siya kaya pumayag na ako. Panahon na siguro para magkaayos kami.
“Kanina ka pa?” Si Michael. Dumating na siya. May dala siyang drinks.
“Di naman. Kamusta ka na?”
“Namimiss na kita.” Yun yung sinabi niya na napangiti ako. Talaga bang namiss niya ako.
“Talaga?”
“Oo naman nuh. Alex?”
“Ano yun?”
“Sorry talaga huh? Sa mga sinabi ko sayo.”
“Sorry din kasi sinampal kita.”
“Hindi, tama lang yun sakin.”
“I don’t think so. Di dapat ako nanakit ng physical.”
“Pero mas maskit naman pag emotional.”
“Oo nga. Pero okay na yun sakin. You don’t mean it naman eh. Do you?”
“Of course not. Di ko sinasadya yun. Naiinis lang ako nung panahong yun.”
“Kalimutan na natin yun.” Ito naman talaga kasing magandang gawin.
“Tama ka nga. So friends?” He offered his hand.
I grabbed his hand and we shook hand.
“Friends!” Matching smile pa. “Again.” Dagdag ko pa.
Friends na kami ulit ni Michael. Kaya masaya ako. Mahal ko talaga siya at namiss ko siya sobra.
BINABASA MO ANG
He's Her
Teen FictionThis story is written not to discriminate anyone. Instead, it is written to encourage someone to become stronger despite of the limitations and defies. This story is written to accept letdowns and imperfections, and to stand up, let go, move on, and...