CHAPTER 19: FIANCE
He's Her
ALEX POV
Days had passed. Tapos na rin ang Midterm exam.
Alam niyo ba? Mataas ako nung midterm exams. May project pa nga kami sa database namin eh. Gumawa daw kami ng system para sa isang company by pair. At ang ginawa pa nga namin nun, ML Pera Padala na system. Kaya mas tumaas tuloy grades ko. Iba talaga pag inspired.
Dahil din dun sa system, tinutukso ako nila yaya at Chloe na ML daw yung pinili kong system hindi daw dahil M’Lhuiller. Kundi daw, Michael Lozada daw. Hahaha. Maga baliw talaga sila nuh? Haha. Pero pwede na rin. Haha
Speaking of Michael naman, alam niyo ba? Mas naging close pa kami. Ewan ko nga kung bakit. Araw araw, mas minamahal ko siya. Ewan ko ba sa ngayon kung may natitira pa sa sarili ko.
Ang bilis talaga ng araw. Malapit nang mag Final Exams eh.
“Mall tayo?” Si Yaya pala nagyaya. Kakalabas lang namin sa classroom at last class na yun.
“Wala akong gana yaya.”
“Wee? Ayaw mo?” Sabat ni Chloe.
“Alam ko na kung pano yan mapapasama.” Sabi ni yaya. “MICHAEEEEL!” Tinawag niya si Michael.
“Yaya ----“ Di ko na natuloy yung sasabihin ko kasi naman si Michael sumabat.
“Ano yun Sam?”
“Mall tayo dali.”
“Sure.”
“Ohh, ayan na sasama na yan. Yeeeeeeee. Hahaha!” Walang hiyang Chloe to oh. Haha
“Oo na sasama na ko.”
“Sabi na sayo eh sasama yan. Landi mo!” Yaya.
“Cheee.”
Ayun nga, gumala na kami sa mall. Nako, Tong mga to talaga kahit kailan. Pero masaya naman. Si Michael naman, kinukulit ako. Kaya di ako nabored.
“MICHAEL!”
Lumingon kami sa babae na tumawag.
“Best?”
“Bakit gulat ka ata.”
“Hi!” Bati namin sa kanya. Naalala ko pa naman kasi siya eh. Pinakilala din siya namin kay Chloe.
Pero di man lang siya sumagot. Ay? Walang manners?
“Can I borrow my bestfriend for a while? Thanks.”
Then di pa kami sumagot kinuha niya na si Michael.
“Ay bastusan ang peg?” Sabi ni Chloe.
“Pssst, Chloe.” Saway ko.
“Tama naman si Chloe. Problema nun?” Sabi naman ni yaya.
MICHAEL’s POV
“Best bakit?” Tanong ko kay Jenny.
Paano naman? Basta basta nanghihila. Nagtaray pa.
“Anong bakit bakit ka diyan huh?”
“Ano bang problema mo?”
“Ikaw?” She said.
“Ako? Bakit naman ako?”
“So, hanggang ngayon magkasama pa rin kayo ng Alex na yun?”
“We’re friends. Anong masama doon?”
BINABASA MO ANG
He's Her
Novela JuvenilThis story is written not to discriminate anyone. Instead, it is written to encourage someone to become stronger despite of the limitations and defies. This story is written to accept letdowns and imperfections, and to stand up, let go, move on, and...