Si Miss Otor. BOW

1.4K 19 7
                                    

"SI MISS OTOR. BOW"

Isang natatanging babala

Sa mga mahal kong mambabasa

Na magaganda't pogi kagaya ng tagasulat ng tulang binabasa

Ehem.. sige na't hayaan nalang at makinig na

Ito'y isang tulang nasulat,

Ng Otor na ulirat

Kung bakit naisulat? Aba malay ko na

Ika'y dumating na dito sa pagbabasa

Kaya heto na ang tula-tulaan

At eto na nga ang tulang walang kabulaanan

Si Miss Otor na may kabaliwan


BOW.


Ako'y isang babaeng, pagsusulat ang kinahiligan

Pati pagguhit at pagpinta,

Akin ring kinahuhumalingan

Totoo nga yaon pero talagang may katamaran

Kapag walang ginagawa,

Madalas tumunganga

Minsa'y ngingiti na parang sira,

Sa isipa'y panibagong storya na naman ang nagagawa

Masaya sana iyon,

Pero una't huli lang ang inaalala

Ako'y isang babaeng, mahilig maglakwatsa

Kay saklap lang talaga,

Madalas walang pera

Kaya wattpad ulit ang puntirya


Ako'y isang babaeng, maikli ang pasensya

Gustong mag-aral,

Pero simula palang ay inaantok na

Kaya balik muna sa wattpad,

Para ako man lang ay magising na

Ako'y isang babaeng, ayaw pa mag-syota

Nauumay sa sobrang kakornihan,

Ng ibang magsyo-syota

Ops ako'y hindi "Bitter"

Sadyang katotohanan lamang

Ng isang babaeng,

Ayaw magpakita ng ka-sweetan sa kahit kaninuman

Ganun paman,

Sa kaloob-looba'y nag-aalala rin naman

Dinadaan sa medyo pagtataray,

Dahil ayaw talaga sa mga kakornihan

Pero korni naman ang mga storyang sinusulat,

Ng Otor na walang iniibig(IWW)

Ako'y isang babaeng, oo na't walang syota,

Pero mahilig rin sa mga gwapo

Aba, natural lang iyon

Sa babaeng kagaya ko

Ako ba'y marami ng sinasabi,

Sige lang pagbigyan na

Minsanan lang naman


Ako'y isang babaeng, mahilig kumain

Pero kahit anong gawin,

Hindi parin tumataba

Dito nalang nagtatapos, ang tula-tulaang ewan


Ako si Miss Otor, nagpapasalamat sa iyo

Sa walang sawang suporta,

Sa mga nasusulat na storya

Ako'y may sasabihin, maniwala't sa hindi

Kayo'y mahal ko

Salamat ulit sa iyo

Sa pagbabasa ng mga gawa ko

Ako ulit si Miss Otor at dito na magtatapos

Ang tula-tulaang kapos


BOW.

-Claire Montecino :DD

Hahaha! naisipan ko lang bigla eh. :ppppp

Poems Of Different KindsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon