Kalungkutan

131 4 2
                                    

Note: Gawa to ni B2, gusto niya palagay dito. He's my uncle :)

Siguro nga kailangan ko nang manindigan

Iwasan mo na ako,

Tanggalin mo na ako sa iyong isipan

Alam kong kaya mo sa akin gawin 'to.

Nakakainis ang pakiramdam ng ganito

Hindi ko magawang ika'y pakawalan

Ayaw ko ng mabuhay sa mundo

Kung ako'y iyong tuluyan ng iiwan.

Ngayon ako'y nag- iisa't tumutula

Nagsusulat at nag- iisip ng nakatulala

Ilang minuto akong nag- isip kung ano ang susunod na salita

Subalit puro masasakit at hindi ko kayang ipakita.

Pero kailangan ko pa ring ipagpilitan

Na ako'y kunwaring ayos lang at nasisiyahan

Masaya't nagsisinungaling sa bawat kaibigan

Nagpapakita ng ngiting may nakatagong kalungkutan.

Makisabay nalang sa bawat tawa ng tao

Makisabay tumawa kahit nagmumukha na akong gago

Makisabay nalang sa ulan para hindi halatang lumuluha ako

Gagawa pa ako ng isang talata sa tulang 'to.

Kailangan kong sumabay sa agos ng buhay sa oras na ito

Ngingiti, tatawa nalang sa likod ng tunay na nararamdaman ko

lahat ng tao ay iiwan ka at yun ang napatunayan ko

Pangako ko, mamamatay akong nag- iisa sa mundo.

Kathang- Isip [Random- Tula, Kwentong Barbero, Article Kuno, Etc.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon