CHAPTER 11: SWEET KO
He's Her
ANDREW’s POV
“Sam nakita mo ba si Alex?” Tanong ko.
“Hindi eh. Sorry.”
“Ikaw Chloe?”
“Hindi din eh.”
Haiii, saan ba nagpunta ang taong yun. Kapag bakita niyo siya sabihan niyo nalang ako kung nasaan siya ah?
Hinahanap ko siya ngayon kasi magsosorry ako sa kanya. Mukhang my nasabi akong di maganda sa kanya. Tatlong araw na kasi di pa rin siya namamansin. At alam kong nasaktan ko siya doon sa nasabi ko.
Wala kasi ako sa mood noon nung nasabi ko yun at my nangyaring di maganda sa akin nun.
Pumunta ako ng canteen baka nandito siya. At di nga ako ngakamali, nandito nga siya. Lumalakad na siya palabas. Kaya lalapitan ko na siya.
Pero nilampasan niya lang ako. Di nga ako pinansin. Masama nga siguro ang loob sa akin.
“Alex.” Hinigit ko ang braso niya.
Napatigil naman siya. At tumingin sa akin.
“Get your hands off me.” Then aalis na sana kaso di ko parin inalis pagkakahawak ko sa braso niya.
“Ano bah?”
“Let’s talk.” I said.
“We have nothing to talk about.”
“No. I just wanna say sorry.”
“Okay.” Ramdam kong hindi pa niya accepted ang sorry ko. “Now, get your hands off my arms.”
Sabi ko na eh
“No. Unless you’ll forgive me.” I smirked.
Tumingin siya sakin.
“Bakit ka ba nagsosorry? Wala kang kasalanan sakin. Kasi ako pa nga ang may kasalanan eh. Kasi nakikipag LANDIAN ako habang gumagawa ng activity. Kaya pwede ba bitawan mo ako.” Emphasize pa talaga ang landian?
Kaya naman napabitaw ako sa kanya.
Tatalikod na sana siya pero napatigil siya sa sinabi ko.
“Sorry. Masama lang mood ko ng gabing yun kasi kakahiwalay lang namin ni Roxanne.”
ALEX POV
Ano daw? Kakahiwalay lang nila ni Roxanne? Kaya siya ganun? Bakit sila naghiwalay?
Diba dapat masaya ako ngayon? Pero bakit hindi. Parang wala akong pakialam.
“So naghiwalay pala kayo? Kahit na maghiwalay kayo, huwag mong idamay ang mga tao sa paligid mo. Kasi kahit nasasaktan ka sa mga nangyayari sayo, wala kang karapatang manakit ng iba.”
Tama naman sinabi ko diba? Kahit nga ako nasaktan niya, hindi naman ako nanakit ng iba ah? Umiwas na nga lang ako.
Tinalikuran ko na lamang siya at umalis nah.
Simula noon, di na kami nagpansinan ni Andrew. Wala naman kasi akong pakialam eh kasi busy ako magreview sa prelim exams. Price pa naman galing ki Michael pag tumaas exams ko. Siya nagsabi nun ah? Di ko siya pinilit.
Alam ko iniisip niyo. Iniisip niyo na abuso na ako masyado. Pero si Michael naman talaga nag-offer noon. Kaya grab the opportunity na lang ako. Mamaya nga gagalingan ko sa exams ko.
“Yaya mukhang confident ka nanaman sa exams mo ah? Mukhang balik sa dati?” Puri ng yaya ko.
“Syempre yaya. My motivation eh.”
BINABASA MO ANG
He's Her
Fiksi RemajaThis story is written not to discriminate anyone. Instead, it is written to encourage someone to become stronger despite of the limitations and defies. This story is written to accept letdowns and imperfections, and to stand up, let go, move on, and...